2

66 13 0
                                    


"Shuta, Chase. Sigurado ka bang kaibigan mo talaga 'yung Levi na 'yun?" 


Pagtataka ni Pau habang papalabas kami ng simbahan. Binigyan kami ng ilang minuto ni Kuya Spens na bumili ng pagkain bago kami mag-practice ng kanta. Mamaya pa kami kakain ng lunch dahil wala pa namang 12 PM.


"Oo naman! Grabe pagdududa mo ah!" Bulalas ni Chase. Minsan parang gusto ko na ding lagyan ng tape 'yung bibig niya. Sobrang lakas ng boses ng lalaking 'to.


"Eh kasi naman sobrang tahimik niya! Sinusubukan ko siyang kausapin kanina 'te pero hiyang hiya sa akin! Pero 'yun din naman gusto ko! Shy type!" She giggled.


Sabay pa kaming napairap ni Chase dahil sa pinagsasasabi niya.


"Sa umpisa lang naman tahimik sa akin si Levi. Magiging maingay din 'yan kapag tumagal na siya dito." Chase said and I nodded. Syempre hindi pa siya kumportable sa amin kaya naiintindihan ko ang pagiging tahimik niya ngayon. Katulad din niya ako nung bagong pasok palang ako ng Fern.


"Saan mo ba siya nakilala?" Curious kong tanong. Base kasi sa pagkakakilala ko kay Chase, maiingay talaga ang mga kaibigan niya kahit dito sa choir. Nakakapagtaka nga kung saan niya nakilala si Levi.


"Kababata ko siya." He simply said. Huminto na kami sa paglalakad nang makarating na kami sa tindahan ng mga fishball na malapit lang din sa simbahan.


Nanlaki ang mata ni Pau at mabilis niyang nilingon si Chase. "Gaga ka! Bakit ngayon mo lang siya pinakilala sa amin?!" Singhal niya. Napairap ako sa pagiging OA ni Pauline.


Marahas na nilayo ni Chase ang mukha ni Pau. "Ngayon lang naman niya gustong lumipat ng choir!"


"Huh? Lumipat? Choir na pala siya dati sa ibang simbahan?" I asked sabay kuha ng pera mula sa bulsa ng pantalon ko.


"Oo. Matagal na siya doon kasi bata palang siya, choir na. Dahil sa kanya kaya ako nag-choir, pinilit ako eh. Pero dito ko gusto mag-choir kasi malaki 'tong simbahan tsaka wala akong makasundo dun sa simbahan ni Levi. Pero hindi naman ako nagsisisi na pinilit niya ako. Masaya pa rin ako na napalapit ako sa Diyos. Nakaka-enjoy naman talagang kumanta."


Napangiti ako sa sinabi niya.


"Taray, biglang bait ah. Tsaka kaya siguro wala kang makasundo doon sa simbahan na 'yun dahil sa magaspang mong ugali!" Tawa ni Pau.


"Hindi ako 'yung may problema! Sila kaya!" Defensive pa ang lalaki. "Pwede bang manahimik kana, Pauline? Babae ka pero sasaktan na talaga kita." Pagbabanta pa ni Chase.


"Oh? Bakit parang pikon kana?" Pau teased.


"Wala ako sa mood ngayon. Bukas lagot ka sa akin."


"Tama na nga 'yan. Kayo ang sasaktan ko kapag hindi kayo tumigil." Ako naman ang nagbanta.


"It's our pleasure." Sabay nilang sabi. Gusto talaga nila akong nakikitang galit dahil bihira lang daw nila makita 'yun.

ChoirmatesWhere stories live. Discover now