"Teach me how to stop loving you, Because I want this feeling to be through"
Hindi pa rin ako makapaniwala na nakabalik na ako sa Pilipinas, matagal tagal na rin akong hindi nakakauwi simula nong magdisisyon ako na don na mag aral sa Amerika at magtapos ng kursong Medicine.
Sa totoo lang wala talaga akong planong bumalik ng Pilipinas, masaya at kuntinto na ako kung ano ang meron ako sa Amerika kasama ang mga bata.
Pero isang tawag ang natanggap ko galing kay Tita Jillian, inatake daw sa puso si Daddy. I was so guilty when I heared what happen, jeezz, I'm one of the best surgeon in the U.S, pero hindi ko man lang matulungan si Dad dahil wala ako sa tabi niya kaya nakapagdesisyon akong umuwi agad sa Pilipinas para kay Daddy.
Kakalapag lang ng eroplano pero hindi pa rin mawala ang kaba ko, siguro dahil nag aalala pa rin ako dad. Natigil ako sa kakaisip ng may biglang lalake na lumapit sakin.
"Dr. Gabriella Nikollie Danvers?" Tanong ng lalake habang nakatingin sakin.
"Yes, thats me?" Sagot ko habang nakataas ang kilay ko sa lalaking nasa harapan ko. Malay ko ba kung sino to, pero mukha namang mabait, medyo may edad sa rin ito.
"Hi Maam, My name is Primo,just call me Mang Primo. I'm your Dad's personal driver. I'm here to, to....amh ah to fetch you po." Nahihiya at kakamot kamot na sagot nito, akala siguro nito eh hindi ako marunong magtagalog, gusto ko tuloy matawa, pero pinaseryoso ko ang mukha ko baka akalain nito pinagtatawanan ko siya. Ang cute pa naman pakinggan ang accent nitong batangginyo.
"Okay po maam, this way to the car maam." Aba't englishero pala talaga to si Mang Primo ah, hala sige panindigan mo yan.
Hindi na ako nag alangan pa at ibinigay ko ang maleta ko kay Mang Primo, napagod ako sa byahe pero mas gusto ko munang pumunta ng hospital para makita si Dad. Gusto kung makita ang mga lab results niya. Ako na mismo ang personal na titingin sa kanya. Gusto ko siyang alagaan gaya ng pag aalaga niya noon sa akin. After this I'll convince him na sumama na sa akin sa U.S atleast doon mas matutukan ko siya ng maigi dahil may iba't ibang procedure ng ginagamit para sa sakit niya.
Ginagala ko ang mata ko habang sakay ng kotse, ang dami ng ipinagbago ng lugar simula ng umalis ako, marami ng matataas na gusali at nadagdagan pa ang traffic at parang mas lalong uminit.
"Ahm, Mang Primo, ilang oras nga po ang byahe pabalik sa atin?" Bigla kong tanong, baka kasi pwedi pang umidlip sa byahe, pakiramdam ko kulang na kulang ako sa tulog.
"Ala eh, marunong pala kayong managalog ma'am. Akala ko eh hindi kayo marunong, hirap na hirap akong mag englis akala ko eh dudugo na ang ilong ko. " Tumatawang komento nito habang nagmamaniho. "Isang oras at kalahati laang po ang ating byahe. Dini lamang naman ang traffic pag naglagpas na dini eh diridritsu na
tayo.""Ganon po ba, akala ko matatagalan pa." Malumanay kung sagot sa matanda. Napatingin lang ito sa rearview mirror dash cam habang nakangiti.
"Gusto ko po sana dumiritsu muna sa tayo sa hospital, gusto ko ng makita si Daddy at kumustahin." Seryoso kung sabi kay Mang Primo
"Ala eh maam, nong isang araw pa nakalabas ng hospital ang Daddy ninyo. Gusto nga nong sumama sa pag sundo sa inyo kaya lang eh mahigpit ang bilin ng doktor na kailangan niyang magpahinga. Pero excited na po yong makita kayo, lagi kayong bukang bibig eh."
"Anong nakalabas na si Dad ng hospital, sabi ni Tita Jillian nasa hospital pa siya nong tumawag siya sa akin." Takang tanong ko kay Mang Primo.
"Eh kasi nga po Maam matigas po ang ulo ni Sir, nong nanikip ang dibdib niya ayaw pa magpadala sa hospital napilitan lang siyang magpadala nong dumating si Maam Jillian. Pero isang gabi lang po siya na confine at lumabas din po agad." Sagot ni Mang Primo habang patuloy pa rin sa pagmamaniho.
BINABASA MO ANG
Unforgettable You
RomanceBakit nga ba kailangan masaktan sa tuwing nagmamahal ang isang tao? Bakit magmamahal pa kung masasaktan lang din sa huli? Bakit kung sino yong minamahal mo, siya namang hindi pweding maging sayo? Mga tanong na kahit paulit ulit kung itanong hindi ko...