Nakatingin lamang si Raphael at Maika kay Lydia. Hinihintay nilang magsalita ang matanda. Parehas silang naaawa sa hitsura ngayon ni Aling Lydia, hinang-hina ito at parang dumaan sa maraming hirap.
"Ang totoo niyan ay wala talagang daan paalis sa lugar na ito" Sabi ni Aling Lydia na ikinagulat ng dalawa, naisip na nilang baka walang daan paalis sa lugar na iyon pero mas masakit malaman na totoo ang kanilang hinala.
"Pa'no nangyari iyon? Nakarating kami sa lugar na ito, ikaw ang nagdala sa'min sa lugar na ito" Naguguluhang sabi ni Maika
"Ayun lang ang bagay na maari kong sabihin sa inyo dahil iyon lamang ang narinig ko sa kanila. Hindi ito basta-basta isang baranggay, ang lugar na ito ang tatapos sa inyong buhay"
"Aling Lydia magsabi pa po kayo ng mga nalalaman niyo, tsaka sino yung mga taong narinig mo?" Curious na tanong ni Raphael at seryosong nakatingin kay Aling Lydia. "Please, nakikiusap po ako. Sabihin niyo po ang totoo"
Saglit na yumuko si Aling Lydia at parang inalala ang mga bagay na kanyang narinig. "Hindi ko alam kung totoo 'to. Kapag tumagal kayo ng isang linggo sa lugar na ito ay wala na talaga kayong pag-asa na makaalis rito"
"Gosh ano bang nangyayari sa lugar na it--"
"Maika nakakailang araw na ba tayo sa Baranggay Idaho?"
Binilang ni Maika sa kanyang kamay ang ilang araw nilang pananatili sa Baranggay Idaho, "Ikatlong araw na ngayon. Huwag mong sabihin na naniniwala ka na kapag tumagal tayo ng isang linggo rito eh hindi na tayo makakaalis?"
"Maika lahat ng bagay ngayon, posible. Sa ayaw at sa gusto mo, kahit ang mga bagay na imposible ay mapipilitan kang paniwalaan" Sabi ni Raphael at itinuon ang atensyon sa matanda. "Tulungan mo ko na maiuwi si Aling Lydia, kailangan niya ng sapat na pahinga"
Parehas nilang inalalayan si Aling Lydia upang makaalis na sa lumang bahay.
"Pasensya na kung naging isang abala ako para sa lahat" Mahinang sabi ni Aling Lydia.
"Hindi aling Lydia, aalis tayo sa lugar na ito. Isasama ka namin sa pag-alis namin sa lugar na 'to. Magtutulungan tayo" Sabi ni Maika sa matanda habang inaakay ito.
"Nakita niyo ba si Samantha? Bakas ng dugo niya ang aming sinundan kanina" Nagtatakang tanong at paliwanag ni Raphael. Napatingin siya kay Aling Lydia na parang iniisip mabuti ang nangyari.
"Hindi ko alam kung saan nila dinala ang mga kasamahan niyo pero isa lang ang alam ko. Plano niya kayong isa-isahin" Sabi ni Aling Lydia.
"Sa tingin ko'y kailangan nating mag-ingat mabuti" Tinungo nila ang bahay ni aling Lydia upang doon mapag-usapan ang mangyari.
***
Pinapasok ni Rico si Nicky sa kanyang bahay, mahigpit na nakahawak si Hannah sa laylayan ng damit ni Nicky dahil sa kabang nararamdaman niya. Hindi niya inaasahan na isang simpleng bahay lamang ang bahay ni Rico dahil akala niya'y maraming nakatago sa lugar na iyon.
"Maupo kayo" Anyaya ni Rico sa kanila at nahihiyang umupo si Nicky at Hannah.
"Nicky umalis na tayo rito" Mahinang bulong ni Hannah at siniko-siko pa si Nicky.
"Tatanungin ko muli kayo, gusto niyo ba talagang malaman kung bakit kayo narito?" Tanong ni Rico sa kanila at nag-abot ng timpladong kape sa kanila. Tinanggap naman nila itong dalawa at parang nagdadalawang isip kung iinumin ba ito o hindi. "Walang lason 'yan h'wag kayong mag-alala, hindi ako pumapatay ng aking bisita"
"Ano ba ang baranggay Idaho?" Diretsong tanong ni Nicky kay Rico, hindi niya rin naman gustong magtagal sa lugar dahil iniisip niya rin ang kaligtasan ng iba niyang kasamahan.