Chapter 51

2.8K 46 2
                                    

Ambriel's Point of View 



Nagising ako dahil iba ang pakiramdam ng katawan ko, para bang ang bigat niya na hindi ko maintindihan. Akmang babangon na sana ako, pero hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. Tatawagin ko sana si Loki pero agad akong napahawak sa leeg ko dahil para akong sinasakal at para bang may kumabit sa leeg ko. Pilit kong inaalis yung bagay na yun pero hindi ko magawa hanggang sa tuluyan na ito kumabit at biglang nawala.





Nanginig ako ng may biglang pumasok sa kwarto ko, pagtingin ko si Loki pala iyon, tila naguluhan siya sa ikinilos ko at tsaka isinira ang pintuan. "Are you okay?" tanong niya sakin. Umiling naman ako at agad na tinuro ang leeg ko, nagtaka naman siya kaya lumapit ito sakin. 





"What is it?" tanong niya.





"May something sa leeg ko." usal ko. 





Lumapit naman ito sakin at hinawakan ang leeg ko para i-check kung may something na nakalagay. Hindi ko nakita ang reaction niya, pero tila tahimik ito habang nakatingin sa leeg ko. Napatingin naman ako sa kanya ng agad itong lumayo sakin at tumingin sa mata ko.  "So?" tanong ko sa kanya. 




"Kagat lang ng lamok" sambit nito at pinitik ang noo ko. Napaisip naman ako sa sinabi niya, bakit parang hindi kagat ng lamok yon? Bakit feeling ko parang may pumasok sa may bandang leeg ko. "Sigurado ka?." tanong ko ulit. 





"Oo nga, gusto mo ba may makita talaga dyan?." Sambit niya at ngumisi sakin, yung mga ngisi niya na parang may balak at mukhang alam ko na kung ano yon kaya agad kong kinuha yung unan ko sa likod at hinampas sa mukha niya.  Habang nakakasama ko sila ay nagiging comfortable na din ako at lalo na dito sa bampirang to'. Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko sakanila kahit na sinabi sakin ni kuya Andrake na mga kalaban sila. 





"Lumayas kana nga dito," sambit ko at patuloy ko parin siyang hinahampas ng unan ko, tawa lang siya ng tawa habang ginagawa ko yon kaya naman napangiti na rin ako at naghampasan na kami ng unan. Bakit ganun parang kabaliktaran sa mga sinabi ni kuya Andrake ang mga ugali nila, sinabi niya na masama sila at pumapatay sila ng tao, pero bakit habang tumatagal eh hindi naman ganun ang nakikita ko? Alin ba ang totoo sa hindi. 







Napatigil ako sa paghampas kay Loki at napahawak sa aking ulo dahil sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang itong sumakit. Napansin naman agad yun ni Loki kaya pati siya ay napatigil at agad akong hinawakan. " Are you alright?." tanong niya.  Umiling naman ako sakanya. Kumuha naman siya ng tubig sa gilid ng table ko at ibinigay iyon sakin. "Here, drink some water." usal niya. Kinuha ko naman iyon at ininom. 

Living with the Vampires  | Editing |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon