Vivienne
Dave is already sleeping, malalim na din ang tulog niya kaya dahan-dahan akong tumayo at kinuha ang jacket kong nakasabit sa upuan pero tumigil ako at nilapitan si Dave, dahan-dahan akong kumuha ng isang piraso ng buhok niya at nilagay ko sa isang maliit na plastic. Walang ingay akong lumabas ng condo namin at habang tumatakbo pababa ay napahinto ako nang may taong tumakbo sa likod ko. Tumingin ako sa likod pero wala namang tao, sinubukan kong silipin ang kabilang hallway at may nakitang dalawang lalaki na tumatakbo. Akmang hahabulin ko sila pero naalala kong mas importanteng matapos ko na itong tungkol kay Dave para makagawa na ako ng plano.
Pagkababa ko ay nagulat ako nang makita si Charm sa pwesto ng landlay ng condo na ito. Napatingin siya sa akin at nagulat nang makita ako. Nakakunot ang noo akong lumapit sa kaniya, tinago pa niya ang papel na hawak niya na mukhang nakuha niya sa log book ng landlady.
"Why are you here?" seryoso kong tanong at napayuko naman siya.
"M-May--'
"Inutusan ka'ba ni X?" malamig kong tanong at umiling naman siya kaya napairap ako sa inis.
"Kung inutusan ka niyang sundan ako--"
"Hindi na niya ako inuutusan at hindi ko na rin siya sinusunod dahil wala naman na akong dahilan para sundin siya," pagpuputol niya sa akin at malungkot na ngumiti sa akin. "Wala na akong poprotektahan kung di ikaw na lang," dugtong niya na nagpataka sa akin
"What do you mean?" I asked but she just smiled and umalis na.
Wala na siyang poprotektahan? Sinong prinoprotektahan niya? Tumingin ako kay Charm na tumatakbo paalis ng condo. Kung si Charm nandito, sino naman 'yung dalawang lalaki na tumatakbo kanina? Tuluyan na akong lumabas ng condo at nakita si Aries na nakasandal sa kotse niya, kumunot ang noo ko nang parang sumesenyas siya sa kung kanino. Tinignan ko kung saan siya nakatingin pero wala namang tao.
"Just tell me kung gusto mong ihatid kita sa mental," sabi ko at nagulat naman siya. Napakamot siya sa batok at umiwas ng tingin.
"T-Tara na," pag-iiba niya ng topic at pinagbuksan na ako ng pinto. Pinanliitan ko siya ng mata.
"Kung ano man 'yang tinatago mo, kapag nalaman ko. Humanda ka sa akin," banta ko sa kaniya at napalunok naman siya bago ngumuso.
"Sumakay ka'na, baka mamaya magising pa 'yang ghost ex boyfriend mo," sarkastikong sabi niya kaya napairap na lang ako at tuluyang sumakay.
"He's not my ex because hindi kami nag-break," I said nang makasakay na siya sa kotse.
"Ah edi si Aiven ang ex boyfriend mo?" tanong niya habang nagmamaneho kaya umiwas ako ng tingin.
"Can you please stop mentioning his name? Nakakainis," inis kong sabi at mahina naman siyang tumawa.
"Minsan, may dahilan kung bakit sila nakikipaghiwalay," sabi pa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Anong dahilan niya? Anak siya ng kalaban na'tin, Aries. Plano niya lahat, ang paglapit sa akin at ang pagpaparamdam sa akin na mahal niya ako," inis kong sabi at umiling naman siya. "Kalaban din na'tin siya Aries. Atsaka pwede bang huwag natin siyang pag-usapan?" dugtong ko at tumawa naman siya.
"Bahala ka, sinabihan na kita," kibit balikat niya pa kaya inirapan ko na lang siya at tumingin sa daan.
Kung may dahilan nga siya, ano naman 'yon?! Na plinano niya lahat at nalaman na niya mga kahinaan ko?! Pagod na siya?! Sawa na siya?! Letche, iniiwasan ko na nga siyang isipin.
"Saan ililibing si Lolo?" biglang tanong ni Aries kaya umiwas ako ng tingin.
"Ililibing siya bukas sa property na'ting mga Martinez," mahina kong sabi at nanahimik na lang.
BINABASA MO ANG
Detective Buddies
Mistero / ThrillerSolve and be stressed with Vivienne and Aiven. Let's join their mysterious experiences and travels. Who is the devil behind those innocent face? Started: June 28, 2022 Ended: October 9, 2022
