Chapter 38: Dave is alive?

175 5 0
                                        

Vivienne

"D-Dave?"

I heard him chuckle. "Love it's me, I'm alive. I'll explain it all to you when we see each other na. Where can I meet you, love? Sa condo natin?" he asked and my hands were shaking.

He's alive, boses niya 'to. Tawa niya 'yun. How? How––paano siya nakaligtas? Bakit ngayon lang siya nagparamdam?

"L-Let's meet up i-in our c-condo," utal kong sabi at narinig ko naman ang pag-yes niya.

"I miss you so fucking much, love. I'm on my way. I love you."

Dahil sa gulat ay pinatay ko kaagad ang tawag. Nabitawan ko ang phone ko at sinabunutan ang sarili. I can't, hindi ko na maisiksik sa utak ko ang mga nangyayari sa akin. Tumakbo ako palabas at tumakbo palapit kay Kuya na kinakausap ang mga pulis.

"K-Kuya, where's your car key?" nagmamadali kong tanong at nagtataka naman niyang binigay ang susi ng kotse niya.

"Why––"

Hindi ko na siya sinagot at tumakbo na papunta sa kotse niya at sumakay. Mabilis kong pinaandar ang kotse at pumunta sa dati naming condo ni Dave. Blangko ang utak kong nakarating sa condo. Tumakbo ako papunta sa elevator at pinindot ang 3rd floor. Kung patibong man ito, alam na ni Kuya ang gagawin niya. May mga tracker ang kotse naming lahat na Martinez.

Tumunog na ang elevator kaya tumakbo ako palabas ng elevator at lumapit sa pintuan ng condo namin ni Dave. I typed the password at bumukas iyon. Nagmadali akong pumasok at sinarado ang pintuan. Pagkapasok ko ay isang lalaking nakaupo sa upuan ng lamesa at nakatalikod sa akin. Lumakas ang tibok ng puso ko nang humarap siya sa akin at ngumiti bago tumayo.

"I miss you, my love."

Bumuka ang bibig ko dahil sa gulat at bigla. S-Siya si Dave, siya. He's alive, buhay na buhay. Nanatili akong gulat sa pwesto ko, hindi ako nakagalaw nang mabilis siyang nakalapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

"I miss you so fucking much, I won't leave you now," bulong pa niya pero nanatili pa rin akong hindi gumagalaw dahil hindi ko maproseso na buhay siya. How?!

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Pero mas lalo akong nagulat nang halikan niya ako sa labi dahilan para maitulak ko siya.

"W-Why love?" nabigla niyang tanong kaya umiling ako at napasuklay sa buhok ko.

"W-What's your whole name?" tarantang tanong ko.

Kumunot ang noo niya. "I'm Dave Reinner Rolezzo, you forgot my name love?" malungkot niyang tanong kaya umiling ako.

"H-Hindi, what's my favorites?"tanong ko pa at ngumiti naman siya.

"You love orange juice, pasta, steak and fried chicken. You love watching Disney movies. You hate knocking because it's just a waste of time. You love cuddling, you love investigating––"

Fuck! Tama lahat ang mga sinasabi niya!

Tumitig ako sa kaniya. "P-Prove to me that you're really D-Dave," utal kong sabj at ngumiti naman siya.

Lumapit siya sa akin at nagulat ako nang halikan niya ulit ako sa labi

"Remember love? I'm addicted to your kisses," bulong niya kaya mahina ko siyang tinulak at naguguluhang tumingin sa kaniya.

"H-How?" I asked and he smiled again.

"Nakaligtas ako sa pagsabog ng bomba, but hindi sa mga baril. I was shot around my body but someone helped me and let me stay at their house, they took care of me and healed my wounds. I was coma about two years and nagpahinga ako in five months," he explained at hindi ako nakasagot. "And here I am, my love. Coming back, don't you miss me?" He asked kaya tumango ako.

"O-Of course I miss you," utal kong sabi at niyakap naman niya ako.

"I'm sorry for not coming back early. I won't leave you na but, am I still the only one you love?"

Napatigil ako dahil sa tanong niyang iyon. Kailangan ko siyang pakisamahan, kailangan ko siyang obserbahan. Ayoko na ulit mapaglaruan and something's really off kaya kailangan ko siyang pakisamahan.

"Y-Yes love, until now––"

Naputol ang sasabihin ko nang halikan na naman niya ako sa labi. Napahawak ako sa balikat niya, kung hindi ako sasagot ay maghihinala siya na hindi ko na talaga siya mahal. The truth is, I don't love him anymore. Si Aiven ang mahal ko. Napapikit ako nang maalala ang sinabi ni Aiven.

"Everything is on my plan, plano lang lahat ng mga ginawa at sinabi ko sa'yo. Now that I know your weakness, I can now use it to make you down."

Sinagot ko ang halik ni Dave dahil sa biglang pagpasok ng image ni Aiven habang sinasabi iyon. Tumulo ang luha ko. Nandito na si Dave, buhay siya pero may iba. May kakaiba.

I need to ask for Aries help. Kailangan ko ng tulong niya ngayon at siya lang ang makakatulong sa akin para malaman kung totoong si Dave ba itong kahalikan ko.

"I won't leave you now."

Nakaupo ako ngayon sa tapat ng lamesa at nakatulala. Nagluluto si Dave at hanggang ngayon ay inoobserbahan ko pa rin siya. Napatingin ako sa kaniya nang ilapag niya ang pasta with fried chicken at isang orange juice sa harap ko.

"Tada! For my girlfriend!" masigla niyang sabi at umupo sa tabi ko.

Ngumiti ako sa kaniya at hindi pinahalatang inoobserbahan siya. "Thank you, love," I said and kinain na ang nilapag niya.

"Anything for you, my love."

Napatigil ako sa pagsubo dahil ako lang ang may plato at wala siya. Tinignan ko siya at sinenyasan ang pagkain, ngumiti naman siya sa akin.

"We share one plate and cup, remember that love?" tanong niya kaya mabilis akong tumango at ngumiti. "But of course, ngayon na lang kita ulit mapaglulutuan kaya sa'yo muna."

Tumingin ako sa pagkain at sumandok. Pasimple ko iyon na inamoy at wala namang kakaiba, inubos ko ang pasta habang nakikisama sa kuwento ni Dave. Kailangan kong matawagan si Aries, kailangan ko ng tulong niya. Kinuha ko ang orange juice at pasimple din na inamoy. Walang kakaiba kaya ininom ko na at tumayo kaya nawala ang paghawak niya sa hita ko at natigil sa pagsasalita.

"Love, I need to go to the bathroom," nahihiyang ngumiti ako para maniwala siya kaya ngumiti siya at tumango.

"Okay love, I'll wait you in the room,* sabi niya kaya pumunta na ako sa banyo at ni-lock ang pinto.

Kinuha ko ang phone ko at mabilis na tinawagan si Aries. Nakakatatlong ring pa lang ay nasagot na niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Why pinsan––"

"Aries, I need your help. Dave is alive," pambungad ko at narinig kong may mabigat na kung anong bagay ang nahulog sa kabilang linya.

"W-What? Impossible! Diba sabi mo sumabog 'yung bomba na tinapon sa kaniya?" gulat niyang tanong kaya napakagat ako sa daliri ko.

"Aries, hindi ko nakita kung paano sumabog ang bomba. Narinig ko lang dahil tumatakbo na ako palayo," sabi ko at bumuntong hininga.

"O-Okay, anong time ka pwede makalayo kay Dave? We're going somewhere," seryoso niyang sabi kaya nag-isip ako.

"Maybe madaling araw."

"Okay, I'll track your number na lang at susunduin kita sa labas. Also, use your skills para makaalis sa kaniya nang hindi siya nagigising," utos niya kaya napatango na lang ako kahit hindi niya nakikita.

"Okay, thank you," I said at pinatay na ang tawag dahil magugulat iyon na nagpasalamat ako.

Inayos ko ang sarili ko. Nagflush ako ng inidoro para marinig niya sa labas at maniwala siyang umihi talaga ako. Naghugas din ako ng kamay bago lumabas ng banyo. Pumasok ako sa kwarto namin dati at nakita siyang nakahiga na sa kama habang nanonood ng Disney movie. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Come here," he said kaya lumapit ako sa kaniya at humiga sa tabi niya.

Niyakap niya ako nang mahigpit at sumiksik sa leeg ko. I gulped, he's suspicious, very suspicious and I don't like it. Hindi ganito ang nararamdaman ko noong ginagawa namin ito.

You're suspicious Dave, very suspicious.

Detective BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon