Chapter 5

12.7K 437 16
                                    

Ambriel's POV

"Ate, classmate tayo." Sambit sakin ni Sky habang kita sa mukha niya ang saya kaya naman kahit ako ay masaya din dahil kahit papano ay may makakausap ako sa room since I'm a new student here.

"Tsk, let's go." Singit ni Loki sa may gilid ko, agad akong napasimangot ng marinig ko nanaman ang boses ng manyakis na to'

Oo nga pala, Grey informed us na ang magkakasama ay Ako, si Sky and etong manyakis na to' while si Logan, Grey and Luke ang magkakasama at si Cross siya lang mag-isa.


Inirapan ko lang siya at hinawakan ang kamay ni Sky tsaka ko hinila palayo kay Loki, ngunit napahinto ako dahil na-realize ko na hindi ko alam kung saan yung room namin kaya naman napalingon ako kay Sky at kahit siya ay napakamot sa ulo at umiling-uling meaning kahit siya hindi din niya alam.


"Hatak pa kasi ng hatak, sundan niyo ko." Biglang singit ni Loki sa gilid ko, aangal pa sana ako ng pigilan ako ni Sky, kaya kinalma ko ang aking sarili at tahimik kaming sumunod sa kanya.

---

Pagpasok namin sa classroom ay lahat ng mga estudyante ay napatingin samin, ngunit agad ding nag-iwas ng tingin ng makita nila na kasunod na pumasok namin ay si Loki, ganun ba sila katakot dito sa manyakis na to?

"Naririnig kita." Sambit niya kaya naman inirapan ko lang siya at dumiretso na sa upuan kasama si Sky.

Hell yeah, vampires can read minds, kaya din nilang kumilos ng mabilis, they can also hypnotized you if they want and also they have powers to erase your memories and syempre they suck blood, human bloods perhaps.

Napatigil ako sa ginagawa ko ng makita kong may pumasok na teacher, well babae siya pero mas nagulat ako ng biglang naging pula ang mga mata ng mga kaklase ko at agressibong tumingin doon sa teacher na babae ng makapunta na ito sa harapan.

"Hell no, she's a human." Sambit ko kaya naman napatingin ako kay sky at tumingin lang siya sakin at umiling tapos sabay tingin kay Loki na ngayon ay natutulog habang may librong nakapatong sa mukha niya.

Punyeta, wala talaga siyang silbi buset. Napatingin ako doon sa teacher na ngayon ay nanginginig na sa takot.

"Good-" hindi na naituloy ng guro namin ang kanyang sasabihin ng biglang may lumapit sakanya na isang bampira.

"Hey, you're a human right? Can I suck you blood." Saad nung lalaki at hinila siya atsaka tinulak doon sa gitna, naawa ako ng bigla siyang napasalampak sa sahig at nanginginig na sa takot.

"Please, I'm your teacher." Pagmamakaawa neto ngunit tila para mga binging sila at hindi inintindi yung sinabi ng teacher namin.

"Who cares, you're a human you are just our food." Saad nung isa at hinawakan ang kanyang dalawang braso and tinulak sa pader at naawa ako ng bigla nilang buksan ang butones nito.

Shit,

"Nooo, please." Pagmamakaawa nung teacher, tiningnan ko lang yung dalawang kasama kong bampira ngunit si Sky ay takot din at si Loki, walang silbi.

"Hmm, I smell your sweet blood."


"N-noo." Shit, hindi ko na kaya to' bakit hinahayaan nilang ganituhin ang mga teachers. Naiinis ako kasi napakababa ng tingin nila sa mga tao.


Na-alarma ako ng makita ko ang pangil ng isa kong kaklase na dadapo na sa leeg ng teacher namin kaya naman dali-dali akong tumayo at mabilis na kumilos atsaka agad kong sinipa ang kanya likod dahilan upang matumba ito sa sahig.

Living with the Vampires  | Editing |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon