Vivienne
"What the fuck?!"
I can't help but to laugh at Aiven's reaction while listening to my recorder. Pinapakinggan niya kasi ngayon ang ni-record ko kahapon na pag-uusap namin ng angel wanna be na iyon.
"You're so handsome talaga," I said while staring at him.
Mabilis siyang napatingin sa'kin, kumunot ang noo ko nang makitang namumula ang tainga niya. I leaned on him and held his ears. Hindi naman malamig, hindi din naman siya mainit o nilalagnat.
"Hey," pagsita niya sa'kin.
Lumayo ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. Tumingin siya sa'kin at huminga nang malalim.
"Can you repeat what you said earlier?" he asked and my forehead creased.
"You're so handsome talaga," nakakunot kong ulit pero ngumiwi din nang ma-gets ang ibig niyang sabihin.
"You're so handsome talaga kasi may babaeng obsessed sa'yo," pagpapaliwanag ko at tumaas naman ang kilay niya.
Tsk, this man baka kung ano na naman ang pumasok sa isip. Binigay na niya sa'kin ang phone ko. Kinuha ko naman na ito at sumandal sa upuan habang nililibot ang paningin sa paligid ng Cafeteria. Nang mahinto ang tingin ko sa babaeng puro pasa ang mukha na masama ang titig sa'kin.
I smirked and raised my middle finger while smirking at her.
"Stubborn."
I ignored Aiven and made myself busy with my delicious Spaghetti. Habang naglilibot ang mata ko ay napangisi ako nang huminto ang tingin ko sa dalawang babaeng naglalakad na ngayon palapit sa'min habang nakangiti.
Tsk, bakit ba ang daming plastic na basurang nakakalat? Let the earth breathe! My god!
I smirked when I saw them roll their eyes at me secretly when they saw how Aiven sat beside me.
"Vivienne?" Aiven whispered. I looked at him and winked.
"Just watched," I mouthed.
I looked at the two girls and smiled at them, sweetly. Nagulat pa sila dahil sa pag-ngiti ko pero ningitian din naman ako pabalik. Tsk, plastic.
"Upo kayo," nakangiti kong sabi sa kanila.
Umupo sila sa harapan namin. Napataas ang kilay ko nang makitang nakatingin sila kay Aiven. Lalagkit ng mga tingin ah, lagkitin ko 'yang mga mukha niyo eh.
"Sam and Rose? Can you help us?" nakangiti kong tanong at nagpaawa pa.
Tsk, kasuka magmakaawa.
Gulat ang reaksyon nila habang si Aiven ay walang emosyon na kinakain ang french fries niya at syempre, hindi mawawala ang banana milk.
"O-Of course! Anong maitutulong namin sa inyo?" nakangiting tanong ni Rose.
Muntikan na akong mapangiwi dahil sa pagpapanggap nila. Pwede bang galingan pa nila lalo sa pagpapanggap? Masyado na silang halata na plastic eh. Kuhaan ko na ba sila ng trainer para sa pag-acting? Good idea.
"Pwede sa clubroom na lang namin? You know, dapat kasi kayong dalawa lang ang makakaalam ng sasabihin ko," nakangiti kong sabi at tumango naman kaagad sila.
Pasimple akong ngumisi at tumayo. Tumayo na rin si Aiven at siya na ang nagdala ng bag ko. Naglakad na kami papunta sa clubroom at sumunod naman sila Sam at Rose. Nakangiti ko silang pinapasok sa clubroom habang si Aiven naman ay dumiretso sa sofa at doon humiga at nagbasa ng libro.
Tsk, itong isa naman hindi makisama.
Ni-lock ko ang pinto at pinaupo sila sa dalawang upuan at ako naman ay umupo sa single sofa na katapat lang nila. Ngumiti si Sam habang si Rose naman ay nililibot na ang mata sa loob ng clubroom namin.
BINABASA MO ANG
Detective Buddies
Mystery / ThrillerSolve and be stressed with Vivienne and Aiven. Let's join their mysterious experiences and travels. Who is the devil behind those innocent face? Started: June 28, 2022 Ended: October 9, 2022