"Cia!"
I was stunned when I felt someone who's hugging me from behind. It was Pauline.
"Kamusta na si Carl? Ayos naba siya?" Nag-aalalang tanong ni Pau. She's with Chase.
I sighed. "Dinala na siya sa emergency room." Nanghihina pa rin ako hanggang ngayon. Parang namamanhid ang tuhod ko. Parang any moment ay babagsak nalang ako sa sahig.
Umupo ako sa upuan na malapit lang din sa emergency room at napatakip sa buong mukha ko. Nagbabadya ang aking mga luha.
Naramdaman ko ang pag-upo ni Pau sa tabi ko and she hugged me sideways. Because of her hug, my tears started to fall. Nilabas ko lahat ng luha na kanina ko pa pinipigilan noong nasa kotse pa ako ni Levi.
Hinawakan din ni Chase ang tuktok ng ulo ko, pilit akong pinapakalma pero hindi ko kayang kumalma dahil sa sitwasyon ng kapatid ko. Natatakot ako sa sasabihin ng doktor mamaya. I don't think I'm prepared for that.
"Pau..." Hikbi ko. "Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama kay Carl... hindi ko kakayanin..." Iniisip ko palang na mawawala sa akin ang mga kapatid ko ay naninikip na agad ang dibdib ko.
"Cia, magiging maayos din si Carl." She whispered, still hugging me. Ako naman ay inubos ko lang ang luha ko dahil ayokong maluha na naman ako sa harapan ni Carl at alam kong ayaw niyang nakikita 'yun.
"Ciara..."
Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak pero natigil lang ito nang makita ko si Levi sa harapan ko. May dala siyang paper bag na galing sa fast food chain. Nginitian niya sila Pau at Chase nang makita niya ang dalawa.
Lumipat ang tingin niya sa akin. For a moment, I saw how his eyes softened. "Ciara, it's already 6 AM, do you want to eat? We'll join you." Mahinang sabi niya, tila hindi alam kung paano ako kakausapin.
Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. Siya ang may dahilan kung bakit naagapan ang pagdala namin kay Carl sa ospital.
"Ate..." Sobra na ang taranta ko dahil naghihingalo na talaga si Carl. Hindi na rin maawat ang pagtulo ng luha ko. Wala talagang tao rito sa kalsada, kami lang.
Nandito kami sa GHC, hinihintay si Levi.
Hinagod ko ng marahan ang likod niya. "Carl, konti tiis nalang. Paparating na rin si Levi. He's coming..." I'm already stomping my feet on the ground because of the nervous that I'm feeling right now.
Parang nawala ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko nang makita ko ang itim na sasakyan na huminto sa harapan namin. Bumukas ang pintuan ng kotse at niluwa nito si Levi na may nag-aalalang mukha.
"Levi! Please... dalhin na natin siya sa ospital. Please." Paulit ulit na sabi ko. Hindi ko na siya makuhang tignan dahil na kay Carl ang buong atensyon ko. Pakiramdam ko ay mawawalan ng malay si Carl kapag inalis ko ang tingin ko sa kaniya.