Chapter 37

5.2K 155 24
                                    

Ambriel's Point of View 



Pagmulat nang mga mata ko ay agad na bumungad sakin ang napakalaking kwarto na may malalaki rin na kurtina na kulay pula at itim. Hinawakan ko ang aking ulo dahil hanggang ngayon ay nahihilo pa din ako sa tinakip na panyo sakin ni keannu. 



SHIT?! 



Dali-dali akong bumaba sa kama at tiningnan ang buong paligid, hindi ito bahay nila Loki, so kaninong bahay to?! at nasaan ako. Lalabas na sana ako nang pintuan ng kusa itong nagbukas at mas lalong nanlaki ang aking mga mata nang makita ko kung sino yung taong nakatayo sa harapan ko. "Mr. Smith." Sambit ko at agad na napaatras.  





Anong ginagawa ko dito?! bakit ako nasa bahay ni Mr. Andrew Smith?! Sino ang na-- teka, si Keannu malamang, tangina nun ah, tinuring ko kaibigan tapos ganto gagawin niya sakin. Naku talaga pag nagkita kami nun kakalbuhin ko siya nang bonggang-bongga. "Welcome home, my dear sister." Sambit niya kaya sinamaan ko lang siya nang tingin at inirapan ko pa. 




"Walang welcome pagdating sayo."  sambit ko kaya naman ngumisi lamang ito sakin at umupo sa gilid malapit sa kama. "What does it feels when someone close to you, betrayed you?." Mapang-asar na tanong ng demonyo kong kapatid. Kung demonyo ka mas demonyo ako sayo hinayupak ka. 




"Fuck you, that's what it feels." sagot ko naman kaya napalunok ako ng ilang bese ng makita ko kung paano nagbago ang aura ni Mr. Smith ngayon.  "Ganyan ba ang tinuro sayo ng mga Johnson, ang maging bastos."  Sambit niya batid ko sa boses niya na naiinis siya. Hindi ako nagpatinag at sinamaan ko lang siya ng tingin. "Wala akong pake, ano bang kailangan mo sakin?." Matapang na tanong ko pero deep inside natatakot na ko sa atmsphere namin ngayon. 




"Gusto mo malaman? Baka pag nalaman mo hindi kana makagalaw dyan sa kinauupuan mo." Sambit niya kaya mas lalo akong natakot sa sinabi niya, binaling ko ang tingin ko doon sa bukas na pintuan. Akmang lalapitan niya ako nang bigla ko siyang itulak dahilan para mapatumba siya. Signal na para sakin na tumakbo palabas ng kwarto na yun.  "Sige lang, tumakbo ka lang siguraduhin mo lang na hindi kita mahuhuli." banta niya sakin. 





Fuck! Fuck! Fuck! 



Nagpalinga-linga ako at naghanap ng pwedeng taguan, pero puta bakit ba napakalaki netong bahay na to', at bakit walang katao-tao dito na pwede mahingan ng tulong.  Chineck ko lahat ng pintuan, lahat yun ay naka-lock, kaya naman isa na lang ang naiisip kong paraan para makatakas dito. Babasagin ko na lang yung bintana tapos tatalon ako at tatakbo palayo dito sa nakakatakot na lugar na to. 




Dali-dali kong kinuha ang malaking vase at agad na binato eto sa bintana, napangiti naman ako ng may nakita akong crack sa bintana, akmang babatuhin ko pa sana siya nang isang beses para tuluyan na itong mabasag pero agad na may humawak sa kamay ko at alam ko na kung sino yun. "I told you, once I caught you the game is over." sambit niya. 

Living with the Vampires  | Editing |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon