🌾 Chapter 5🌾

1.8K 46 4
                                    

enjoy reading.

ALYESHIA

Maayos namang natapos ang pagsasalo salo sa hapag kainan kanina. As usual, mas tahimik kanina ang pagkain namin. Seryoso kase ang itsura ng mga tao sa kainan kanina at wala man lang nagtangkang umimik, miski nga si Maddieson ay tahimik at tila may malalim na iniisip. Nakakapagtaka nga kasi siya yung nangunguna sa pagsasalita at pag bibida ng kung ano ano pero bigla nalang tumahimik. Weird.


"My lady, papasok na po ako.." marahang boses ang nakaagaw ng atensyon ko dahil biglang bumukas ang pinto. Nakita ko naman agad ang nag alalang mukha ni Lourda pagkapasok nito ng kwarto. Nangunot ang noo ko sa reaksyon nito.




"What?"




"Lady Alyeshia? Okay lang po ba kayo? Masama po ba ang pakiramdam nyo? Gusto nyo pong magpatawag ako ng doktor?" maraming tanong nito kaya napangiwi ako. Bakit ba ganito nalang lagi si Lourda? Wala naman akong ibang ginagawa o nararamdaman kaya para siyang tangang tanong ng tanong sakin kung okay lang ba ako.



" No, I'm fine and good lourda. Stop overeacting about me. Timplahan mo nalang ako ng gatas" ngumiti ako ng maliit pagkatapos kong sabihin yon. Taray. Pansin ko lagi akong napapa english dito ah, nagagamit ko din naman ang kagaguhan ko.




"Sige po, babalik din po ako kaagad" tugon nito kaya tumango ako at ibinaling ang tingin sa kisame ng kwarto.




Gusto ko ng bumalik sa dati kong katawan. Ang boring dito.



Ilang minuto pa ang dumaan ay bumalik narin agad si Lourda bitbit bitbit ang pinapatimpla ko. Bumangon naman ako ng iniabot niya sakin yon.




"Salamat, Lourda" tumango at ngumiti naman ito at lumayo sa akin at nagumpisang maglinis sa kwarto ko. Dahil sa wala naman akong ginagawa at umiinom lang ako ng gatas, pinapanood ko lang ito.



"Lourda" pagtawag ko kaya agad itong lumingon sa akin. Napatitig naman ako sa buong mukha nito. Nasabi ko na ba sa inyo na maganda si Lourda? Para siyang isang dalagang pilipina.



"Bakit po, young lady?" mahinhing sabi nito kaya napatuwid ako ng upo.



"Bakit mo ako minura nong nagising ako?" nakaangat kilay kong tanong kaya nakitaan ko ito ng pagkaputla.



"Ahh my lady, h-hindi ko na po maalala. hehe" kinakabahang wika nito at iniiwasan ang tingin ko. Napatawa naman ako ng mahina.



"Joke lang. By the way, can I call you Ida? Mas madali itong banggitin" pahayag ko kaya nakita ko itong namumula at mangiyak ngiyak na tumingin sa akin. Nangunot naman ang noo ko sa reaksyon nito. Anyare dine?


"Bakit?"



"M-my l-lady...huhuhuhu. Kayo palang po kase ang unang gumawa ng palayaw sa akin, sobrang salamat po. Kay bait niyong taglay" madamdaming sabi nito bago magpunas ng mga luha. Napairap naman ako at inubos ang gatas.




"Tss, para fair tayo. Tawagin mo nalang akong Leigh. Wag nang 'my lady' pag tayo lang dalwa ang magkasama" seryosong sabi ko at humiga sa papag. Nakanganga pa si Ida nang talikuran ko kaya narinig ko ulit ang hikbi nito. Napakamot ako sa noo.



"Ano ba Ida, stop overeacting. Maliit na bagay pinagiuyakan mo" may taray kong saad at nagkulubong. Napangiti naman ako sa aking ginawa.


Lourda deserve kindness, hindi kasamaan.



"My lady, tulog kana po?" napatanggal naman ako ng kulubong at nakabusangot ang mukang tiningnan si Ida.



"What did I just say earlier? Call me Leigh if we are alone and I call you Ida!" mataray kong sambit at sinamaan ito ng tingin. Ngumiti naman ito at marahang tumango sa akin.



Transmigrated as a weakest daughter of duke FormenteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon