Prologue

8 0 0
                                    


In our life sometimes we had a dream or a nightmare that hard to forget that will retain in our mind


Just like what happen to Chandria Mcsyne U. Lopez. She has a nightmare na paulit-ulit niyang napapanaginipan ang isang lalaki and it is weird because every month niya itong napapanaginipan. She know this guy but they are not close and madalang lang sila mag-usap na dalawa. And as far she knows this guy is already have a girlfriend. She already did some a research and find out why this happen to her but in the end wala siyang nakuhang tamang kasagutan. Ano kaya ang ibig sabihin nito?bakit patuloy niyang napapanaginipan ang lalaki?. Sasabihin ba niya dun sa lalaki na lagi niya nitong napapanaginipan or babalewalain nya na lang?. And the big question is who's this guy?



°°°°°°
Sa bawat pag hampas ng alon sa dalampasigan at pagkukulay kahel ng kalangitan, rinig ko sa di kalayuan ang tawanan ng aking mga kaibigan. Samantalang ako nandito nakaupo sa may dalampasigan hawak hawak ang aking maliit na kwaderno at panulat, Sa huling pag kakataon sinusulat muli ang aking napanaginipan. Ito na siguro ang huli kong pag susulat, hindi dahil ito na ang pinakahuli kong panaginip na kasama siya kundi dahil sa tingin ko'y kailangan ko ng tumigil para makausad at makalimutan siya dahil kung hindi patuloy lang akong masasaktan at aasa sa kanya .

Tinapos ko ang aking sinulat sa pag iiwan ng isang maikling mensahe na nag sasabi kung anu ang tunay na dahilan at bakit ko sinimulang isulat at tapusin ito.

Kasabay ng aking pag tatapos sa aking sinusulat ay siya namang pag babadya ng aking luha, naalala ang lahat ng nangyari mula sa kung paano ako nahulog sa kanya, hanggang paano ito lumalim ng lumalim ng hindi ko namamalayan. At ng tuluyan kong matapos at isara ang aking kwaderno ay siya namang tuluyang pag luha ko. Niyakap ko na lamang aking mga tuhod dahil sa sakit na nararamdaman ko. Pinipigilang huwag humagulgol at humikbi at baka mahalata ng aking mga kaibigan ang aking sitwasyon.

Huminga na lamang ako ng malalim at sinusubukang pakalmahin ang sarili. Mabuti na lamang at nakatulong ang kulay kahel na kalangitan at sa pagtatakip silim nito. Maya maya lamang ay tuluyan na rin akong kumalma at umayos ang pakiramdam.

Habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa aking harapan ay may naramdaman akong umupo sa aking tabi. Hindi man ako lumingon ay ramdam ko na kung kaninong presensya ang nag mamay-ari nito, nakatulong din ang kanyang pabango upang makilala kung sino. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan ng maramdaman kong unti-unting bumibilis ang tibok ng aking puso .

"Oiss bakit nag iisa ka rito?" Panimula nya ng tuluyan siyang makaupo
"Ah .. w-wala pinag mamasdan ko lang ang sunset, Ang ganda diba ?" Sagot ko sa kanya ng hindi tumitingin kahit ramdam ko ang titig nya sa akin .
"Hmmm ganun ba , oo nga napakagandang pag masdan" wika niya subalit hindi parin inaalis Ang tingin sa akin .

Hindi ko alam kung anu ang sasabihin sa kanya at kung paano sasagutin muli ang huling sinabi. Dahil sa totoo lang hindi ko na alam kung alin ang totoo at hindi o kung anu ang kanyang totoong nararamdaman sa akin.

Nang hindi ko na makayanan pa ang titig nya ay naisipan ko na lang na ayain sya pabalik sa aming mga kaibigan..

"Ah... Tara na balik na tayo sa kanila " wika ko sa kanya at dali daling tumayo, ngunit bago pa man ako tuluyang makaalis ay siya namang paghawak nito sa aking paluspusan. Gulat akong napatingin sa kanya dahil sa kanyang kinilos.

"Chan??....... Gusto kita " titig na titig na wika nito sa akin ........





A/N : Hello everyone this is my first time to write a story so please bare with me sa mga wrong grammars and spelling. Thankieee muaphss :-) :-)

THE GUY ON MY NIGHTMARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon