8

71 12 0
                                    


A/N: I'm drowning with my school works huhu so my updates right now are not consistent.


***


"I want her to be happy because she deserves it. Everyone deserves everything... including her."


My heart fluttered because of his prayer.


Pero... He knows my birthday? But how? Baka naman nagtanong lang siya kina Chase at Pau...


Hindi ko inaasahang may taong kaya akong ipagdasal. Hindi ko inaasahang gagawin 'to ni Levi para sa akin. Sa maikiling panahon na nakasama ko siya, naramdaman ko agad ang sinseridad niya. He's just so kind to me... not just me but to everyone around him.


"C-Ciara?" Halata ang gulat sa mukha niya nang makita niya akong nasa tabi na pala niya. I gave him a gentle smile. "W-What are you doing here? Are you going to pray as also?" He asked.


Tumango ako habang nakangiti.


He also sat beside me. "You can pray, I won't bother you. Tahimik lang ako rito." Mahinang sabi niya. Kami lang ang tao rito sa chapel.


Lumuhod ako at nagdasal. I'm surrending all to him. Pinagdasal ko ang mga pinagdasal din ni Levi. Pero kahit isa lang sa dasal ko ang tuparin niya ay ayos na sa akin... gumaling lang si Carl ay ayos na sa akin. Magiging masaya na ako.


"This is my first time that I saw a young man praying... nagdadasal habang nakapikit ang mga mata. Wala lang... namangha lang ako sayo. And... thank you kasi sinama mo rin ako sa mga dasal mo." Nakatitig lang ako sa baba habang sinasabi ko 'yun sa kanya. Ewan. Naluluha ako. Naluluha ako kahit sa simpleng pagsama niya sa akin sa mga dasal niya.


"Iyon na ang nakagawian ko, eh. Kahit hindi ko kilala, sinasama ko sa mga dasal ko. Sana lahat ng tao maging masaya... 'yun lang. Because if you find your own happiness, you will also find a reason to stay. To stay alive."


I smiled. "You're so right, Levine. Kapag hindi na tayo masaya... nawawalan na rin tayo ng rason para mabuhay. Nawawalan tayo ng rason para lumaban. Para bumangon. Pero sa totoo lang... ang hirap hirap hanapin ng kasiyahan. Ang hirap maging masaya. Kapag nakakasama ko ang mga kaibigan ko, I'm happy. Pero kinabukasan, malungkot na ulit. Ganoon naman talaga diba? Kapag sobrang saya mo na, tsaka naman babawiin sayo. Lahat ng saya na naramdaman mo, panandalian lang. I'm so scared to be happy Levine. So scared." I broke into tears.


I lost it. Bigla nalang nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Mga ayaw paawat sa pagtulo. Naninikip ang dibdib ko nang magsi-balikan sa utak ko lahat ng sakit. Mga sakit na natabunan lang pero hindi pa rin nawawala hanggang ngayon.


My pain is like my scars. You will covered it with band aid just to ease the pain but it will not go away immediately. Parang kasiyahan na panandaliang tatabunan ang sakit sa puso mo.


Mas lalong bumuhos ang luha ko nang maramdaman ko ang init ng bisig ni Levi na bumabalot sa katawan ko. He's hugging me so tight. Na para bang tinatanggal niya lahat ng sakit sa pamamagitan ng kanyang mainit na yakap.

ChoirmatesWhere stories live. Discover now