🌾Prologue🌾

5K 124 10
                                    

A/N: i rewrite the whole story, 2022 vs 2024

Ashleigh P.O.V.

November 19, monday.

First day of class, kaya naman bagot na bagot ako. Sino ba naman ang hindi mababagot kung puro nalang kwento at nakakarinding boses lang ni Ma'am sa klase niya ang maririnig? Ang daming dada, wala namang naituturo.

Sa sobrang dami niya ng naibuga samin ay hindi parin tapos, lintek! yung totoo ginagago ba kami ng oras?? bakit ang tagal ng 1 hour sa teacher na to?

"Ashleigh! Insan! Woi" sunod sunod na tawag sa akin ng katabi ko. Napalingon ako rito na nakakunot ang noo. She's Mira, my one and only cousin.

"Ano?"

"Tara mamaya sabay tayong lunch" bulong nito kaya tumango nalang ako. Hindi pa nga tapos ang klase, lunch na agad ang nasa isip.

Napahikab nalang ako bago umubob sa desk ko. Inaantok na naman ako. Ta-try ko munang umidlip kahit papano, baka makaligtas pa sa dragon na nagkekwento sa una.

Puyat pa naman ako, tinapos ko kaseng basahin ang isang novel kagabi.

"Mira. Gisingin moko pag tapos na si Maam..Tutulog lang ako" humihikab kong sabi at sumulyap dito. Tumango lang ito at nag cellphone na ulit. Umubob nalang ako hanggang sa makatulog ako.

Akala ko ay simpleng pagtulog lang ang gagawin ko ngunit nagkamali ako, dahil ang akala kong pagtulog ay siyang nagdala sa akin sa katotohanan.

Nanaginip lang ako hehe.

Na aakalain mong sa novela o mga libro mo lang mababasa pero hindi dahil kahit mismo ako na nagiimagine lang ng mga gantomg pangyayari ay bigla na lang mapupunta at mararanasan ang lahat.

Pero bago yon, may tila isang napakalaking liwanag ang biglang nagpakita sa akin at nilamon ako nito hanggang sa mawalan ako ng malay. Bago ang huli, isang malalim at seryosong boses ang aking huling narinig bago tuluyang mawalan ng ulirat.

"I need to erase your few memory and change it with a lie, im sorry but we need you. My lady Forrie"


°°°

Minulat ko ang mata ko ng maalalang nasa klase pa nga ako.
Napakamot pako ng isang mata ng maalala ang panaginip kanina. Weird.

Ihahagis ko na sana ang telang nakabalot sa katawan ko ng natigil ako at napakunot ang noo ng hindi ko maigalaw ang kamay ko. Teka, paano ako nagkatela? Bakit hindi ko rin maigalaw ang katawan ko? Tangina, natulog lang ako naging baldado pa ata.

"Hala, tangina. My lady, gising kana! Finally po nagising ka rin, may awa ang diyos" nagulat ako sa nagsalita kaya napalingon ako sa gawi ng sumigaw. Sino ito? Kanina pa ba siya rito.

Sino ba siya at minura pa ako? Is she out of her mind? Di ko naman kilala, tapos mumurahin ako. ahh baka nurse lang sa clinic, baguhan siguro to.

"Who are you?" tanong ko rito at inangatan siya ng kilay kahit na nakahiga ako. Nakahiga? Sandali nga, diba nasa classroom ako!?? Ano bang nangyayari.

Tiningnan ko ang buo nitong katawan at nangunot ang noo ko ng mapagtanto ko ang suot nitong damit. Di ba siya binabanas?

Nakasuot kasi ito ng kulay itim na dress na hanggang talampakan tapos may nakalaloob pang kulay puting polo sa suot nya na meron pang padesign na tela sa leeg at may suot pang panyo sa ulo na kulay itim rin. Ang astig ng pormahan ah, parang tanga. Ganto na ba ang trip ng mga nurse ngayon sa clinic?

Transmigrated as a weakest daughter of duke FormenteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon