Part-39

9 3 0
                                    

***


Zoe PoV*



"Yanna! . . .are you okay?" Tanong ni Wyatt kay Ian pagkalabas namin ng office ni Dean, Ngumiti lang naman si ian dito at tumango.

"Mauna na muna ako sa inyu" Nakangiting pag papaalam ni ian sa amin.

"Yanna! Andito lang kami. . . ."Sabi ni Tyree dito at niyakap pa si ian tinapik tapik naman ni ian ang likod nito at bumitaw sa pag kakayap ni Tyree.

" Here!" Sabi ko at inabut ang cellphone ko, kunot noong tiningnan lang nya ako.

"Alam kung gusto mong mag isa sa ngayun di muna namin ikaw kukulitin. . . Kunin mo to pag kailangan mo ako tumawag ka lang. . .okay!" Sabi ko sa kanya at kinuha ko ang kamay nya ngunit ng aalisin ko na ang kamay ko di nito binitiwan ang kamay ko.

"Maraming salamat Jin!.  .  .pero diko to matatanggap pag kailangan ko kayo ako mismo ang pupunta sa inyu" Anito at binitawan na ang kamay ko di rin nito kinuha ko ang cellphone ko.

Matapos mag paalam sa amin tumalikud na ito napapabuntong hininga na lang kami habang pinagmamasdan  namin ito papalayo.

"Oh! Paano. . . Kita-kita na lang tayo bukas!" Maya-maya sabi ni Lincoln at sumangayun naman kami sa kanya sa ngayun hahayaan muna namin si ian mag isa. Matapos mag paalam sa isa't-isa lumakad na rin kami ni ate na kita rin ang lungkot sa mga mata nito. Tss. . .team ian na rin ito siguro.

"Mabuti naman may mga kaibigan kana?" Maya-maya sabi ni ate habang lulan kami ng sasakyan pauwi sa amin. Ngumiti lang ako dito hindi kasi ako sanay na mag kwento sa ate ko.

Bunso ako sa tatlong magkakapatid panganay ang kuya Zian ko at pangalawa ang ate Zahra, isang Doctor ang ate si Kuya naman ay isang business man sya rin ang tinaguriang pinaka batang Bilyonaryo.

Kilala ang mga kapatid ko sa kanya kanyang larangan nila, kaya naman maraming umaasa na magiging kilala rin ako sa pipiliin kung larangan.

"Asan pala sila Mommy ate? Bakit ikaw ang pumunta?" Tanong ko dito nag tataka lang talaga ako kung bakit sya ang pumunta sa school.

"Nakalimutan mo na ba? May family Dinner tayo sa bahay nung umalis ako nandun na ang mga kamag anak natin saka may mga ilang kaibigan na si Mommy dumating kaya ako na lang pinapunta nya" Mahabang sagot nito  na kinatango ko na lang.

Makalipas pa mga ilang  minuto narating na rin namin ang aming bahay. Pag pasok palang sa aming gate nakikita ko na ang mga sasakyan ng mga bisita.  Bumaba kami ni ate sasakyan sinalubong naman kami ng aming mga maid at kinuha ang aming mga dala.

Dumeretso na kami sa may garden doon kasi kami nag di-dinner pag may mga bisita kami pinag yayabang kasi ng Mommy ko ang mga halaman nito. At masarap din ang hangin doon.

Mula sa loob ng bahay bumaba kami sa hagdan papunta sa garden pansin ko medyu marami kaming bisita. Sinalubong kami ni Mommy na may hawak pang champagne glass.

"Sweetie! What happened?" Tanong agad nito at hinalikan ako sa pisngi ganun din naman ang ginawa ko hinalikan din ito pabalik. Nag beso na muna ako sa mga bisita halos kilala ko lahat ng mga bisita namin. Matapos mag beso-beso naupo na kami para mag simula ng kumain.

Nagulat pa ako ng makita ko si Kuya na lumabas na may dalang bote, tumayo ako upang humalik sa pisngi nito.

"Andito na pala kayo?" Anito saka naupo sa tabi ng Daddy, "Anong ginawa mo bakit ka pinatawag?" Seryusong Tanong pa nito.

"Wala naman Kuya, may nang trip lang sa kaibigan ko" sagot ko dito habang kumukuha ng pagkain.

"May kaibigan ka?!!!" Sabay sabay na tanong sa akin ng mga ito, inismiran ko lang sila at lumabi nakakasakit na ang mga ito.

"Wala naman syang kasalanan pinatawag lang kasi sangkot ang kaibigan nya, naawa nga ako dun sa batang yun. . .ano ngang pangalan nun Zoe? Yann-" sabat ni ate.

"Ian ate. . .sila Wyatt lang ang natawag ng Yanna doon" Sabi ko dito habang kumakain na bahala sila nagugutom na ako.

"Bakit ano bang nangyari?" Tanong ni Mommy, si ate na ang sumagot dito at nag kwento may pagka tsismosa din ito si ate.

"That's so sad!" Rinig kung sabi ni ate Annika matapos mag kwento si ate. si ate Annika ay Kaibigan ni Kuya ito rin ang inaasahan namin na maging nobya ni Kuya.

"Ang sabi ni ate mo mga kaibigan? Sino-sino mga kaibigan mo sweetie?" Tanong ni Mommy sa akin. Lumunok muna ako saka sumagot.

"Si ian lang naman ang kaibigan ko. . .pero dahil naging kaibigan din ni ian ang mga yun naging kaibigan ko na rin sila saka mababait naman sila eh!" Tipid kong sagut kay Mommy.

"Mabuti naman apo, may kaibigan kana, hindi kana nag iisa" nakangiting sabi ng Lola nginitian ko sya at kinuwento ko kung bakit ko naging kaibigan si ian. Gulat naman ang mga ito dapat daw mag pasalamat ang buong angkan namin kay Ian dahil sa pagliligtas nito sa akin.

"Grabe! Mabait na subrang Ganda pa!" Bulalas ni ate, confirm! Team ian din si ate.

"Talaga?!. . . .Mas maganda pa sa akin?" Maarteng tanong ni ate Cassie na girlfriend ni Kuya Tom na kaibigan din ni Kuya.

" sorry Cass!. . .but yes! . .akala ko nga anghel eh!" Sabi ni ate na kinanguso ni ate Cassie tinawanan naman sya nila Kuya Tom at Kuya James na isa din kaibigan ni Kuya.

"Heh! Gusto syang makita! Titingnan ko kung talagang mas maganda sya!" Busangot na sabi pa ni ate Cassie na tinawanan lang namin.

"Sige ate minsan isasama ko dito si ian! Ikaw na lang ang humusga!" Natatawang sabi ko dito. Saka nag tawanan ulit kami na inismiran lang ako nito.  Katulad ng dati masasayang nag kwentuhan at kantahan si Kuya lang ang di mo man lang mapatawa Seryuso ito lagi tamang tipid na ngiti lang ang makikita mo dito.

"Life Goes On!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon