Chapter 41

5.1K 146 13
                                    

Ambriel's Point of View 



"Uno!." sambit ni keannu habang inaasar pa niya ako. Paano kasi naglalaro kami ng Uno cards, oo nga pala okay na ulit kami neto ni Keannu since sinabi naman na sakin ni kuya lahat, tsaka wala naman siyang ginawang masama except doon sa tinakip niya saking panyo na may pampatulog. 




"Bwiset ka talaga, lahat na lang talaga." at tsaka ko inagaw sakanya yung uno card at hinampas sa ulo niya. "Aray ah, sumbong kita kay kuya." saad niya at sumimangot. gago ang cute. "Edi magsumbong ka," sambit ko at hinampas ulit siya kaya naman inilag niya ang kamay niya. Natawa naman ako nang tumayo ito at akmang hahabulin ako e', sakto pumasok si Kuya Andrew kaya dali-dali akong tumayo at nagtago sa likod niya.  Agad ko siyang dinilaan habang nakakapit ako sa damit ni kuya. 




"Duwag," maktol niya at bumalik sa pwesto niya ulit. "Ano nanaman pinag-aawayan niyong dalawa?" tanong ni kuya samin. "Uno cards, asar talo lang kasi yang duwag na yan." maktol ulit ni Keannu kaya natawa bigla si kuya at ginulo niya ang buhok ni keannu. "Sutil ka talaga e' noh." usal naman sakin ni kuya at pinisil ang pisngi ko. 





"Araaaay, kuya naman e' paano kasi ang duga niya naubos niya kasi yung cards." sumbong ko naman sakanya at inirapan si Keannu. "Mas magaling lang kasi ako sayo, " sambit nito at tila ba nang aasar ang pananalita niya. "Aba't," lalapitan ko pa sana siya nang hinawakan ni kuya ang damit ko at pinigilan na sugurin si Keannu na ngayon ay nasa likod na ni Hera, I mean ate Hera.




"Ikaw naman kasi ang lakas mo din mang-asar," sambit ni ate Hera kay Keannu at pinitik ang noo. Natawa naman ako bigla nang magbago ang expression ng mukha niya, para ba siyang batang inaaway nang lahat. "Hays, para akong nag-aalaga nang kinder ngayon," maktol ni kuya at napakamot na lang sa ulo pero halata naman sa mukha niya na natatawa siya samin ni Keannu. 




"Enough at sumunod na kayo sakin," sambit ulit ni kuya kaya naman nagtaka ako at nagtanong sa kanya. "Saan naman tayo pupunta?" tanong ko naman. Ngumiti lang ito sakin at hindi sinagot ang tanong ko. Tumingin naman ako kay ate Hera, since ayaw sagutin ni kuya ang tanong ko edi sakanya na lang ako magtatanong. 




"It's a surprise," yun lamang ang tanging sinabi niya sakin. Tiningnan ko naman si Keannu kasi baka alam din niya kung saan kami pupunta pero gago talaga e' inirapan lang ako. kapal talaga neto siya pa may gana magalit sige! hindi kami ngayon bati kala niya ah. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang kay kuya. I trust him, at alam ko wala siyang gagawin sakin na ikakapahamak ko, yeah that's right




---


"Princess, we're here." gising sakin ni kuya, nakatulog kasi ako buong byahe kasi sabi nila na medyo mahaba-haba ang byahe kaya magpahinga daw muna ako, at dahil masunurin akong bata, natulog talaga ako.  "Asaa na tayo?" tanong ko naman kay kuya pero hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan niya akong makalabas nang sasakyan. 

Living with the Vampires  | Editing |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon