🌾 Chapter 7 🌾

2.1K 67 3
                                    

enjoy reading

ALYESHIA

"Tell me. What are you doing here?" napangiwi nalang ako dahil nakakunot na ang noo nitong tanong ulit sa akin.

Hehe, I smell danger

"Naggagala lang po young master. Ang b-boring kase sa loob....hehe" palusot ko at unti - unting naglalakad paatras, sinusubukang tumakas. Tumalim naman ang titig nito sa akin kaya ngumiti ako ng peke.

"Where do you think you're going" kusang tumigil ang buong katawan ko sa paggalaw ng marinig ang sobrang lamig na boses nito. Napangiwi pa ako ng makita ang hitsura nito habang nakatingin sa akin, para bang kakainin ako ng buhay e.

"Babalik na po sa loob, baka hanap na po ako nila" mahinang sabi ko at akmang lalagpasan na ito ay hinawakan naman agad ang braso ko. Natigilan naman ako bago siya titigan ng may pagtataka.

"B-bakit p-po?" kinakabahan kong sabi. Nakatitig lang naman ito sa akin, nagbilang pako ng hanggang 30 seconds ng ako narin ang bumitaw sa pakikipagtitigan.

"Y-young master...bitaw na po kayo, papasok na ako medyo lumalamig na po dito sa labas hehe" medyo napataas pa ang boses ko pero nagulat nalang ako ng bigla nitong hinubad ang suot niyang coat at bigla nitong ipinatong sa balikat ko. Seryoso lang ang mukha nito habang yung akin ay nakanganga at gulat.

Shemay! P-pinatungang ako ng coat ng male lead? Totoo ba 'to.......kyahh yung puso ko sobrang bilis ng tibok.

Namula naman ang pisngi ko at ang bibig ko'y tila nalagyan ng glue dahil hindi ko maibuka.

"Stay. Don't go anywhere, just stay with me...for now" tuluyan akong hindi makahinga dahil sa sinabi nito. Takte, bibigyan ata ako ng sakit sa puso ng lalaking to! Kung ano - ano nalang ang lumalabas sa bibig.

"W--wait young m-master! hinay hinay lang sa mga banat mo, di ako ready. Nakakasikip ng dibdib" nag - init ang pisngi ko dahil sa ginagawa ng lalaking ito. Nangunot ang noo nito at tiningnan ako na parang nasisira ang ulo. Nawala naman ang kilig na nararamdaman ko dahil sa sunod na sinabi nito.

"Crazy"

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nito at binago ang topic.

"Ah, young master Veighn...why are you with lady Ilaya earlier? Are you two close?" pahina ng pahina ang boses ko ng tinanong ko siya non, dumilim naman ang aura nito kaya napangiwi ako at lumayo ng konti dito.

" So you are really eavesdropping on us. What did you hear?" malamig na sabi nito at humakbang papalapit sa akin. Nataranta naman ako at agad napaatras. Napasinghap pa ako ng ma-realize ang style namin ngayon, shet i-cocorner niya ba ako dito sa puno sa likod ko? ew cringe.

"N-no.... it's not that I heard you two, nakita ko lang kayo..oo nakita ko lang kayo young master hehe peace tayo" kinakabahan kong sabi at umiwas sa may puno para di niya ako ma corner, ngumisi lang ito dahil nahalata ata ang ginawa ko.

"Tsk. Stop lying, before we talk, I already feel your presence behind these tree." madiing sabi nito kaya umiling ako ng malakas.

" Aamin na ako, kanina pakong nasa likod ng puno pero diko nga po kayo n-narinig..ang layo niyo kaya" pagdadahilan ko pero ang lintik biglang nawala. Napahawak pako sa dibdib ko ng makahinga ako ng maluwag.

"Takte, ayaw pang maniwala..konti lang naman narinig ko pero wala naman akong naintidihan" reklamo ko.

"Liar" nanigas ako ng marinig ko ang boses sa likod ko, sisigaw na sana ako pero hindi ko nagawa ng mahigpit ako nitong pinuluputan ng kamay sa bewang at tinakluban ang bibig ko ng isa nitong kamay. Nagpupumiglas pa ako xahil hindi ako makawala sa pagkakahawak nito.

Transmigrated as a weakest daughter of duke FormenteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon