[[[ 3rd Person's POV ]]]
"Ayoko na dito, ayoko na dito, ayoko na dito..." Paulit-ulit na binubulong ni Jean sa kanyang sarili habanag paulit-ulit na naglalakad ng pabalik-balik.
"Umupo ka nga, sa pinapakita mong 'yan eh dinadagdagan mo lang ang pressure ng bawat isa" Sabi ni Calvin pero kahit siya rin naman ay kinakabahan, hindi para sa sarili niya kun'di kinakabahan siya para sa kakambal niya. Hindi niya alam king totoong ligtas ang kapatid niya. Nararamdaman niya na buhay ito pero nagse-second thought siya na mali ang instinct niya.
"Fuck! Nasaan na ba kasi ang matandang iyon? Akala ko ba tutulungan niya tayo na makaalis dito?" Pasigaw na sabi ni Raphael at kinalampag ang lamesa dahilan upang magulat ang lahat at magising mahimbing na natutulog na si Edna.
Kinusot ni Edna ang kanyang mapupungas na mata at yumakap kay Julie dahil nakaramdam ito ng takot.
"Hoy ikaw bata! Sigurado akong may alam ka sa mga nangyayari! Sinadya niyo talaga na papuntahin kami rito para patyin noh?" Sigaw ni Raphael. Akmang lalapit ito sa bata ngunit pinigilan lamang siya ni Maika.
Humigpit ang yakap ni Edna kay Julie at isiniksik nito ang munting mukha sa dibdib ni Julie dahil natatakot siya sa ekspresyon ni Randy. "Tinatakot mo lang ang bata. H'wag mong sisihin si Edna sa mga nangyayari dahil bata lang siya at hindi pa siya aware sa mga nangyayari" Pagtatanggol ni Julie.
"Why not? Hindi niyo ko masisisi dahil buhay ko ang nakataya dito. Kung kayo pa-easy-easy lang, ibahin niyo ko. I will make my move to get out in this fucking place" Sabi ni Raphael.
Akmang lalabas si Raphael ngunit nagsalita si Randy"Your too selfish. All the time sarili mo lang pala iniisip mo? Sama-sama tayong napunta rito so sama-sama tayong aalis dito"
"Kung gusto niyong makaalis dito. H'wag kayong umasa sa mga utos ni Calvin, may utak kayo. Alam niyo na ang mga bagay na dapat gawin" Sabi nito at nagpatuloy sa paglalakad. Napatahimik ang lahat, naiinis sila sa kanila mga sarili dahil may punto si Raphael.
"Sino ba ang buntot ng buntot kay Calvin? 'Diba siya? Gawin niya muna bago sabihin sa'tin!" Naiiritang sabi ni Jeward. Naaasar siya kung bakit hindi nakikipagtulungan sa kanila ngayon si Raphael.
Napayuko naman si Calvin at parang nawalan ng lakas na magsalita. Hindi niya inaasahan na sa mata ng iba niyang kasamahan, isa siyang ma-papel na tao. Ang gusto niya lang naman ay mabawasan ang tensyon at panatilihing kalmado ang lahat. Pero parang kabaligtaran ang nangyayari ngayon.
"Sundan ko na lang muna si Raphael guys" Sabi ni Maika at tumayo sa kanyang kinauupuan.
"Ba't susundan mo? It's his decision after all" Maikling sabi ni Jeward ngunit hibdi siya pinakinggan ni Maika. Para kay Maika ay ayaw niya ng mabawasan sila sa lugar na iyon. Hindi niya gustong mabaliwala ng lahat ang kanyang prisensya kaya sa kahit anong paraan ay gusto niyang nakatutulong siya.
"H'wag ka ng matakot Edna ah, wala na si Raphael. Wala ng mananakot sayo" Pagpapakalma ni Julie sa bata. "Halika muna sa banyo paliguan muna kita, ang baho mo na" Sabi nito na ikinahagikhik ng bata. Kinarga niya ito at tinungo ang banyo.
"Hintayin na lang natin sila bumalik dito, pakakalmahin muna natin ang stiwasyon bago mag-isip ng sunod nating gagawin" Sabi ni Calvin at pinilit na maging malakas sa harap ng iba. Kahit ma-papel ang tingin sa kanya ng iba ay alam niyang mayroon pa ring nagtitiwala at naniniwala sa mga kaya niyang gawin.
Biglang tumayo si Nicky at naglakad.
"T-teka saan ka pupunta?" Tanong ni Jean sa kanya.
"Sa kakilala lang" Maikling tugon ni Nicky at lumabas na ng bahay.