Chapter 20: Missing notebooks.

297 8 2
                                        

Vivienne

"Tutunganga na lang ba kayo diyan?"

Lahat ng pinsan ko ay napakurap at mabilis na pumwesto sa gilid ni Dad. Napailing na lang ako dahil sa kalokohan na naman ni Dad or no? Sigurado akong hindi niya kami papapuntahin dito sa wala. Kaming dalawa ni Aiven ay nanatiling nakatayo sa harapan nilang lahat at hinihintay ang kanilang gagawin.

Sumenyas si Dad sa mga pinsan ko at mukhang alam na nila ang gagawin.

"I'm Ezra Thiago Martinez, also known as Aries," pagpapakilala ni Ezra kay Aiven.

Nakinig lamang si Aiven at nakatingin sa kanilang lahat.

"I'm Maya Martinez, also known as Taurus," pagpapakilala ni Taurus kay Aiven.

Seryoso silang lahat at mukhang pinag-aaralan ang bawat kilos ni Aiven. So, inoobserbahan ba nila si Aiven? Pinaghihinalaan ba nila?

"Freya Bree Martinez, also known as Gemini," pagpapakilala ni Gemini, siya ang nagsisilbing ate namin sa Zodiacs, she's super strict.

"Xavion Ice Martinez, also known as Cancer and Vivienne's brother," pagpapakilala ni Kuya and he's kinda serious, titig na titig siya kay Aiven.

"Zxy Jade Martinez, also known as Leo," seryosong pagpapakilala ni Leo.

Hindi na ako magpapakilala dahil kilala naman na ako ni Aiven. Kilala sa pangalan pero hindi sa pagkatao and I'm sure, he's been investigating me but I won't mind.

"I'm Nadia Martinez, also known as Libra," pagpapakilala ni Nadia.

"Saviel Shan Martinez, also known as Scorpio," pagpapakilala ni Scorpio.

"Alexander Dominique Martinez, also known as Sagittarius," pagpapakilala ni Sagittarius.

"I'm Crimson Adola Martinez, also known as Capricorn," pagpapakilala ni Capricorn.

"Augustus Martinez, also known as Aquarius," pagpapakilala ni Aquarius.

"Elvis Hunter Martinez, also known as Pisces," pagpapakilala ni Pisces.

Tumingin ako kay Aiven at mukhang kinakabisado niya ang pangalan nila sa kaniyang isip dahil isa isa niyang tinitigan ang mga Zodiacs. Tumingin ako kay Dad nang pumalakpak siya at uminom ng kaniyang kape. While Mom is eating her cupcake while innocently watching us.

"The Everest University is in danger––"

"Then we're leaving," madiin kong pagpuputol kay Dad at akmang hihilahin na si Aiven nang tumikhim si Dad.

"Let me finish my sentence Vivienne," seryosong sabi ni Dad kaya sumama ang mukha ko.

"Dad, you said that Everest University is in danger kaya bakit pa kami tutunganga dito?" galit kong tanong kay Dad at nakipaglabanan ng titig sa kaniya.

Mabilis namang lumapit sa akin si Mom and pinakalma ako. Hindi ko inalis ang titig ko kay Dad hanggang sa bumuntong hininga siya at tumayo.

"Everest University is always in danger, and don't you notice it? Habang wala kayo sa university ay walang masamang nangyayari sa school?" tanong ni Dad na nagpatigil sa akin.

Dad is right. Walang masamang nangyayari sa university tuwing wala kami doon, does that mean na kung sinong mga inosenteng tao na malapit sa amin ang pinupuntirya nila? Kahit hindi namin kilala or close ay pinupuntirya nila, ang pinupuntirya nila ay ang mga malapit sa pwesto namin. Malapit kung saan kami.

"Aiven, wala ka bang nababalitaan sa pamilya mo?" seryosong tanong ni Mom kay Aiven kaya lahat kami ay napunta ang atensyon kay Aiven.

Walang reaksyon si Aiven at tanging seryosong ekspresyon lang. "Hindi ko po sila kasama, I'm living on my own so I don't know what's their next move Mrs. Martinez," seryosong sabi ni Aiven at tanging tango lang ang naisagot ni Mom.

Detective BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon