Chapter 43: Big Offer.

268 6 0
                                        

Vivienne

Looking from here, looking around the not-so-beautiful-place. Ganito pala ang pakiramdam kapag nasa loob ka'na ng kulungan, parang dati lang ay ako ang nagdadala sa mga criminal sa kulungan tapos ito ako ngayon, nakakulong na. I'm already 18 so pwede na ako makulong. I looked at the woman who's carrying her baby while she's inside the prison with me.

She looked at me and smiled. "First time mo lang dito, 'no?" tanong niya kaya tahimik akong tumango at tumingin sa baby niya.

I bet it's a girl, she's so cute. Ang lobo ng pisngi niya at ang taba, she looks like a squishy doll.

"Bakit ka nakulong?" she suddenly asked so I looked up at her and sighed.

"I killed someone because of my anger," I said at tumingin naman siya sa akin bago tumango-tango.

"Ako naman, hindi naman talaga ako kriminal. Inosente ako, hindi ko lang talaga alam kung bakit ako 'yung pinagbibintangan pumatay." Mapait siyang ngumiti at tumingin sa baby niya. "Ang masaklap pa ay ang lalaking mahal ko ang nagpakulong sa akin, mayaman siya at hindi ko kayang kalabanin kaya wala na akong nagawa at nakulong na lang dito kasama ang anak ko," dugtong niya na nagpagulat sa akin.

Tinitigan ko siya sa mukha at kabuuan niya. She's beautiful, sa kaniya nagmana ang bata. Maputi siya at maputi din si baby, may matangos na ilong––mukha siyang mayaman pero ang sabi niya ay hindi niya kayang kalabanin ang mayaman niyang minamahal na lalaki kaya hindi siya mayaman.

"I can help you with that," I said and she looked at me, shocked.

"H-Huh? Nasa kulungan ka r-rin––"

"I still can help you kahit nasa loob ako ng kulungan," I said and smiled at her.

Napaluha naman siya at ningitian ako. Hindi siguro siya makatayo kaagad dahil buhat niya ang anak niyang mahimbing na natutulog.

"S-Salamat," naiiyak niyang sabi at ngumiti na lamang ako.

Tumingin ako sa anak niya, she's still sleeping. Tumingin ako sa labas ng kulungan, maraming pulis na nakabantay lalo na sa kung nasaan ako dahil alam na nila kung ano ang kaya kong gawin. Sila Mom and Dad, nasa kabilang presinto, pati sila Tito Lanvin at Zeus kasama nila sila Mom and Dad sa presinto na iyon. Ako lang talaga nahihiwalay at nailagay sa presinto na puro babae ang laman.

Tumingin ulit ako sa baby niya at lumapit. "Can I?" I awkwardly asked and she smiled at me before nodding her head.

"Syempre naman," nakangiti niyang sabi at dahan-dahang binigay sa akin ang anak niya.

I carried her baby with gentle and care, nakatitig ako sa baby niya dahil sa ka-cute-an niya. Gustong-gusto kong pisilin pisngi niya pero baka magising at masaktan ko.

"What's your name?" I asked the mother of the child that I'm carrying.

"Lily Jane Florida," she said so I looked at her and nodded.

"Beautiful name, like you," I formally said and she smiled.

"Ikaw, anong pangalan mo?" tanong niya at tumitig naman ako sa anak niya.

"I'm Vivienne Mstrielie Martinez," pagpapakilala ko at tumingin sa kaniya.

Bumuka ang bibig niya na parang nagulat. "Kakaiba name mo, bagay na bagay dahil ang misteryoso mo," manghang sabi niya kaya mahina akong tumawa.

"And what's her name?" tanong ko at tinignan muli ang anak niya, hindi ko maiwasang titigan ang anak niya. Parang gusto ko na tuloy––

Stop, nag-aaral ka pa at mahal ang gatas.

Detective BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon