14

53 3 2
                                    

"Love is wanting someone to be happy even if it's not with you"

Kakarating lang ni Gab sa harapan ng bahay ng Propesora sakay ng kanyang Royal Enfield Classic 350 na motor. May dala rin siyang isa pang helmet just in case na pumayag ang kanyang Propesora na umangkas sa kanya pero knowing her Professor, hindi ito aangkas sa motor niya.

Gusto lang rin talaga niyang mang inis at hindi rin siya pweding magdala ng kotse, kailangan niyang ingatan ang totoong identity niya, mahirap na baka magtanong pa ang kanyang Prof.

Matapos nitong makapag doorbell ay agad naman nagbukas ang gate.

"Let's go" agad na saad ni Gab pagbukas pa lang ng gate.

"Okay, I'll just get my bag, pasok ka muna." Pag aalangang saad ni Grace rito sabay lakad papasok ng bahay nito and Gab followed her inside bitbit ang isang helmet.

Di naman ganon kalaki ang bahay sakto lang. Sino kaya ang kasama niya  nakatira rito, tanong ni Gab sa sarili habang nakatingin sa loob ng bahay. Malinis to, mabango at hindi makalat may mga pictures rin nakalagay sa gilid ng tv.

"Tara, alis na tayo" Saad ni Grace pagbaba ng hagdan.

Gab handed her the helmet. "Here, isuot mo" seryoso nitong saad tinitingnang mabuti ang magiging reaction ng kanyang Propesora.

"What's this?" Tanong ni Grace rito.

"Obvious ba, helmet, you can't ride with me without that baka mahuli tayo." Paliwanag nito pero sa loob loob nito ay gusto na nitong matawa sa mukha ng kanyang Propesora.

"Alam kung helmet yan...hindi ako sasakay sa motor Ms Danvers." Inis na sagot ni Grace rito, ngayon pa lang ay nagsisi na siya bakit siya pumayag na makipagdate rito. I mean friendly date pagtatama nito sa sarili.

"Pano yan Prof, motor ang dala kung sasakyan, don't worry maingat naman ako mag drive hindi ako kaskasiro." Paliwanag nito.

"Kahit na, I can't ride that thing. Kotse ko na lang ang sakyan natin." Nagtitimping saad ni Grace rito, alam naman kasi niya na nag uumpisa ng mang inis si Gab sa kanya.

"Okay, but I'll drive" Gab said and smirk to her Professor.

"No, you can't drive, do you even know how to drive a car or worst, do you even have a license, you're just, what, 18, 19.." Saad nito na halos umusok na ang ilong niya sa inis.

"Of course Prof I have a license may motor nga ako diba and yeah I know how to drive a car...Its either this." Sabay taas nito helmet ... "or I'll drive your car, you choose." Sagot nito with finality habang pinipigil na matawa.

Wala namang nagawa si Grace kundi pumayag na si Gab ang mag drive ng kotse niya.

"Okay fine, I'll get my keys." Nanlulumong saad ni Grace habang kinuha ang susi ng kotse nito. Nagsisisi na talaga siya bat siya pumayag sa alok nito eh alam naman niya na iinisin lang siya neto habang magkasama sila.

"Okay, ipapasok ko muna yong motor ko rito sa loob ng garahe mo." Saad ni Gab sabay talikud at naglakad palabas para ipasok ang kanyang motor. Hindi nito mapigil na matawa sa reaction ng kanyang propesora dahil nanggagalaiti na naman ito sa inis sa kanya. Ang cute pa naman ng kanyang Prof ngayon naka white sneakers ito, black skinny jeans, white semi loose shirt, denim jacket, at messy bun hair. Ibang iba sa suot nito pag nasa University ito.

Makalipas ang ilang sandali binabagtas na nila ang daan. Grace doesn't know kung saan sila pupunta medyo hindi na rin familiar ang daan sa kanya. Gusto na niyang magtanong kay Gab pero dahil naiinis pa rin siya rito ay minabuti na tumahimik na lang.

Samantalang si Gab naman ay naka focus lang sa pag da drive at minsan ay titingnan saglit ang Propesora.

Grace can't take it anymore, she needs to ask the girl beside her saan sila pupunta.
"Where are we going?" Naiinis na tanong nito.

Unforgettable YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon