N o o n g u n a n g p a n a h o n

20 0 0
                                    

Sa loob ng kinse nwebe
May isang babae
Minsan lang magsalita
Pero pag narinig mo ang boses niya
Tila ba ito ay kakaiba
Naeexcite ako tuwing maririnig ko siya
At talagang randam ko parin ang aking kaba
Nais ko pa siyang makilala pa
Pero pansin ko siya ay di masyadong nagtitiwala
Hanggang sa kami ay umabot na ng isang buwan
Paguusap namin na halo halo at walang hanggan
Di ko na pala namamalayan
Ang aking nararamdaman
Na ito na palay nahuhulog nang lubusan
Natatakot ako pag ito ay iyong malalaman
Sa rason na baka ito'y mauwi sa pagpapaalam
Takot dahil sa aking nakaraan
At baka ito ay mabalik at ako maging miserable naman

Balik sayo
Kung ako man ang tatanungin mo
Kung ano ang nakita ko sayo
Ay hindi ko rin alam
Basta ang alam ko
Ikaw ay aking gusto
Di ko nais na takutin ka dahil saking nararamdman
Kaya pasensya kung ako ay lumalagpas sa king linya
Pero minsan talaga hindi ko maiwasan
Ang pagramdam ng selos pag siya na iyong nasa linya
Pero sino ba naman ako para pumigil sayo
Ako lang naman ito, kaibigan mong nagkagusto sayo
Pero wala akong hinihinging sukli
Ang akin lang sana di mo 'ko iiwan at magkubli

03192021

The Unsaid WordsWhere stories live. Discover now