17

57 4 0
                                    


"Lalangoy ka o bubuhatin kita para ihagis dito sa dagat?!"


Natawa ako sa sigaw ni Chase sa akin mula sa dagat. Nakaupo lang ako ngayon sa sun lounger at tinitignan lang ang mga choirmates ko na mag-lunuran doon. Kanina pa 'yang lalaki na 'yan at atat na atat mag-swimming. Siya talaga ang unang lumangoy at wala na atang balak umahon 'tong lalaki na 'to.


"Sandali!" Sigaw ko pabalik. Sakto naman at umupo na si Pau sa tabi ko at napasimangot ako nang abutan niya ako ng swimsuit na kulang nalang ay makita ang kaluluwa ko. "Suotin mo 'yan mag-isa." Tawa tawang sabi ko at pinagkrus ang braso.


Ngumuso siya at napapadyak pa na parang bata. "Ciara naman! Minsan lang tayo mag-swimming! Ngayon lang naman, eh!" I appreciate that Pau is encouraging me to try new things, but what she's asking me to do now is really something I can't do.


Tinitigan ko ang swimsuit na hawak niya at kinuha ito habang nakatingin sa kanya. Lumiwanag pa ang mata niya nang kunin ko ito mula sa kanya ngunit napawi rin iyon nang mahina ko itong sinampal sa kanya. "Try harder." Ngumisi ako at iniwan siya roon sa sun lounger na nagmamaktol.


"Ciara!" Tawag niyang muli ngunit bumalik nalang ako sa cottage para tulungan sila Ate Annie na maghanda ng pagkain. Masyado pang mainit ngayon at masakit sa balat kaya wala rin akong balak lumangoy, mamaya nalang siguro kapag hindi na masyadong mainit at nakakain na kaming lahat.


"Anong maitutulong ko, Kuya Spens?" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at si Levine iyon na nakangiti. His hair gently falls, reaching his eyebrows. He's wearing a black polo, paired with white denim shorts.


Marahan niyang inayos ang eyeglasses niya bago dumapo ang tingin niya sa akin. Ngumiti siya at kumaway pa. "Ay! Since gusto mong tumulong, pwedeng ikaw mag-ihaw nitong liempo? Tulungan mo doon si Philip." Sabi ni Kuya Spencer sabay turo kay Philip na nag-iihaw na ngayon ng isda.


"Noted po." Agad iyong sinunod ni Levi at pumunta na rin sa pwesto ni Philip. Dumako ang tingin ko sa kabilang cottage at nandoon naman ang mga Jade na abala rin sa paghahanda ng kanilang mga pagkain.


Ako naman ay nag-volunteer ng gumawa nang sawsawan ng liempo at isda. Gumawa na rin ako ng kinilaw dahil na rin sa request ng Fern, mahilig kasi talaga kami sa ganito.


"Nangina... Tinutunaw ka ni Levine, ah..." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Wesley. Pasimple niyang tinuro si Levi at napatingin ako sa lalaking grabe kung makatingin sa akin ngayon. Napaiwas ako ng tingin nang hindi manlang niya inalis ang tingin sa akin kahit napatingin na ako sa gawi niya. "LQ?" Sinamaan ko nang tingin si Wesley nang tanungin niya iyon.


"Baka tinitignan niya kung tama ba pinaggagagawa ko sa sawsawan..." Pagdadahilan ko pa.


"Manhid, ampota." He uttered, laughing. Kumuha siya nang mangga sa plastic at sinimulan itong balatan.


"Bunganga." Saway ko na ikinatawa lang niya. Manhid na kung manhid ngunit ayaw ko nang isipin ang mga pinapakita ni Levine. Mabait siyang tao kaya niya ginagawa ang mga 'yun at normal lang 'yun. Hindi na kailangan pang haluan ng kung ano ano.

ChoirmatesWhere stories live. Discover now