Chapter 7

12.3K 434 27
                                    

Ambriel's POV

Habang naglalakad ako sa hallway ay nakaramdam na ako ng panlalamig, galing kasi ako sa office humingi kasi ako ng bagong uniform since nabasa nga sa swimming pool yung uniporme ko.

Sa paglalakad ko ay napatalbog na lang ako ng may bigla akong mabungo kaya naman inangat ko ang aking ulo at tiningnan kung sino yung nabungo ko.

"I'm sorry." Paghingi ko ng tawad sakanya hindi ko kasi siya masyadong makita dahil nilalamig ako at nakakaramdam din ako ng hilo.

"Hey, are you okay?." Bangit niya pa, teka parang familiar yung boses niya, sinubukan kong titigan yung taong yun at nabigla ako ng makita ko si Logan na nasa harapan ko at hawak-hawak ang aking braso.

"Ikaw pala yan Logan, okay lang ako." Saad ko at nagsimula na kong tumayo ng tuwid at maglalakad na sana ako pero biglang  hinigit ulit ni Logan ang aking braso.

"Are you sure you're okay?." Tanong ulit niya sakin kaya naman tumango na lang ulit ako, sa totoo lang hindi talaga ako okay, kasi simula ng malaglag ako sa swimming pool ay nakaramdam na ko ng panlalamig sa buong katawan ko.

Pero ang tigas talaga ng ulo ng bampirang to' dahil hanggang ngayon hindi pa din niya binibitawan ang braso ko, ano ba yan mahuhuli ako sa klase ko neto eh.

Hihigitin ko na ulit sana ang kamay ko sakanya pero nanlaki ang aking mata sa ginawa ni Logan, shit nakatingin lahat ng estudyante samin.

"I think you're not, I'll give you a piggy back ride, where's your room?." Tanong niya sakin kaya kahit nakakahiya ay itinuro ko sakanya kung saan yung classroom ko at nagsimula na siyang maglakad papunta doon.

Wala naman na kong magagawa since naka-angkas na ko sakanya at isa pa talagang masama ang pakiramdam ko kaya thank you na rin at dumating si Logan.

Habang naglalakad siya ay hindi ko maiwasang ma-bother dahil lahat ng estudyante ay matatalim na nakatingin sakin lalo na yung tatlong babae, yung tatlong babaeng nagtulak sakin sa swimming pool kaya ngayon parang pakiramdam ko ay sasakitin ako.


Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayan na huminto na pala si Logan sa isang classroom at dahan-dahan niya akong ibinaba.

"Thank you." Sambit ko.

"No problem, just go to the clinic if you're not feeling well okay?." Saad niya at nagsimula ng maglakad palayo sakin, tumango naman ako at pumasok na din sa loob.

Pagpasok ko sa loob ay umupo ako sa upuan ko at nag-nap muna dahil wala pa naman yung magtuturo, oo tama Ambriel ipahinga mo muna to' mamaya mawawala din yan. Kaya naman ipinikit ko na ang aking mata at nagsimula ng matulog.

---

"Ate," naalimpungatan naman ako ng may biglang kumalabit sa balikat ko, teka sino ba to? Baka may teacher na kaya ginigising na niya ko.

Minulat ko ang aking mga mata at itinaas ang aking ulo at tiningnan kung sino yung taong kumalabit sakin, pagtingin ko ay si Sky pala na nakatingin sakin.

"Oh, Sky may teacher na?." Sambit ko pero alanganing ngumiti siya sakin sabay kamot sa batok niya. Pagtingin ko sa paligid ay wala na yung mga classmates namin at tanging kami na lang tatlo ang nandito.

"Tapos na ang klase." Napahawak naman ako sa dibdib ko ng biglang sumingit sa harapan ko si Loki, looking at me again.

"Hala shit?!." Sambit ko at napamura ako ng ma-realized ko na yung sandaling idlip na ginawa ko ay tulog na pala biruin mo itong subject na to ay three hours meaning tatlong oras na din akong natutulog.

"Bakit hindi niyo ko ginising?!." Bulyaw ko sakanila pero bigla namang pinitik ni Loki ang noo ko kaya sinamaan ko siya ng tingin sabay haplos sa noo ko.

"Sasampalin kitang bampira ka." Inis kong turan sakanya pero inirapan lang ako ng manyakis na to' hampaslupa ka.

"Tsk, ano bang nangyari sayo at nilagnat kana ha?." Turan ni Loki kaya naman nabigla ako sa sinabi niya at napahawak sa noo ko ulit, hala oo nga noh? Ah siguro dahil kanina sa swimming pool pero teka paano nila nalaman?


"Sinabi po ng teacher natin kanina, dapat talaga gigisingin kana ni ma'am pero nung hinawakan niya noo mo mainit daw kaya sabi niya hayaan kana lang daw namin magpahinga." Saad naman ni Sky, ngumiti na lang ako sakanya, hindi na ko magtataka kung pano niya nalaman iniisip ko dahil malamang sa malamang binasa niya ang aking isip.


Tatayo pa sana ako para sana ayusin ang aking gamit ngunit agad naman akong napatumba agad, buti na lang ay nasa gilid ko si Loki at nasalo niya ko.

"Sky, get her things." Saad ni Loki at agad naman niya kong binuhat, nagulat ako sa ginawa niya at balak ko pang umangal pa ngunit iba ang sinasabi ng katawan ko kaya hindi na lang ako pumalag at nagpahinga sa bisig niya.

Ngayon lang to' I swear.


"Ate, sleep ka muna sa likod ni Loki."sambit naman ni Sky habang bitbit niya ang mga gamit ko gusto ko pa sana siyang replyan kaso bumabagsak na ang aking mata at tuluyan na nga akong nakatulog.

---

Loki's POV

Just what the hell happened to her? Bakit bigla na lang siyang nilagnat? Fuck, kasalanan ko ba? Because I bite her? Shit Loki.

Fucking shit.

"Sa kotse ko na siya." Saad ko kay Sky kaya naman tumango lang ito at inilagay ang mga gamit ni Ambriel sa kotse ko.

"Nag-report pala sakin si Luke, tinulak pala siya sa swimming pool at buti nalang Cross is there to save her, muntik ng malunod si Ambriel." Saad ni Sky sakin kaya naman bigla kong naikuyom ang aking kamao, fuck those bitch.

"Sino sila?." Saad ko. Pag nalaman ko kung sino sila i will not hesitate to killed them one by one.

"Don't worry sila Grey at Luke na ang bahala sakanila, just bring Ambriel home." Saad ni Sky atsaka tinalikuran na ako.

Tsk.

I walk to my car and enter then bigla akong napatingin sa babaeng to' ewan ko pero bigla akong napatulala sakanya, napangiti na lang ako, ang amo niya pag natutulog pero kabaliktaran naman pag nagising na parang tigre.


Lumapit ako sa mukha niya at kinuha ang seatbelt tsaka ko ikinabit sakanya pero ilang beses akong napalunok at iniwas ang tingin sa leeg niya, tsk I need to control myself.

I'm craving for her blood again, nung nalasahan ko kasi ang dugo niya it's different compare sa mga ibang mortal na nabiktima ko na, her blood is sweet at pure. I wonder bakit ganun kalasa ang dugo niya.

Fuck it, Loki.

No sucking of blood, just drove your car and bring her home safely.

Yeah right.

Binuksan ko na ang makina ng kotse ko at nagsimula na kong mag-drive papunta sa mansyon.

------------------------------------------------------------------------
Updated✔️
New version ✔️
Like and comments 🌺
Lovelots ❤️

TamadnaAuthor is signing off.

Living with the Vampires  | Editing |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon