Vivienne
It's already 12:05, madaling araw na pero gising pa rin ako at binabantayan ang camera. Hindi dapat kami makampante na lunch nila ito kukunin dahil minsan, madaya silang gumalaw. Si Aiven ay tulog na sa lap ko, I rolled my eyes when I remembered what happened kanina lang. Bakit ba ako natigilan? Dapat tinulak ko na lang eh-
Napatigil ako at kinuha ang phone ko sa gilid. Ni-zoom in ko ang video at napangisi nang makitang gumagalaw ang door knob. As I said, madaya silang gumalaw. Pinanood ko kung paano buksan ng kung sino man ang pintuan ng classroom. Tumingin ako kay Aiven at mahinang tinapik-tapik ang pisngi niya para magising siya.
"Hmm?" tanging sagot niya kaya tumingin ako sa TV at nakitang nakapasok na ang kukuha.
Hindi na ako nagulat nang makitang si Jerald Diel ang kukuha ng mga notebook. Sa tingin kasi namin ni Aiven ay tatlo o dalawang tao ang magkakasabwat sa pagkakawala ng mga notebook ng estudyante. May dala siyang trolley at mukhang doon ilalagay lahat ng notebook namin.
"Nasa classroom na," paggising ko kay Aiven at umupo naman siya.
Nagulat ako nang halikan niya ako sa noo bago ako hinila palabas ng clubroom at ni-lock ang pinto bago kami tumakbo papunta sa classroom. Umiling ako para maalis ang pagkatulala at mas binilisan pa namin ang pagtakbo para maabutan si Jerald Diel doon. Nang makarating na kami sa harap ng classroom ay nagtago kami at ni-play ko na ang video recorder namin.
Patago kaming sumilip sa ginagawa ni Jerald Diel at nakitang nalagay na sa trolley ang mga notebook. Nagtago kami sa kabilang pader nang lumabas na siya at sinara ang classroom bago nagsimulang maglakad papunta sa direksiyon ng mga teachers office?
"Anong gagawin nila sa notebook?" mahina kong bulong kay Aiven habang patagong sinusundan si Jerald Diel.
"We'll know, love," he whispered back and nag-focus na kami.
Huminto kami sa likod ng pader at sumilip, huminto siya sa harap ng teacher's office at kumatok. Napangisi kaming dalawa ni Aiven nang makitang si Ma'am Kristen ang nagbukas ng pinto, pinapasok ni Ma'am Kristen si Jerald Diel bago ni-lock ang pinto. Umalis na kami sa pinagtataguan namin ni Aiven.
"Now, paano natin malalaman?" mahinang tanong ni Aiven at ngumisi naman ako sa kaniya bago ako lumapit sa pader na pinagtaguan namin.
Tinulak ko ito gamit ang isa kong kamay at bumukas naman ito. Tumingin ako kay Aiven at nakitang nakabuka ang bibig niya dahil sa gulat. Mahina akong natawa at hinila siya papasok dito bago ito muling sinara. Mukhang unti pa lang ang nakakaalam sa secret passage na ito ah?
Dumiretso lang kami ng lakad at huminto lang kami sa pader na may salamin pero hindi namin nakikita ang repleksyon namin dahil ang nakikita namin ay ang nangyayari sa loob ng teacher's office.
"Two way mirror?" mahinang tanong ni Aiven kaya tumango ako at pinanood ang mga pinaggagawa ng dalawang suspect.
"Karma is on the way, Ma'am," seryosong sabi ni Jerald kay Ma'am Kristen kaya nagkatinginan kami ni Aiven at napakunot ang noo.
What does he mean? I focused the camera on them para malinaw ang ebidensiya namin kapag ipapakulong na namin sila sa pulis. Kasi we think na baka isang krimen ang ginagawa nila sa notebook.
Napatingin kami sa pintuan ng teacher's office nang bigla itong bumukas. Parehas kaming nagulat ni Aiven nang pumasok si Ma'am Carmala--wait.
"Carma not karma?" sabay naming sambit ni Aiven.
Pinanood namin kung paano pumasok si Ma'am Carmala sa office. Malaki ang ngisi niya habang tinitigan ang mga notebook na nakuha nilang tatlo.
"Lahat na ba 'yan?" tanong ni Ma'am Carmala kay Jerald.
BINABASA MO ANG
Detective Buddies
Mystery / ThrillerSolve and be stressed with Vivienne and Aiven. Let's join their mysterious experiences and travels. Who is the devil behind those innocent face? Started: June 28, 2022 Ended: October 9, 2022
