Chapter 37: Shit Happens.

169 3 3
                                        

Vivienne

I walked towards him. Ngumiti ako nang maliit at umupo sa harapan ng puntod niya. It's his Death Anniversary, kailangan ko siyang dalawin. Binaba ko ang flowers na hawak ko sa puntod niya at hinaplos iyon.

"I'm sorry Dave, I'm sorry for promising na I will love you until the end," I said and looked away. "I broke my promise, I'm sorry," I whispered and looked at his name.

"But I will still get the justice that you deserve, I promise," I whispered, hinaplos ko ang puntod niya bago tumayo.

"I really don't like what I'm feeling right now Dave. Hindi ko alam." Mariin akong pumikit at bumuntong hininga bago tumalikod at umalis na doon.

It's been two days, walang paramdam si Charm. Pati si Aiven at Eli ay wala, I don't know what to do now. Hindi sa kanila nakabase ang buhay ko pero hindi ko na alam ang gagawin. Aiven has been acting weird, Eli just disappeared and nalaman kong nasa parents niya siya nakatira ngayon. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang number ni Aiven, I bit my lower lip when he's not answering pero nagri-ring naman.

Nakahinga ako nang maluwag dahil sinagot niya ang tawag.

"Aiven––"

"What is it?"

Napatigil ako sa tanong niya. He's not calling me love, ang lamig din ng boses niya. I bit my lower lip, kinakabahan na ako. What's happening? Bakit bigla na lang silang lumayo sa akin?

"W-Where are you––"

"Let's meet, I want to say something important," pagpuputol niya sa akin kaya napatango ako kahit hindi naman niya nakikita.

"S-Saan?" I asked as my tears started to flow. Ang cold niya, did I do something wrong?

"Just tell me where are you," malamig niyang sabi kaya huminga ako nang malalim at sinabi ang lugar kung nasaan ako.

Pinatay na niya ang tawag nang matapos kong sabihin ang lugar kung nasaan ako. Sinubukan ko ring tawagan si Eli at sinagot naman niya ito kaagad.

"What?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko at huminga nang malalim. "E-Eli, nilalayuan niyo ba ako?" mahina kong tanong at alam kong natigilan siya.

"Look Vivienne, binaril ang magulang ko! Nadamay ang magulang ko dahil sa away niyo ng putanginang Mafia Black na 'yan!" malakas niyang sigaw sa kabilang linya na nagpatigil sa akin.

"E-Eli––"

"Siguro kung hindi kita nilapitan at kinaibigan, siguro payapa ang buhay ko ngayon––payapa buhay ng pamilya ko pero nang makilala ka namin! Nagsimula nang mawala lahat ng nasa paligid namin! Hindi mo ba alam 'yon?! Muntikan ng mamatay ang magulang ko dahil sa'yo Vivienne! Dahil sa'yo! Tangina!"

Napayuko ako at patuloy na tumulo ang luha. "I-I'm sorry––"

"Sorry?! Do you think that fucking sorry of yours can do everything to make my parents awake, huh?! Na-coma sila Vivienne!" malakas niyang sigaw na nagpaiyak sa akin.

"I-I'm sorry, sorry––"

"Just die Vivienne, siguro kung ikaw ang namatay at hindi si Dave na ex boyfriend mo? Siguro payapa lahat, kung hindi mo pinatay nanay ni Aiven? Payapa lahat! Kasalanan mo 'to lahat! Tangina!"

Napapikit na lamang ako at napatakip sa aking bibig. Pinipigilang umiyak nang malakas. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay namatay na ang tawag. He wants me to die, kung hindi ko napatay si Tita Anastasia. Magiging payapa ba talaga ang lahat? Kasalanan ko siguro.

"Vivienne."

Napatayo ako at pinunasan ang aking luha bago humarap kay Aiven. Maliit akong ngumiti nang makasalubong ko ang malamig niyang tingin. Lumapit ako sa kaniya at akmang yayakapin siya nang pigilan niya ako.

"Let's break up."

Parang tumigil ang oras dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko na naman ang luha kong tumulo, nanatili siyang malamig ang tingin sa akin. Parang nadurog ang puso ko dahil sa sinabi niya. It's just three words pero nasaktan na ako nang sobra.

"W-Why?" I asked at pinilit na tumingin sa mata niya.

"Everything is on my plan, plano lang lahat ng mga ginawa at sinabi ko sa'yo. Now that I know your weakness, I can now use it to make you down," malamig niyang sabi at ngumisi.

Nagulat ako nang maglabas siya ng baril, kinasa niya iyon at tinutok sa akin. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko habang nakatitig sa kaniya. Tinutukan niya ako ng baril at p-plano niya lahat? Lumapit siya sa akin at tinutok ang baril sa noo ko. He clenched his jaw while glaring at me.

"I'll give you 10 seconds to escape," malamig niyang sabi kaya malungkot akong ngumiti.

"I-I love you," I whispered and walked towards him. He gritted his teeth, binaba ko ang baril niya at mabilisan siyang hinalikan sa labi.

Lumayo ako at tumingin sa kaniya. Mariin siyang nakatingin sa akin kaya ngumiti ako kahit sobrang sakit na ng nararamdaman ko.

"I love you," I whispered again and ran away from him.

Umiiyak akong tumakbo palayo doon. Napaglaruan ako, pinaglaruan ako. Ang tanga-tanga ko, tinagurian akong detective pero ang tanga-tanga ko pagdating sa kanila. Charm is X's spy, si Eli ay gusto na akong mamatay dahil sinugod ng mga Mafia Black ang magulang niya, si Aiven… plinano niya lahat at ngayong alam na niya ang mga kahinaan ko. Madali na lang para sa kaniya ang patayin ako.

Tumakbo ako papasok sa Royals Village. Sa likod ng Royals Village nilibing si Dave, hindi sa private island ko. Pasikretong nilibing nila Kuya si Dave sa likod ng Royals Village para hindi malaman ng Mafia Black. Umiiyak akong tumakbo papunta sa bahay ni Grandpa. Pero napahinto ako nang pagkarating ko doon ay nakabukas ang pinto ng bahay niya.

"G-Grandpa?" Dahan-dahan akong pumasok at nagulat nang makitang makalat ang mga gamit ni Grandpa. Hindi ko na rin makita si Roboty.

"Grandpa?" Pumunta ako sa office niya at nang pagkapasok ko ay napatigil ako.

Puro saksak si Grandpa at lahat ng mga gamit niya ay wala na. Nakabulagta siya sa sahig at nakabukas ang mata.

"GRANDPA!!"

Tumakbo ako palapit sa kaniya at malakas na umiyak. Pati ba naman si Grandpa, pati ba naman siya idadamay. Mga hayop sila, tangina! Niyakap ko ang katawan ni Grandpa at sumigaw nang sumigaw.

"PUTANGINA!!!!"

Umiyak ako nang umiyak sa bisig ni Kuya. Kinukuha na ng mga pulis ang katawan ni Grandpa at nagi-imbestiga. Dati ay ako ang nagi-imbestiga, ngayon ay ako na ang nakakita at ang pamilya ng biktima. Bakit mo naman pinagsabay? Hindi ba pwedeng isa-isa muna? Sobrang sakit na, ang sakit-sakit na.

"P-Pakatatagan mo ang sarili mo sis. Hindi pa ito ang lahat," mahinang bulong sa akin ni Kuya at niyakap ako nang mahigpit.

Humagulgol lang ako sa dibdib niya. Marami pa bang sakit na darating? Ayoko na, pagod na ako. Nawala sa akin si Aiven at ginamit niya lang ako, spy si Charm, sobra pa ang galit sa akin ni Eli tapos wala na din si Grandpa. Tanginang buhay 'to!

Sumara ang kamao ko dahil sa galit na nararamdaman. Gagawa na ako ng plano, hindi ko na sila palalagpasin. Kailangan na nilang bumagsak, mga hayop sila. Pababagsakin ko sila, papatayin ko sila sa kulungan. Mabubulok sila sa kulungan.

Ang bilis ng mga pangyayari. Nalaman lang naming tatlo na spy si Charm ay umalis na si Aiven at Eli, hindi na sila bumalik at ngayon ay ganito? Bwisit naman eh!

"Stay here okay? I'll talk to the cops," mahinang sabi ni Kuya at pinunasan ang luha niya, pati na rin ang akin.

Hindi ako sumagot at hinayaan siya umalis. Gusto kong magkulong sa kwarto, magdamag na humiga at hindi na tatayo pero hindi pwede. Kailangan ko na kumilos, sobra-sobra na ang mga pinaggagawa nila. Tumayo ako at akmang lalabas na nang tumunog ang phone ko. Pinunasan ko ang luha ko at kinuha ang phone ko sa bulsa. Kumunot ang noo ko nang makitang unknown number ang tumatawag. Sinagot ko iyon.

"Who's this?"

"Love, it's me Dave. I'm going home."

D-Dave?

Detective BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon