"Seryoso ba?! Manlilibre ang nag-iisang Calvin Jeff Zalencia?!"
Isang buwan na ang nakalipas simula noong puntahan ako ng kapatid ni Levi sa Coffeeell at nagbitaw ng mga salitang labis na nagpakaba sa akin. Umabot na sa puntong bantay sarado ko ang mga kapatid ko at sobra na silang nagtataka kung bakit ganoon ang kinikilos ko.
Wala akong sinabihan ni isa sa mga kaibigan ko, lalong lalo na kay Levi dahil takot na takot ako na baka gawin talaga ng Ate niya ang binabanta niya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit napaka-dali para sa Ate niya na magbitaw nang ganoong salita na para bang hindi buhay ng tao ang binantaan niya.
Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay agad niya akong iniwang tulala roon. Naninikip ang dibdib ko at grabe ang panlalambot ng tuhod ko na para bang matutumba na ako. Wala ako ibang magawa kung hindi gawin ang inuutos niya. Ayoko man, pero... Ayokong totohanin niya ang binabalak niya sa mga kapatid ko. I won't be able to handle it.
"Ate! Hoy! Kanina ka pa namin kinakausap! Ayos ka lang ba talaga?" Para akong nabalik sa reyalidad nang tawagin ako ni Carl na kanina pa masayang masaya dahil ngayon nalang ulit nanlibre si Jeff.
"H-Ha? Oo naman... Bakit mo natanong?" Tarantang sagot ko pa. Sabay kaming naglalakad ngayon pauwi sa bahay at galing kaming simbahan. Simula noong naging bantay sarado ako sa kanilang dalawa ay napasama ko na rin ulit si Jeff sa amin na magsimba. Hindi ko naman na siya pinilit na mag-serve ulit sa simbahan, nasa sa kanya pa rin 'yun kung gusto niyang bumalik. Ang makita lang siyang magsimba muli ay ayos na sa akin. Masayang masaya na ako doon.
I'm just so happy that... We're slowly going back to how things used to be.
"Kanina ka pa tahimik..." Nakapamulsang sabi naman ni Jeff habang nakatingin sa akin. Ang paraan nang pagtingin niya ay para bang inaalam niya kung anong iniisip ko.
"Tahimik naman talagang tao si Ate. Mas lumala nga lang simula noong nanalo siya bilang President ng Fern." Carl stated. Ako ang nanalo as President at si Levi naman sa Vice President kagaya nang gusto nila Ate Annie. Masaya ako nun pero natabunan na lahat ng kasiyahan ko simula noong kinausap ako ng Ate ni Levi.
I can't sit still anymore and I often feel lost. I want to cry because I'm really scared but I shouldn't... Kailangan kong mag-mukhang matapang sa harap ng mga kapatid ko.
"Ayaw mo ba ng posisyon na 'yun? Sana sinabi mo nalang." Seryoso namang pagkakasabi ni Jeff.
Napahawak ako sa strap ng shoulder bag ko. "Hindi dahil doon... Pagod lang 'to pero hindi ibig sabihin nun na hindi na ako masaya sa ginagawa ko. Being the president of Fern? I enjoy it and I'm happy with what I can do for them."
"Eh, bakit mo muna iniiwasan si Kuya Levi?" Biglaang tanong ni Carl na naging dahilan kung bakit ako napatigil sa paglalakad. "Oh? Anyare sayo?" Tawa tawang tanong pa ni Carl nang mapansin niyang napahinto ako dahil lang sa tanong niya.
"Pang-ilan niyo ng tanong 'yan..." Binilisan ko nang maglakad.