5

52 4 0
                                    

"I'll see what can I do." Ang tanging sagot ko kay Grace pag katapos nitong ikwento ang kalagayan ng anak nito.  Binuksan ko ang envelope at tiningnan ang laman nito, mga records ito ng anak niya, mga luma at bagong test result andito rin pati ang ang history ng medication nito pati kung sino ang mga naging doctor nito in the past five years. May sakit sa puso ang anak nito at kailangan nitong maoperahan.

"What happened to Dr. Yap, bakit hindi na siya ang doctor ng anak mo?" Seryosong tanong ko rito matapos kung mabasa kung sino ang dati nitong doctor na mag oopera sana sa anak nito, Na curious ako kung bakit hindi na tuloy ang operation. Bilang isang doctor alam kung hindi basta-basta pweding iwan at talikuran ang isang pasyente kahit ganonpa kabigat ang rason dahil parte ito ng sinumpaan mong tungkulin.

"He meet an accident 2 weeks before the surgery and unfortunately he did not make it. Naghanap kami ng specialist like Dr Yap pero wala kaming nahanap, I wanted to bring her to U.S kaya lang masyadong mahina ang katawan niya to travel, hindi niya kakayanin. Then I saw you. . . I saw you sa isang health magazine." Pag kwento nito sa akin na parang nahihiya na di ko mawari. "I tried to contact you through email after that. . .pero wala akong nakuhang reply." Mahinang dugtong nito habang titig na titig sa mukha ko.

"Oh, maybe it was the email add na provided by the hospital sa amin before. I don't use it na kasi hindi na ako connected don." yes that's true when I was still working sa Children's Hospital sa Los Angeles, they provide a lot from us, well including our email address na direct din sa kanila. I explained to her and why do I sound so defensive? Because it's a matter of  life and death Gabriella that's why you need to explain. Pagtatalo nga isipan ko. "If you don't mind me asking how did you know that I'm here? Tanong ko rito habang binabalik ang mga papeles sa loob ng envelope.

"Dr. Villa, Siya ngayon ang tumitingin sa anak ko and He knows you, school mate daw kayo dati, siya ang nagsabi  na nag for good ka na daw dito sa Pilipinas. So I went to Samatha's office, I ask her saan ka nag tatrabaho ngayon." tumigil ito sa pagsasalita na parang pinanghihinaan ng loob. "I'm sorry, Gab, I'm so disparate, I...we've been looking for a doctor na pweding tumulong sa anak ko,  I just want my daughter to be safe. I want her to have normal life." malungkot na pahayag nito. I don't know what to feel siguro kung sa mga anak ko to nangyari ay gagawin ko rin ang lahat para gumaling lang sila. Tumango-tango naman ako habang nakatingin sa kanya.

"It's okay, Ms. Evangelista, as what I've said I'll see what I can do about it, pag aaralan ko lahat ng binigay mong records ng anak mo then let's do another test para makasiguro tayo sa mga dapat gawin sa kanya." paniniguro ko rito. Then, she smiles, that smile who always makes my heart go weak at parang iiyak.

"Thank you very much Gab. Alam kung wala akong karapatang humingi ng tulong sayo but . . ."

Magsasalita pa sana ito but I cut her off ayoko ng makarinig ng mga sasabihin niya kung hindi tungkol sa sakit ng anak niya. I don't know but I think it's not necessary anymore and I think na gets naman niya na ayokong pag usapan pa ang nakaraan, I don't know but I saw something in her eyes I just can't say what it is, sadness, I don't know.  "I told you it's okay, it's my job and I want to help." Malumay na tugon ko rito habang nakangiti ng tipid rito. "I'll study all of this then after that l'll do some more test then let's see what's our next step after that."

"Thank you very much, Dr. Danvers. Tatanawin kung napakalaking utang na loob ito sayo." Seryong sabi nito. "Hindi ka man lang nagdalawang isip na tanggapin ang hiningi kung tulong."

Alam kung emotion less ang mukha ko ngayon isa yon sa natutunan ko ng maging doctor ako ang wag ipakita ang totoo kung nararamdaman sa harap ng mga pasyente ko but of course we need to show them empathy.

She look at me na parang may gusto siyang sabihin na di ko mawari, kinakabahan ba siya. Biglang nagbago ang expression ng mukha niya, she sight.

"I'm happy na nagkita tayo ulit, I never doubted you, alam kung makakamit mo lahat ng pangarap mo and here you are, One of the most respected surgeon at a very young age." Nakangiting sabi nito,

Unforgettable YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon