"Parang gago talaga 'to. Kami na ngang bahala kay Carl!"
Napairap ako kay Jeff. Alam ko namang hindi nila papabayaan si Carl habang nasa Tagaytay ako ngunit hindi pa rin maalis ang pag-aalala sa akin. Baka kasi sa sobrang pagpapakasaya ko roon ay baka may nangyayari ng hindi maganda kay Carl.
I don't want to overjoyed. Baka bawiin sa akin.
"Christina! Deserve mo 'tong pahinga na 'to! Dalian mo na!" Bulalas naman ni Tita Nai.
I smile and looked at Carl na kanina pang nakangiti sa akin. "Sige na, Ate! Magtetext nalang kami kapag naghihingalo na ulit ako." He laughed but it immediately stopped when I hit him.
"Hindi nakakatuwa biro mo!"
"Joke lang, Ate! Para namang hindi kapa nasanay sa akin!" Tumatawa pa rin siya.
"Kahit na! Hindi pa rin nakakatuwa!"
Natigil ang pagtatalo namin nang makarinig kami ng katok mula sa aming pinto.
"Good morning po, Tita Nai... Carl... Jeff... Cia..." Levi greeted us with his gentle smile.
He's wearing a black shirt and black shorts. He's also got on a black cap. His only pop of color is his white sneakers. And of course, he wouldn't forget his round eyeglasses, which suit him well.
He insisted na siya nalang daw magsusundo sa akin dito at sabay na kaming pupunta sa bahay ni Kuya Spens para magkita-kita. Tatlong pick up cars ang dadalhin para sa roadtrip na ito dahil lahat kaming mga members ay makakasama. Kuya Spens make sure that no one will be left out.
"Kuya Levi!" Tawag ni Carl. Talagang excited siya.
Nakangiti lumapit sa kanya si Levi at marahang ginulo ang buhok niyang kanina pa din naman magulo. "How are you?" He gently asked.
Carl smirked. "Eto, kinakaya pa rin."
"Try to paint sometimes. It's therapeutic. Tutal ay hilig mo naman 'yan." Levi smiled.
"Oo naman 'no! Hindi ko sasayangin 'yung mga art materials na niregalo mo sa akin! Thank you talaga, Kuya!"
"Ako, Kuya? Hindi mo ba 'ko reregaluhan ng yosi? O kahit alak manlang? Simple lang diba-"
"Jeff!" Tita Nai cut him off. Gago talaga 'tong bata na 'to.
I looked at Levi and he was shocked. Sinong hindi magugulat? Halata naman kasi sa kanyang inosente siya at halatang hindi ginagawa ang mga ganyang bagay.
But he suddenly chuckled, softly. "Oh, okay. I'll buy it for you. I got you." He smiled.