Chapter 39

5.6K 178 21
                                    

Ambriel's Point of View 



Inikot ko ang buong mata ko sa paligid, dito sa kwarto nang kuya kong demonyo. Hanggang ngayon kasi nag-iisip pa din ako ng paraan kung paano ako makakatakas dito sa mansion na to'. Sinubukan ko muna maghanap ng cellphone or kahit anong telepono dito para makatawaag ako samin at mag pa-rescue kala Loki.  I'm trap here, so yeah I need a back-up shit. 




Binuksan ko yung pintuan pero nabigo ako kasi maka-lock iyon, kaya naman sinubukan ko din buksan yung mga bintana pero, pucha! sarado din ang mga itoPaano ako makakalabas dito eh halos lahat naka sarado. Lumingon ako doon sa parang drawer, kaya naglakad ako palapit doon at sinimuang maghanap ng pwedeng maging susi para mabuksan ko yung pintuan. 





Pagbukas ko walang laman kahit ano yung drawer kundi mga papel at mga pictures, pero may isang picture doon kung saan nakuha ang atensyon ko. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino yung mga tao na nasa larawan. isang magarang babae na nakasuot ng korona habang ang isa naman ay isang lalaki na parang hari, tapos katabi nila ay dalawang lalaki na halos magkamukha sila, at napatitig ako doon sa batang babae na nakasuot nang magarbong mini gown. Kung pagmamasdan mo sila, lahat sila ay nakangiti sa larawan. 




"They are the royal family, back then." Napalingon ako doon sa nagsalita, sumimangot agad ang mukha ko nang makita ko kung sino iyon. "Grabe, ang bilis magbago ng expression ng mukha mo." natatawang sambit sakin ni Mr. smith. 




"As if I care, what the hell are you doing here?" tanong ko sakanya at binitawan ko na yug larawan na hawak-hawak ko kanina. "I brought you some food to eat." sambit niya at tsaka inilapag ang bucket chicken ng Jollibee at kanin. "Wala akong gana." sambit ko pero sa totoo lang gutom na gutom na ko. sarap ng chicken shit.




"Are you sure?" tila ba nang-aasar siya sa sinasabi niya kaya naman inirapan ko siya at kinuha yung bitbit niyang pagkain at nagsimula na akong kumain. Habang kumakain ako hindi ko maiwasang mapatingin kay Mr. Smith na ngayon ay nakangiti habang pinagmamasdan akong kumain, kaya naman tumigil ako sa pagnguya at nagsalita. "Ano tinitingin-tingin mo dyan, gusto mo ba?." tanong ko at inalok yung bucket ng chicken. Umiling lamang ito. 




"I just miss my little princess." sambit niya at ngumiti sakin. Sa sinabi niya lahat ng takot at pangamba ko ay nawala. Mukhang totoo nga ang sinasabi sakin ni Hera na hindi masamang tao si Mr. Smith. Pero if hindi siya yung masamang tao edi sino? Sino ba talaga ang totoong kaaway namin. "Can I hug you?." Tanong niya sakin kaya naman tinaasan ko siya nang kilay dahilan para mapatawa siya sa inakto ko. "I won't do anything to you, I promise."  sambit niya uli. Tiningnan ko muna siya bago ako tumango. 




Walang sabi-sabi ay agad niya akong hinila palapit sakanya at niyakap ng mahigpit, yakap na animoy sabik na sabik akong yakapin at yakap na talagang mapapayakap ka pabalik. "I miss you so much, my little princess, I'm sorry if I scare you." Sambit niya ewan ko, hindi ko alam kung bakit ako naiyak bigla. kasi naman eh, naiyak din si Mr. Smith. "tongeks ka bakit ka po naiyak? naiyak din tuloy ako, bwiset ka po." sambit ko habang yakap yakap ko din siya at naiyak na din. 

Living with the Vampires  | Editing |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon