🌾 Chapter 8 🌾

1.8K 58 1
                                    

sorry po sa late ud para sa chapter 8 kahapon, naubos lang load ko hehe, enjoy reading

ALYESHIA




Malungkot akong nakasandal ngayon sa inuupuan ko habang nasa gilid ko si Veighn. Naiinis na rin ako dahil may mga camera pang kuha ng kuha ng picture sa aming dalwa imbis na ang may ari ng mansion na ito ang kanilang pinipicturan. Hindi naman ako makatiis dahil ang sakit sa mata ng liwanag na lumalabas sa kanilang camera.



Sinundot ko naman ang balikat ni Veighn.



"Young master, paalisin mo nga yung mga namimicture. Sumasakit ang mata ko sa ilaw" reklamo ko at sumobsob sa mesa. Wala naman akong ibang magawa dahil pinagbawalan na ako ng male lead uminom, lasing na raw ako.



Narinig ko pang may kausap na kung sino si Veighn kaya tumunghay ako. Pipikit pikit pakong lumingon dito pero nakita ko lang rin siyang nakatitig sa akin imbis na sa kausap niya. Ngumiti lang ako dito at sumobsob ulit. Naramdaman ko namang umalis na ang kausap nito at hindi ko na rin masyadong nararamdaman ang mga liwanag na kumukuha ng picture.



Ngumunot ang noo ko, ibig bang sabihin ay pinaalis niya ang mga iyon?



Hindi ko nalang pinansin ang titig ni Veighn at kinuha ang cellphone ko bago i-open ang social media. Scroll lang ako ng scroll ng mapansing marami ang friend request ng account ni Alyeshia. Binuksan ko naman ito at nag umpisang magscroll at isa - isang tinignan ang nagbigay ng request.



Karamihan dito ay ang mga narito sa mansion ng Duke Tropez, puro din lalaki ang mga ito kaya napangiwi ako. Napalitan naman ang ngiwi ko ng ngiti ng may makitang pamilyar na pangalan.



Jiro Fuentova sent you a friend request
1 mutual friend (Kirstyn Amie Sanjorffe)
confirm request delete request


Kaagad ko naman itong inaccept at inistalk. Ngingisi ngisi pako ng makita ang mga pic nito na may abs. Bukod sa pogi na, may abs pa!



May nag - notif naman sa message kaya tiningnan ko yon.



@JiroFuentova: Hi



Napailing nalang ako bago replyan ng hello. Wala pang ilang segundo ay naka - recieve agad ako ng notif.





Jiro: I'm sorry about earlier, young lady. Nakakatakot kasi si young master Veighn.




Alyeshia Kayne: It's okay lang and im sorry too.
By the way nice to meet you too jiro!



Jiro: Okay lang yon, my lady.
By the way, where are you now young lady? Hindi na kita nakita kase nawala ka sa pwesto mo kanina?



Alyeshia Kayne: Ah, I'm with the young master, jiro. How about you, where are you? bigla kang nawala eh haha


Natagalan pa ng ilang minuto bago ako makareceive ng reply. Napahikab nalang ako sa sunod na sinabi nito.


Jiro: Nasa table ako ng friends ko, young lady.




Alyeshia Kayne: Ah, okay.




Wala na sana sa plano kong dugtungan pa ang pakikipag usap kay Jiro dahil sa tinatamad na ako ay nakita ko naman ang typing nito na sobrang tagal. Napakunot pa ang noo ko dahil sobrang haba naman ata ng sunod na irereply nito. Pero napatawa nalang ako ng ma-realize ang ginawa niya, kanina pa pala siya nagsend ng chat.


Transmigrated as a weakest daughter of duke FormenteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon