"Ciara! Happy Birthday!"
May 1. My birthday. And here I am... celebrating my birthday in the hospital.
Napapikit ako nang sunggaban ako ni Ate Annie ng yakap. Sa yakap niya, ramdam ko lahat ng emosyon na gusto niyang iparating sa akin at isa lang ang nararamdaman 'ko. Awa. Awa ang nararamdaman niya para sa akin.
"Kamusta na si Carl? Gising naba siya?" Kita ang pag-aalala mula sa mata ni Ate Annie.
Malumanay akong ngumiti. "Hindi pa siya nagigising, Ate. Tsaka chinecheck pa rin hanggang ngayon ang vital signs niya. Nasabi rin ng doktor na... humihina na talaga ang baga ni Carl..." Unti unting humina ang boses 'ko, hindi ko na kaya pang ituloy ang sasabihin ko.
Nilibot ko ang tingin ko at nandito nga ibang ka-choirmates ko. At talagang sinikap nilang pumunta dito kahit may mga pasok pa sila sa trabaho at school.
Nangingilid na ang luha 'ko dahil isa isa pa nila akong niyayakap. "Faye..." Panimula ni Kuya Spens habang kayakap ako. Natawa ako at pabiro siyang pinalo sa likod, alam niya kasing ayaw kong tinatawag niya ako ng ganoon.
"Alam mo dapat hindi ka nalang pumunta rito." Pabiro kong sabi at ramdam ko ang pag-vibrate ng katawan ni Kuya Spencer dahil sa kanyang pagtawa.
"Bakit kasi tuwing may nagkakagusto sayo, Faye lagi ang tawag? Ano 'yun? Gusto nila unique ang pagkakatawag nila sayo?" Tawa ni Kuya Spens na ikinatawa na rin nila Ate Annie sa kabila ng awa na nakikita ko sa kanila ngayon.
"Kaya nga nakakainis!" Pagtawa ko at ramdam ko na ang luha ko na dumadausdos sa pisngi ko. I don't know... I just really appreciate their presence. Kahit wala silang sabihin, basta narito sila ay ayos na sa akin.
"Happy Birthday, Cia... Mahal na mahal ka namin. Lagi mong tatandaan 'yan, ah!" Kumalas si Kuya Spens mula sa pagkakayakap sa akin at sinapo ang magkabila kong pisngi para maiharap sa kanya.
"Thank you, Kuya..." I almost whispered.
"Happy Birthday, Christina!" Pagbati ni Philip at Ian.
"Maligayang kaarawan, Christina Faye Zalencia." Sabay pang pagbati ni Kuya Leo at Kuya Marlon. Buong pangalan ko talaga.
"Happy Birthday, bakla!" Mahigpit akong niyakap ni Kuya James.
"Thank you sa inyong lahat... you know what..." Huminga ako nang malalim at tumingala para pigilan ang luha ko na para bang gustong gusto niya nang lumabas mula sa mata 'ko. "Basta salamat sa inyo... salamat sa lahat lahat. Alam mo 'yun... hindi ko lang akalain na may taong kayang manatili sa tabi ko... mga taong kaya akong damayan sa lahat. Thank you... Thank you Fern..."
"Syempre mahal ka namin!" Nadya said and hugged me.
"Huy, as a friend, ah!" Nagtaas pa ng dalawang kamay si Philip na para bang sumusuko sa mga pulis. Natawa ako sa iniasta niya.