Vivienne
Binilisan ko ang pag-andar ng motor ko papasok sa Everest University. Hindi ko na pinansin si Kuyang Guard na binati ako at hininto ang motor ko sa harapan ng mga estudyante. Kita ang paghanga sa mata nila pero wala na akong pake sa kanila ngayon. Tinanggal ko ang helmet ko at mabilis na tumakbo papunta sa building kung saan nandoon ang clubroom namin.
I'm so nervous right now and mas lalong lumalakas tibok ng puso ko nang may makitang maitim na usok na nanggagaling sa direksiyon ng building kung nasaan ang clubroom namin.
"Fuck!" I cursed and immediately ran towards the clubroom.
Pagkabukas ko ng clubroom ay napahinto ako nang makita silang kumakain at mga puno ang bibig habang nagtatakang nakatingin sa akin. Agad akong lumapit kay Aiven na nagtatakang nakatingin sa akin at nagulat siya nang hawakan ko ang magkabila niyang pisngi at tinignan kung may tama ba siya ng bala o saksak. Nakahinga ako nang maluwag at sunod na tinignan ang kalagayan ni Eli na nagtataka na sa mga galaw ko.
"Girl, are you okay?" nagtatakang tanong ni Eli pero hindi ko pinansin ang tanong niya at lumapit kina Leo, Pisces, Gemini, Libra and Aries na nagtataka na rin sa akin.
Nang masigurado kong okay lang silang lahat ay nakahinga ako nang maluwag at iniwan sila doon sa kusina. Pumasok ako sa kwarto ko at sinara ang pinto. Pabagsak akong humiga sa kama ko at tinakpan ang mata ko gamit ang aking braso. Then, where did the black smoke come from? I'm glad na ligtas sila pero ang nakakapagtaka ay, saan galing ang itim na usok?
I really thought na may masamang nangyari sa kanila, kung mayroon man ay siguro nagwawala na ako ngayon. Nawalan na ako ng isa, ayokong mawala din sila sa akin.
I heard the door opened but hindi ko iyon pinansin at nanatiling nakatakip ang braso sa mata ko. Naramdaman kong umupo siya sa kama ko at dahan-dahang tinanggal ang braso sa mata ko. Tumingin ako kay Aiven na nag-aalalang nakatingin sa akin. Nagulat ako nang punasan niya ang gilid ng mata ko at napagtanto kong may luha ako.
"If you're thinking about our safety, we're safe love. Don't overthink that much please?" He smiled and kissed my forehead. "You trust us, right?" he asked at hindi ako nagdalawang isip na tumango.
"Then don't overthink that much na mapapanganib kami. We can protect ourselves love, kaya tahan na hmm?" pagpapagaan niya ng loob ko kaya bumangon ako at mahigpit siyang niyakap.
I didn't realize na I'm already crying at his shoulder. Remembering what happened to my past makes me overthink more na baka mapanganib din sila dahil sa akin. He comforted me and always kissing my forehead dahil hindi pa rin ako humihinto sa pag-iyak. Ngayon na lang ulit ako nakaiyak sa balikat ng iba. Si Aiven lang ang nakakita sa akin na umiiyak, maliban kay Mom, Dad, Kuya and Dave.
"Shh, we're safe love. Tahan na," bulong niya at bumulong pa ng mga sweet comforting words.
"I love you," he whispered and whispered again and again.
Huminto ako sa pag-iyak at pinunasan ang luha ko. Tumalikod ako sa kaniya at humiga sa kama ko. Ang akala ko ay lalabas na siya pero nagulat ako nang tumabi siya sa akin sa kanan ko kung saan ako nakaharap ngayon. Humiga siya at niyakap ako bago sinandal ang aking ulo sa kaniyang dibdib. Sumara ang kamao ko dahil sa ginawa niya. He's making me feel guilty, alam kong mahal niya ako pero todo naman ako sa hindi pagpansin sa nararamdaman niya.
Am I too selfish? Loyal lang naman ako kay Dave, mahal ko pa rin si Dave. Am I already a bad person if I still love the man from my past and letting this man in front of me show his love for me?
"Sleepy?" he whispered at tumango lang ako.
I bit my lower lip when guilt hit me again. He started to pat my legs and hummed the twinkle twinkle little star song. Pinapatulog niya ako na para ba akong isang sanggol. Nag-guilty ako dahil hinahayaan ko siyang ganituhin ako, pinapakita kong may pag-asa siya sa akin. But I don't know, when I always see him smiling while I'm with him makes me want to let him do this kind of thing to me. Gusto ko siyang bigyan ng pag-asa, he said that he will do everything to make me move on. Bibigyan ko siya ng pag-asa hindi para maka-move on ako, kung di para matutunan kong suklian ang nararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
Detective Buddies
Gizem / GerilimSolve and be stressed with Vivienne and Aiven. Let's join their mysterious experiences and travels. Who is the devil behind those innocent face? Started: June 28, 2022 Ended: October 9, 2022
