"You're... Ciara, right?"
I'm finally applying at Coffeeell after several delays. Dahil magpapasukan na at kailangan ko na talaga ng pang-tustos para sa mga kapatid ko, nandito ako ngayon at kaharap si Ma'am Ell na masayang nagtatanong tungkol sa akin.
Nangako rin sa akin si Levi na dadalhin niya ako dito dahil nga kailangan na kailangan ko nang trabaho at hindi nga siya nagkakamali na napakabait na tao ni Ma'am Ell. Her smile is so light and gentle.
"Nice meeting you, hija... Are you also studying at EVU? And your course is Business Management?" She asked. Gumuhit ang pagtataka sa aking mukha. Paano niya nalaman... eh hindi pa naman niya nababasa 'tong resume ko? Hawak hawak ko pa nga hanggang ngayon.
Inaya niya akong umupo dahil kanina pa pala ako nakatayo. Ewan ko ba, kinakabahan lang ako na baka hindi ako matanggap kaya pati ang pag-upo ay nakalimutan ko na.
She chuckled, siguro pansin niya ang pagtataka ko. "You might be wondering how I found out, right? Well, it's from Levi. He always talks about you."
Nagulat ako. "Po? Bakit naman po?" Pagtataka ko. Sa pagkakakilala ko kay Levi ay hindi naman siya ganoon na magkukwento nang magkukwento sa isang tao... hindi naman masyadong madaldal 'yun... siguro?
Ma'am Ell shrugged while smirking. "I don't know either. You know... he's not really a talkative person, but I'm not sure why he keeps talking about you lately." Napatingin ako sa gawi ni Levi na abalang abala sa pagkuha ng mga orders sa counter, suot suot ang kanyang malawak na ngiti. "Oh, maybe it's because you're going to work here too, that's why he has a lot to say about you."
She continued the interview with me, and I confidently answered everything. She also shared a lot of words of wisdom, to the point that you'd be amazed by the depth of what she's saying. Maya maya pa ay may naglapag na nang drinks sa harapan namin. Umangat ang tingin ko nang maamoy ko ang pamilyar niyang pabango.
"Here's your order, Ma'am... two Caramel Bliss Latte with creamy caramel and topped with a swirl of whipped cream. Enjoy!" Levi gracefully said. He looked at me and gave me an encouraging smile, as he always does.
"I order for the two of us. You should try this one, hija. This is my personal favorite." Ma'am Ell said and handed me the straw. Nang matikman ko ito ay napatango tango pa 'ko sa sarap. Lagi naman talagang masarap mga pagkain at drinks sa coffee shop na 'to.
Kanina ko pa din pansin na berdeng berde ang mga nakikita ko sa coffee shop na 'to. Simula palang sa uniform ng mga crews at sa suot na dress ni Ma'am Ell ngayon.
She's wearing a off shoulder dress. Her sleeves gracefully sit below, letting her collarbones peek through. It's like a subtle, stylish way of showing some skin without being too flashy. The dress hugs her upper body gently, then flows down, keeping things easy and comfortable. It's a simple yet chic look, perfect for adding a touch of charm to any occasion.
Despite being 30, she appears as if time hasn't touched her, preserving a youthful glow. Ganoon kabata ang mukha niya para sa akin.