[[[ 3rd Person's POV ]]]
"Anong sinabi sa'yo ni Rico" Tanong ni Hannah sa kararating na si Nicky.
"Kahit ako ay naguluhan sa mga sinabi ni Rico. Hindi ko nga alam kung paniniwalaan ko siya o hindi, sa sitwasyon natin ay parang hindi mapagkakatiwalaan ang mga tao sa Baranggay na ito" Nanlulumong tugon ni Nicky at naglakad-lakad sila.
"Alam mo Nicky, wala naman talaga akong tiwala sa Rico na 'yan eh. It's just mabilis ka lang niyang napaniwala sa mga sinasabi niya kahit wala siyang proof na nakaalis na rito si Chelvin at Chesca" Sabi ni Jeward kay Nicky. Sobrang tinamaan si Nicky sa mga sinabi ni Jeward at napapatanong siya sa sarili niya kung mabilis talaga siyang magtiwala.
"Kahit nga si Ronnalyn ay hindi natin alam kung nasaan eh. Patay na ba siya tulad ni Christine or buhay pa? Who knows? Lahat ng sulok ng Baranggay na ito eh hindi normal" Sabi naman ni Hannah sa kanya
"Ano nga ba ang katotohanan?" Mahinang bulong ni Nicky sa kanyang sarili at doretsong nakatingin sa kanilang dinadaanan. Kahit ang mga sinabi ni Rico ay sobrang gulo to the point na naguguluhan siya. Para itong isang riddle na kailangan nilang sagutin.
***
"Kanina pa tayo naglalakad at may isa akong bagay na napapansin" Sabi ni Calvin kay Maika at Raphael. Nagtaka naman ang dalawa sa bagay na natuklasan ni Calvin. Sa tingin nila ay napaka-observant ni Calvin.
"Lahat ng tao sa Baranggay na ito. Walang pakielam sa'tin. Nakakasalubong natin sila pero hindi nila tayo binabati, nakikita nila tayo pero masasamang tingin ang ipinupukol nila sa'tin. Sa tingin ko ay para sa kanila ay tayo yung mga taong hindi dapat pagtuunan ng pansin. Para sa isang Baranggay, sila yata ang may pinakapangut na pakokitungo pagdating sa mga dayuhan" Pagpapaliwanag ni Calvin sa kanila. Napatingin ang dalawa sa paligid, nahuhuli nila na ang mga tao ay nakatitig sa kanila ngunit umiiwas din naman agad ito.
"Gusto mong gawan ko ng experiment 'yang theory mo?" Tanong ni Raphael at ngumiti kay Calvin. Nae-excite siyang gawin ang bagay na tumatakbo sa kanyang utak sa mga oras na iyon.
"Teka Raphael anong balak mo?" Tanong ni Maika.
Naglakad si Raphael at malakas na binunggo ang isang tao na nagdadaan dahilan upang mapaupo ito sa sahig. "Ah sorry kuya hindi ako nakatingin sa paligid, ayos ka lang ba?"
Hindi nito sinagot ang tanong ni Raphael. Iwinisik nito ang mga kamay nito upang tanggihan ang tulong na inaalok ni Raphael. "Masasama talaga kayong tao" Sabi nito at tumakbo palayo.
"Tama ka nga Calvin, iwas nga sila sa'tin" Nakangiting sabi ni Raphael dahil napatunayan niya ang teorya ni Calvin.
"Gosh, Bakit mo naman yung ginawa sa lalaki?" Tanong ni Maika kay Raphael.
"To prove something? Pansin ko lang, ang lamig ng katawan nung lalaki nung nagtama ang mga balat namin. Maybe nanlalamig siya dahil natatakot siya sa'tin or natatakot SILA sa'tin" Paliwanag ni Raphael
"It's better kung bumalik muna tayo sa bahay ni Aling Lydia upang pag-usapan ang mga nangyari. Do'n na rin natin hintayin sila Nicky" Sabi ni Calvin at naglakad na sila tungo sa bahay ni Aling Lydia.
***
"Julie di ka ba tinatamad sa kakalaro kay Edna?" Tanong ni Jean at nahiga sa isang sofa.
"Umayos ka nga Jean, ba't naman ako tatamarin eh ang bait-bait ng bata na 'to" Sabi niya at hinimas ang ulo ni Edna na ikinahagikhhik ng bata.
"Naku friend baka mapamahal ka sa bata at mahirapan kang iwan 'yan. Mahirap iwanan ang mga bagay na napapamahal at nagkaroon ng halaga sa buhay natin" Sabi ni Samantha at nagkunwa-kunwariang umiyak.