2

47 5 0
                                    

"Teach me how to walk alone,
Because you've been there all along"

I just finished talking to my Dads doctor, His name is Dr. Villanueva and he's kind enougth na ipakita sakin lahat ng result sa mga test ni Dad. Nagpasalamat rin ako sa kanya dahil hindi niya pinabayaan si Dad. Dr Villanueva is jolly person, masaya raw siyang makilala ako, syempre not to brag or anything but I'm quite famous as doctor. Na feature na kasi ako sa iba't ibang tv network sa U.S and health magazines, meron na rin akong natatanggap na mga award bilang outstanding doctor kaya hindi siya makapaniwala na anak ako ng isa sa mga pasyente niya.

Pauwi na ako sa bahay ng biglang tumunog ang cellphone ko, si Daddy pala ang tumatawag.

"Hello Dad?" Nakangiti kung sagot kahit alam kung hindi niya ako nakikita.

"O, anak nakapag usap ba kayo ng doctor ko?" Tanong Dad sa kabilang linya.

"Yes, we just finished talking. He's a good guy. I like him."Natatawa kung sabi. "He's kind naman po na ipakita ang mga test mo, I told him na I have your permission. Tinawagan mo pala siya bago ako pumunta kanina?"

"Yes, I call him para ma inform siya anak."

"Thank you Dad."

"Nga pala anak, pupunta ako sa Villa Arabella baka gusto mong sumama't may aasikasuhin ako don." Masayang tugon nito sa kabilang linya.

"May usapan kami ni Sam Dad, pupunta daw siya dyan sa bahay. May sasabihin daw siya sakin na di pweding sabihin telepono." Natatawa kung paliwanag kay Dad.

"O sige anak, mag ingat ka pauwi."

"Okay po Dad, mag ingat din po kayo. At wag masyadong magpapagud." Pag aalalang sabi ko kay Dad.

"Okay anak. Bye." Yon lang at ibinaba na ni Daddy ang cellphone.

Ito talagang si Daddy napakaworkaholic. Buti na nga lang normal lahat ng mga test niya. Dala lang ng pagud at puyat ang paninikip ng dibdib niya. Pero may pag aalinlangan pa rin ako, pakiramdam ko kasi may hindi sinasabi sakin sa Daddy.

Kinausap ko rin siya kanina si Dad bago ko umalis ng bahay, sinabi kung gusto ko siyang sumama sa U.S, but he refused ayaw niyang sumama. Nabaliktad pa yata ang sitwasyon. Tinanong niya ako kung kilan ko daw balak mag for good na sa Pilipinas kasama ng mga bata masyadong matagal na raw ako sa Amerika, napatunayan ko raw ang sarili ko doon, panahon na raw para paglingkuran ko ang mga kababayan ko.

Hindi naman ako nakasagot agad kay Dad, pero tama siya, yon naman talaga ang pangarap ko dati pa ang makatulong sa kapwa lalo na dito sa lugar namin, masyadong mahal magkasakit dito sa Pilipinas, kung wala kang pera mamatay ka.

Habang nagdadrive ako pabalik sa bahay naalala ko sinabi ni Dad kung saan siya pupunta. "Villa Arabella." sambit ko habang napangiti ng mapait. That Villa supposed to be his gift to my mother in their anniversary but she choose to leave him, pero kahit ganon hindi pa rin niya pinalitan ang pangalan nong villa. Napakaganda nito especially ang spot kung saan to located, meron tong two storey modern rest house at merong infinity pool sa harap, merong hagdan pababa sa dagat, meron din tong diving spot at napapalibutan ito ng punong kahoy meron ding garden, in short para itong paraiso.

"So, anong gusto mong sabihin sa akin na hindi mo pweding sabihin sa cellphone?" Tanong ko sa pinsan ko, mas nauna pala siyang dumating kisa sakin. Nasa rooftop kami ng bahay namin habang kumakain siya ng dala niyang pagkain, diba ang galing niya siya ang nagdala siya rin ang kumain napapailing na lang ako sa kanya.

"Ang totoo insan, wala naman talaga akong sasabihin." Sagot nito habang tumatawa. "Gusto ko lang makipag usap sayo ng sarilinan, matagal rin tayong hindi nag kita ah."

Unforgettable YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon