🌾 Chapter 2 🌾

2.5K 79 1
                                    

A/N: enjoy reading

Alyeshia P.O.V.

Anong ginagawa nya dito sa tapat ng kwarto ko?

Mukhang sya nga ang nagpatak dahil kanina nya pang hinihimas ang kanyang braso. Tanga niya naman para magpatak.

Tinitingnan ko lang sya at mahigit kinse minutos atang tinitingnan ko ito bago ito magumpisang maglakad papalayo dahil may mga lalaking nakaitim ang papalapit sa kaniya.

He's really suspicious. Sino ba ang matinong lalaki ang makikita mo sa tapat ng kwarto ng isang babae tapos maglilikha pa ng malakas ng tunog? Unless, baka may binabalak na masama! Ow shit, Suspect ka sakin ngayon Kenjie Zaiggon.

Hangang ngayon ay nagiisip parin ako kung bakit sya na sa tapat ng kwarto ko. Wala rin naman akong nabasang gantong part sa book kaya nakakapagtaka. Baka siguro limot ko lang. Dumaan pa ang ilang segundo bago ko naramdamang pumikit ang mata ko at tuluyang nakatulog.

Nagising nalang ako dahil nakaramdam ako ng uhaw. Napatingin naman ako sa bintana ng makita ko itong sara pero masisilayan mo parin ang labas. Gabi na pala, anong oras na kaya? Napahaba ata ang tulog ko.

Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng kwarto dahil nagugutom nadin ako. Naglalakad lang ako pababa ng hagdan ng marinig ko ang boses na nanggagaling sa kabilang kwarto, ikalwang pinto bago sa kwarto ni Alyeshia. Dinahan dahan ko ang aking paglalakad upang marinig ng maayos ang sinasabi nito. Para akong spy sa aking ginagawa. Napatingin ako sa nasa loob ng kwarto, si Maddieson.

Nakalimutan nya atang isara ang pinto ng kwarto nya. Napantig ang tenga ko ng marinig ko ng malinaw ang sinasabi nito.

"I want you to kill her, damn! Nabibwesit na ako sa babaeng yon, imbis na naayon sa plano. Lumalayo pa" galit na sabi ni Maddie. Kaya nangunot ang noo ko. Sinong tinutukoy niya?

Ako ba yan? Wow, special treatment ha. Sa kanya ko lang mararanasan ang ganto, sobrang thankful ko talaga.


"Tss, I don't care about her naman and wala akong pake if she's my sister, kaya gusto ko syang mamatay dahil sagabal lang sya sa lahat ng plano ko" napatigil na ako sa paglalakad dahil sa pakikinig. Plano? Naging balakid pa ako sa lagay na ito? Sa pagkakaalala ko, katangahan niya ang balakid sa plano niya.

Tsaka, why killing me?Ganon ba talaga sya ka-insecure kay Alyeshia?

"Bubuksan ko mamaya ang bintana ng kwarto niya para makapasok ka, tulog pa naman ang luka" ako ba yung tinutukoy nya?Ay kung ganon ang bobo nya naman, magpaplano na nga lang sya may makakarinig pa.

Napangisi ako, may bigla kasi akong naisip gawin ngayon eh. Napagisipan kung umalis ngayong gabi upang mamasyal. Sakto at nabanggit pa sakin ni Lourda na mas maganda daw kase pag gabi dito.


Hindi ko na tinuloy ang pagpunta sa kusina at bumalik nalang ng kwarto upang maligo.

Nakasuot ako ng oversized crop top na color black at pinaresan ito ng skirt na kulay black rin. Rubber shoes na white ang isinuot ko para makakatakbo pagkinakailangan, char.

Kinuha ko yung wallet ni Alyeshia dahil wala akong pera dito, mahirap na at baka ako'y mawala. Buti nalang at tinuro ni Lourda kung nasaan yung wallet edi problem solved ako.

Lumapit muna ako sa aking kama ng makaisip ako ng kalokohan. Napatawa muna ako bago inipon ang aking unan at stuff toys para i-form na tao bago takluban ng kumot. Napangisi naman ako ng maghugis natutog na tao nga ang nagawa ko.

Transmigrated as a weakest daughter of duke FormenteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon