"You didn't hear anything, did you?"
Nagulat nalang ako nang biglang may humablot sa braso ko. It was Chase.
"Akala ko ba mag-ccr ka?" He seriously asked. Ngayon ko lang nakita siyang ganito. Sobrang seryoso.
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa kapatid ni Levi. Ang paraan ng pagsasalita niya ay kakaiba. Madiin. Parang ikaw na mismo ang matatakot kung hindi mo siya susundin. Sa paraan palang ng pag-uusap nilang dalawa kanina, alam ko ng hindi na sila magkasundo noon pa.
Kaya siguro iwas na iwas siyang pag-usapan ang tungkol sa pamilya niya...
"Y-Yeah? Wala akong narinig." Pagsisinungaling ko. Dali dali kong nilagpasan si Chase at pabalik na sana ako sa loob ng coffee shop nang biglang hawakan ni Chase ang braso ko, dahilan para mapatigil ako.
"I know you heard something, but please, Cia-"
"I'm not the kind of person who will spread whatever I hear or find out. Everything I heard... mananatiling akin. No one will know." I cut him off.
Nag-aalala na 'ko ng sobra ngayon kay Levine. Mas lalo pang umusbong ang pag-aalala ko nang marinig ko ang sinabi ng kapatid niya. She looks so deadly...
Napabuga siya ng hangin. "Thanks, Cia." Aniya.
"I respect him and I'm not going to ask him about this. I know he's uncomfortable when it comes to his... family."
Hindi ko pa siya lubos na kilala pero sa maikling panahon na nakasama ko siya... I know he's pure. He is genuine when it comes to people he interact with. At kung ano mang business ang pinapagawa sa kanya ng pamilya niya, alam kong... hindi ito tama kaya ayaw niya.
"What are you guys doing here?"
Parehas kaming napaigtad ni Chase nang marinig namin ang boses ni Levi. Pasimple kaming lumingon lingon sa paligid... wala na 'yung Ate niya?
Pilit na tumawa si Chase. "A-Ah! Gagi, wala! Sinamahan ko lang si Ciara dito sa labas, gusto daw niyang mag-senti, eh!" Pagdadahilan ng lalaki. Si Levi naman ay halatang hindi naniniwala dahil hindi naman ako ganoon. Hindi naman ako lalabas para lang magdrama.
"T-Tara na sa loob!" Tarantang anyaya pa ni Chase. Wala na akong magawa nang hilahin niya na ako sa loob. Masyado siyang nagpapahalata na nagsisinungaling siya.
"Bakit ba ang tagal niyo sa CR? Tumae ba kayo?" Walang prenong tanong ni Pau.
Mahina ko siyang pinalo. "Bibig mo."
"Oo, umebak kami. Pake mo?" Padabog na umupo si Chase habang nakatingin pa rin kay Pau.
Nang maramdaman ko ang pag-upo ni Levi sa tabi ko ay agad siyang pinaulanan ng tanong nila Kuya Spens.