Chapter 1: First case.

1.1K 31 20
                                    

                           Vivienne

"You're wasting my time, I'm fucking late."

Bwisit! Dapat kanina pa ako nasa bago kong school kung hindi lang dahil sa mga hampas lupang humarang sa'kin. Am I that so damn beautiful at nakita nila kaagad ako sa dami ba naman ng tao dito?

This two goons laughed at me, showing their yellow teeths. Pucha, regaluhan ko kaya sila ng isang truck ng toothpaste at toothbrush? That's a good idea Vivienne.

"Hoy babae! Isa ka lang at dalawa kami, lalaki pa! Anong laban mo sa'ming babae ka? Sumuko ka'na lang kasi!" the goon number one shouted, that made me smirked.

But I made them see my emotionless face. Napalunok sila dahil sa mukha ko at umatras. Just because I stared at them like that, they are already scared? Woah, I'm so damn cool.

I walked towards them and just in one snap ay nabigyan ko na sila ng tag-isang high round kick ko. And now? They are sleeping, nakangisi pa akong pinag-tripan ang walang malay nilang katawan at pinagyakap sila.

But I stopped when I remembered that I'm so fucking late. Oh, who cares if I'm late? Oo nga pala, bago lang ako. Nagsimula na akong maglakad nang normal kong lakad, hindi nagmamadali at kalmado lang. Nakapasok pa nga ako nang walang guard eh, and when I took a peek at the guard ay napailing ako.

He's damn sleeping.

I never thought that Everest University is this so big. Pero tulog nga lang ang gwardiya at baka mamaya ay mapasok pa sila ng magnanakaw.

Who cares anyway? Hinayaan ko na ang guard at dumiretso sa classroom ko. Pagdating ko nga doon ay nagsisimula na silang mag-discuss. As I said before, who cares?

Hindi na ako kumatok at binuksan na lang ang pinto. Kung kakatok pa ako ay bubuksan ko din naman kaya hindi na lang ako kumatok. I caught their attention, lalo na ang teacher na lalaki. His eyebrows met and glared at me.

"Introduce yourself," pag-utos niya.

I looked at him, emotionless. I walked at the front and I can feel their judgemental stares. At kung hayop sila ay bubuyog sila.

I looked at my classmates. Why do I need to introduce myself? Ganoon na ba talaga ako kaganda?

"Vivienne Mstrielie Martinez."

Bago pa may sabihin ang guro ay pumunta na ako sa bakanteng upuan na malapit sa bintana, dalawa ang bakanteng upuan at mukhang absent ang katabi ko. Okay, who cares?

"Back to the discussion–"

Naramdaman ko ang pagtigil ng guro namin sa pagsasalita pero hindi ko ito pinagtuunan ng pansin. I'm busy looking at the roses outside, garden na kasi ang katabi ko kaya malaya akong titigan nang malapitan ang bulaklak.

"Late again Mr. Ruzzo!"

Aish! Bakit ba hindi na lang mag-discuss ulit?! Puro na lang sermon.

"Who are you? Stand up and find another seat."

Ohh, mukhang ito ang katabi ko. I looked at him and of course, observed him. Ganoon din ang ginawa niya sa'kin but I still didn't show any emotion.

Detective BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon