This is a flashback po from Chapter 2: Girl's Dorm and so on. Dito maipapaliwanag lahat kung bakit minsan ay putol ang chapter:)
Vivienne
"Hey, didn't you notice?"
Aiven looked at me while drinking his banana milk. Nandito kami sa cafeteria as a deal, nilibre ko siya ng banana milk. Kakatapos lang namin i-close ang case tungkol kay Lucky at sa best friend niya. But for me, hindi pa rin sarado iyon. Something's wrong.
"What?" he asked while drinking his banana milk.
Bago ko siya sagutin ay tinignan ko muna kung may camera or bug na nasa lamesa namin or nasa tray. Nang masiguro kong wala ay pasimple akong tumingin sa paligid. Hapon na ngayon at kanina ko pa ramdam na may nakatingin sa amin. Tingin na alam kong nakatingin din sa amin kanina sa library, sa bintana ng library.
"Habang nagsusumbong sa atin si Lucky, she was glancing at Kuya all the time," mahina kong sabi habang pinapanood ang mga estudyante na kumakain sa loob ng cafeteria.
"I noticed that, napansin ko rin na may nanonood sa atin," sabi ni Aiven kaya napatingin na ako sa kaniya.
He stood up, ubos na niya ang banana milk niya. Tumingin siya sa akin at sinenyasan akong sumunod sa kaniya. Nagtataka man ay sumunod na lang ako, we walked towards the empty hallway. Naramdaman kong may sumusunod sa amin at alam ko na ang plano ni Aiven. I glanced at our back and saw someone is really following us. I looked at Aiven who's seriously walking at the hallway, parang wala siyang pakialam sa taong sumusunod sa amin.
Lumiko kami sa hallway na walang dumadaan na estudyante. Hindi kami huminto sa paglalakad, ganoon din ang taong sumusunod sa amin.
"Why are you following us, Rose?" seryoso kong tanong at tumigil kami sa paglalakad ni Aiven.
We looked at our back and saw how shocked Rose was. Nakasuot siya ng black hoodie at sa loob n'on ay ang uniform ng university. Natigilan siya at kinakabahan na tumingin sa amin. I walked towards her and seriously looked at her eyes, umiwas siya ng tingin kaya alan kong magsisinungaling siya.
"M-May lalaking nagpapa-abot kasi nito sa'yo," nautal pa siya habang sinasabi iyon at may inabot sa aking papel na may kung anong wax ang nakadikit dito. Tumingin siya sa akin at pinantayan ang tingin ko.
"Then why don't you just wait for her at your dorm? Diba magka-dorm kayo?" seryosong tanong ni Aiven na nasa tabi ko na pala at seryosong nakatingin kay Rose.
Maliit na ngumiti sa amin si Rose. "Gusto na kasi ng lalaking nagbigay ng sulat na malaman ang response ni Vivienne. Nakita ko rin kayo papunta rito kaya sinundan ko na lang kayo," nakangiting pagpapaliwanag ni Rose.
Does she think that we'll believe her?
Nagpamulsa ako. "Bakit hindi mo ako tinawag kaagad? You can walk towards me but you didn't instead, sinundan mo pa kami," seryosong kong sabi na nagpawala ng ngiti niya.
She looked down but immediately looked at me and smiled. "Ayaw mo ng maingay kaya hindi ko sinigaw ang pangalan mo at baka magalit ka rin sa akin kapag nilapitan kita," nakangiti niyang sabi pero halata sa mata niya na naiinis na siya sa mga tanong namin.
The side of my lips rose up while looking at her outfit. Nakatingin pa rin sa kaniya si Aiven na kinikilatis ito. Kinuha ko na kay Rose ang sulat pero hindi ko iyon binasa at nilagay lang sa aking bulsa. Nakaiwas ng tingin ngayon si Rose.
"Why are you wearing a hoodie on such a hot day?" Aiven asked at ngumiti naman sa kaniya si Rose.
"Sanay na akong magsuot ng hoodie at hindi rin ako pawisin," nakangiting sabi ni Rose bago siya tumingin sa akin. "Una na ako sa dorm, sunod ka'na lang. Bye!" dugtong pa niya at naglakad na palayo.

BINABASA MO ANG
Detective Buddies
Gizem / GerilimSolve and be stressed with Vivienne and Aiven. Let's join their mysterious experiences and travels. Who is the devil behind those innocent face? Started: June 28, 2022 Ended: October 9, 2022