Unang buwan
Mga kakaibang kwentuhan
Nakahiga sa malambot kong unan
Usapang walang tulugan
Habang ang tawa ay pilit pinipigilanIka dalawang buwan
Iba't ibang trip ang nalalaman
Minsan nagkakantahan
Minsan natutulugan
Pero madalas ang tawananIka tatlong buwan
Wala paring kupas ang tawanan
Masaya paring nagkwekwentuhan
Kahit anong ginagawa laging sinasamahan
Minsan pa nga ay pinapagalitanApat na buwan
Medyo natigil ang usapan
Ang noon na madalas naging minsan nalang
Ang mga bagay na nakasanayan
Ay nawala nang dahan dahanAng noong masasayang buwan
Naging malungkot na araw nalang
Mga maiinit na bati at kwentuhan
Naging mas malamig pa sa aming yelohan
Sa di malaman laman na dahilan
Bigla nalang naputol ang usapan04282022
YOU ARE READING
The Unsaid Words
Poetry'The Unsaid Words,' a heartfelt collection of poetry in Bisaya, Tagalog, and English. Dive into the author's personal journey, where emotions flow freely and stories are told through verse. Through verses that resonate with raw emotion and intimat...