🌾 Chapter 9 🌾

1.7K 58 3
                                    

this whole chapter was Ida's pov, enjoy reading

LOURDA MAINE (IDA)

"Nakakainis, bakit ba hindi nalang magising ang lintik na babaeng yon! Ang lakas at tindi talaga ng buhay ang tagal mamatay! Kulang pa ata ang paguntog at tulak sa ilog para mawala na siya sa mundong 'to, bwiset" rinig kong sigaw ni Lady Maddieson. Pangatlo na anak ng mag - asawang Formentero na kung saan ako nagtatrabaho bilang katulong.

Napakuyom ako ng kamao dahil kilala ko agad ang pinagbubuntungan at pinagiinitin nito. Napabuntong hininga nalang ako at naaawang napatingin sa tapat ng kwarto ni Lady Alyeshia. Pang - apat anak ni Duke Herrmon at Duchess Carmainne.

Ang mabait at sobrang talinong anak pero baliwala lang para sa kanila dahil mahina ito. Sobrang lambing at mapagmahal ng kanilang pero hindi man lang nila magawang suklian ng pagaaruga at atensyon. Subalit ay tinatraro pa nilang basura.

Dahil sa naiisip ko ay napakuyom ako ng kamao.

Hayaan mo my lady, itataya ko ang buhay ko at paglilingkudan ka hanggang sa aking huling hininga!Pangako at hindi kita bibiguin.


"Hoy Lourda, tulungan mo nga akong ligpitin ang kalat sa kusina. Tulala ka na naman sa tapat ng kwarto ng alaga mo, hindi naman yan magigising sa ginagawa mo" tawag sakin ni Jhane. Isang katulong na kagaya ko rin. Mabait naman ito pero pag trabaho ang usapan ay masyado siyang seryoso at istrikta, daig pang mayordoma kung umasta. Tumango nalang ako at lumapit sa kanya. Tinulungan ko ito hanggang sa matapos.


Umakyat nalang ulit ako papunta sa kwarto ni lady Alyeshia upang silipin siya at bantayan. Limang araw na kasi siyang nakahiga sa kanyang malambot na kama at hindi pa rin nagigising. Nabagok kasi ang ulo niya at muntikan pang malunod dahil natagpuan nalang siyang palutang lutang sa may batis sa likod ng mansion nila.

Nalulungkot ako sa isiping aksidente raw ang nangyari at isa lang daw ito sa paraan upang magpapansin ni lady Alyeshia. Napakuyom ang kamao ko dahil alam kong hindi ito gagawin ng aking alaga, alam ko namang masyado siyang uhaw sa atensyon ng kanyang pamilya pero hindi naman niya magagawa ang ganitong pangyayari. Lalo na't alam kong isang tao lang ang may kayang gawin ito sa kanya, ang kanyang ate Maddie.

Umupo ako sa upuang nasa gilid ng kama ni young lady at malungkot na nangamusta.

"My lady, kamusta na po ang tulog niyo? Kelan ka po ba magigising? Alalang - alala na po ako sa inyo, sana mabilis na po ang paggaling mo at gumising kana. Promise po my lady, di na po ako iimik pag may ipaguutos ka o may sasabihin basta umayos na po kayo" napabuntong hininga ako bago pinagkatitigan ang mukha nito maaliwalas at tila ba'y anghel dahil sa sobrang inosente ng mukha.


Nanlalaki ang mata kong napatayo at gulat na pinagkatitigan ang my lady dahil mulat na ito habag ilang beses pinikit mulat ang mata.

"Hala, Tangina . My lady gising kana! Finally po nagising ka rin, may awa ang diyos" madamdamin kong saad habang naluluhang nakatitig dito. Medyo naguluhan pa ang mukha nito pero dahil sa tuwa ay lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Who are you? Why I am here, clinic ba 'to? Where's ate Lyka? Can you call her and bring her to me. Shet naman oh, ang weird mo ateng ang banas ng suot" hindi ko nalang pinansin ang mga pinagsasabi ni young lady at mas inunawa nalang siya dahil alam kong malaki ang impact sa kanya ng nangyari sa kanya.

Labis ang aking tuwa ng mga sumunod na araw ay maayos lamang ang lagay ng my lady. Nag - iba na rin ang trato niya sa akin at ramdam kong mas lumapit pa kami sa isa't isa. Hindi rin naman ako maka - get over dahil sa aming naging usapan kanina ni Leigh, dahil pinayagan niya akong tawagin sa kanyang pangalan lamang. Tapos mas nasiyahan pa ako ng gawan niya ako ng palayaw at siya lamang ang tumatawag ng ganon!

Transmigrated as a weakest daughter of duke FormenteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon