🌾 Chapter 3 🌾

2.2K 73 6
                                    

A/N: enjoy reading

Alyeshia P.O.V.

"What are you doing here"

Dahan dahan kong iniikot ang ulo ko ng Isang malamig na boses ang nagbigay kaba sa akin matapos kong marinig ito.


Speaking of the devil!


"Nakaupo?" obvious kong tanong kaya napakunot lalo ang noo nito. Napakamot naman ako ng pisngi ng ma-realize ang sinabi. Shet, problema talaga ang dala mo sa buhay kahit kailan Ashleigh!

"Who's with you" hindi tanong pero sinagot ko. Grabe nakakatuwa naman siyang kausap. Hindi mo alam kung nagtatanong ba o nag-uutos.

"Wala po" alam naman niyang wala akong kasama eh magtatanong kung sino ang kasama ko, bobo din pala itong male lead nato eh. Joke lang, baka may nakakabasa ng isip dito mahirap na! Napanguso naman ako, shet fantasy nga pala ang isa sa genre nito kaya hindi malayong may magbasa ng isip ko kahit walang pahintulot. I need to watch my word.

Napayuko nalang ako at pinaglalaruan ang daliri. Ayokong tingnan siya sa kanyang mata dahil alam kong mababasa niya lalo ang nasa isip ko.

"What are you doing here" paguulit na tanong nito sa akin.

Ang kulit!

"Im lost, young master" formal kung tugon dito. Hindi ko pinahahalata na kinakabahan ako pag kinakausap sya. Paano ba naman ako hindi kakabahan sa kanya, lagi yatang galit sa mundo 'to at sobrang dilim lagi ng presensya.


Ihh bat kase ang tagal ni Hane, sabi niya pupuntahan niya daw ako?

"Go home." napa face palm ako sa sinabi nito.

(⁠ ー⁠_⁠ー )

Confirm. May pahid nga ang male lead ng nobelang ito. Akala ko ako lang ang nakapansin nong binabasa ko, de joke lang. Yung kakasabi ko lang na 'im lost' papauwiin naman ako! Aba.

"As what I said po young master, nawawala po ako..h-hehe. Hindi ko po alam kung saan ang daan" mas pinalungkot ko ang boses ko at nagpaawa. Baka sakaling makalisot at tulungan ako.

Napatitig ako sa male lead na mataim ding nakatingin sa akin. Napaisip isip naman ako kung paano ako nakakausap nitong male lead na ito eh hindi daw ito namamansin. Base pa sa nabasa kong libro ay di nya talaga pinapansin si Alyeshia kahit na todo papansin namang itong si Alyeshia sa kanya. Ang alam ko rin ay yung female lead lang ang pinapansin niya, minsan pa nga ay kinakausap.

Tapos alam niyo ba, after ko ngang mabasa yung part na mas pinili pa ni Alyeshia ang harangan ang mahika na sana ay tatama kay Veighn pero yung isa naman tumakbo papalapit don sa female lead dahil may sugat ito at nalason. Nais-stress ako sa part na yon hanggang sa itigil ko muna ang pagbabasa tapos ngayon, boom ako na mismo ang nasa libro.

Medyo nagsisisi ako sa part na hindi ko muna tinapos basahin, technically, hindi ko alam talaga ang ibang part at scene na mangyayari dito.

"Stupid" malamig at seryosong sabi ni Veighn bago maglakad palayo.

Ha? May tama ba sa utak yon, sabihan ba naman akong stupid.

"Hayss. Tagal ni Hane" bulong ko dahil magisa na naman ako. Nanginginig narin ako sa lamig dahil sa aking suot. Dahil sa sobrang inip ay asar akong nagsquat para maupo ng bahagya. Bahala na kung mangalay ang paa ko!

Nakakasura din ang male lead na yon, wala man lang ka gentle gentlemen sa babae, iiwan nalang basta. Napairap nalang ako.

Ang tanging ilaw ko lang naman ay ang aking cellphone ay kumuha nalang ako ng maliit na bato para magsulat ng kung ano ano sa kalsada. Ilang minuto din akong paganon ganon ng maramdaman ko ang pagpatong ng kung anong bagay sa likod ko.

Transmigrated as a weakest daughter of duke FormenteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon