6

66 12 0
                                    


"Itulak mo ako dali!"


May nakita kasi kaming park habang naglalakad kami papuntang coffee shop. I saw a swing at agad na umupo doon. Parang gusto ko pa ngang maglaro dito, eh.


Tumawa siya at tinulak ito, at ako naman ay tuwang tuwa na parang bata lang.


"Lakasan mo pa! 'Yung tipong titilapon ako!" I laughed.


"Baka masaktan ka, Ciara. Wag nalang." Aniya.


May punto naman siya, baka madisgrasya pa ako dahil sa pinagagawa ko sa kanya. "Sige na nga, upo kana lang diyan sa katabi kong swing." Sabi ko na agad naman niyang ginawa. Umupo siya roon at marahang tinutulak ang sarili niya. Natawa pa nga ako dahil paulit ulit niya akong pinapaalalahanan na wag ko daw lakasan ang pagkakatulak ko sa sarili ko.


"Akala ko talaga Levi na talaga pangalan mo, nickname mo lang pala 'yun. But I like it! Levine! Mas gusto ko Levine." Nakangiti ko pang sabi. Maganda rin magbigay ng pangalan ang mga magulang niya, ah.


"Me? What should I call you?" He asked sabay hawak sa hawakan ng swing ko dahil masyado na palang malakas ang pagkakatulak ko sa sarili ko na parang masusubsob pa ang mukha ko. Masyado naman kasi akong masaya.


"Kahit Ciara nalang. Payag ka bang tawagin mo akong Christina Faye?" Natawa ako. "Wag na. Masyado ng mahaba para bigkasin." Ciara naman talaga tawag sa akin ng lahat, nagiging Christina lang kapag nagagalit na ang tumatawag sa akin noon.


"Christina Faye is your full name? It's so beautiful, Ciara." He compliments me. "I like the Christina Faye."


I just shrugged. "Kahit anong itawag mo sa akin ay ayos lang, kahit hoy nga lang itawag mo, eh."


Natawa na naman siya.


"Tara na? Punta na tayo doon sa coffee shop?" I asked him and he nodded. He stood up and put his hands inside his pockets.


Nang makarating kami sa coffee shop ay agad na sinalubong si Levi ng mga katrabaho niya. The name of the coffee shop is Coffeeell and I can say that the ambiance of this coffee shop is so calming. Merong mga totoong plants sa loob nito and it's surrounded by neon lights. Sa katabi ng counter ay may book shelves na kung saan pwede kang manghiram ng libro. Nakita ko pa nga doon ang librong matagal ko ng gustong basahin.


"Levi! What brings you here- Oh... Hi!" A girl at the counter greeted me when she saw me. I greeted back by waving my right hand.


"I want her to taste our coffee so I bring her here. Anyway, this is Pat, Lester, and Ram. They're my co-workers. This is Ciara, my friend." Pagpapakilala niya.


"Hi, Ciara! You should try our best sellers! Hindi ka magsisisi!" Pat cheerfully said. She reminds me of Pau. They're both bubbly.


"I would love to try it." I smiled and we ordered.


ChoirmatesWhere stories live. Discover now