4

61 5 1
                                    

"Teach me how to unchained my heart from you, Because I want to be free from holding you..."

Anim na buwan simula nong mamatay si daddy, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ulila na ko, syempre kahit buhay pa yong biological mother ko wala na naman siya sa tabi ko. I try publishing it sa obituary ng mga news paper hoping na mabasa to ng mother ko, baka sakaling maisipan nitong pumunta kahit sa libing man lang ng dati nitong asawa, as a sign of respect, pero kahit anino nito ay hindi ko nakita. Ngayon masisisi niyo ba ako kung hindi ko siya kayang patawarin, I'm sorry Dad.

Pinipilit kong magpakatatag para sa mga anak ko ayokong makita nila ako na nahihirapan kaya, bumalik na rin ako sa trabaho pero sa ngayon naging freelance surgeon muna ako, kung saan ako kailangan doon ako especially yong mga mahihirap na operations. Naisipan kong ipasyal ang mga bata dito villa arabella summer na kasi at gusto ko naman na makapag enjoy sila. Minsan kasi hinahanap pa rin nila ang Lolo Art nila kahit ilang besis ko na rin ipinaliwang sa kanila na nasa heaven na ang lolo nila, di pa rin maiwasan na hanapin nila. Masyadong masakit nong mawala si Daddy at hanggang ngayon nalulungkot pa rin ako, na giguilty, siguro kung matagal na akong umuwi rito sa Pilipinas nagkasama pa sana kami ng matagal pero sa ngayon kailangan kung magpakatatag para sa mga anak ko.

Naiwan sa akin lahat ng ari-arian ni Daddy  lahat ng naipundar nito pati na rin ang minana pa nitong negosyo sa grand parents ko at dahil kunti lang alam ko sa negosyo ay pinaubaya ko na lahat kay Sam ang paghawak non dahil siya naman ang may alam sa pasikot sikot sa kompanya, but I'm still one of the owner of it. Meron rin siyang iniwan na pera sa mga charity na napili nito.

At ito nga ang isa sa mga naiwan sa akin, wala pa rin ipinagbago ang Villa Arabella para pa rin tong paraiso, piapamaintain kasi talaga to ni dad at ngayong wala na siya ako na mag aalaga sa lugar na to, kasi importante ang lugar na to sa kanya.
Pagbaba namin sa sasakyan ay agad kaming sinalubong ni Aling Maring at Mang Estong sila ang nangngalaga dito sa villa at pinagkakatiwalaan ni daddy.

"Gab, kamusta ang byahe niyo?" Tanong ni Aling Maring sa akin habang nakangiti

"Okay naman po. Kumusta na po kayo ni Mang Estong?" Tanong ko sa mag asawa.

"Okay lang naman kami hija." Sagot ni Aling Maring "Eto na ba ang mga supling mo?" Tanong nito sakin, tumango naman ako sa kanya habang naka ngiti bilang pag sang ayon.

"Aba eh, manang mana sayo, ang ganda at ang gwapo." Pinisil pa nito ang mukha ng kambal.

"Sina James and Amber po, turo ko sa dalawa." habang nakangiti pa rin sa matanda  "James, Amber you say Hi to Aling Maring and Mang Estong then mag bless kayo." sabi ko sa mga bata.

"Hi Aling Mareng and Mang Estong." Sabay na nagsalita ang dalawa na ikinatuwa ng matatanda.

"Abay napaka slang naman ninyong dalawa." Natutuwang sabi ni Mang Estong

"Hala, sige tayo na sa loob at ng makakain na kayo at ikaw Estong kunin mo na yong mga gamit nila sa sasakyan." Sunod sunod na sabi nitong sabi.

Pagkatapos naming kumain ay naglibot libot ako sa loob ng villa samantalang ang mga bata ay nasa kwarto nila nakatulog napagud sa byahe. Napatingin ako sa malaking picture frame paakyat sa hagdan, it's my parents wedding picture, kung titingnang mabuti malalaman mo agad na si Dad lng ang masaya sa picture na yan.

Nagpatuloy ako sa paglilibot sa villa papalubog na ang araw at nagkulay orange na rin ang dagat napakaganda nitong tingnan. Ang sarap rin ng simoy ng hangin. Na wala ang pa muni-muni ko ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

Unforgettable YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon