Chapter 1 [ part VIII ] Goimon and Ruru

62 0 2
                                    

Alas-sais ng gabi nasa corridor si Goimon suot ang black tuxedo niya, tinatanaw ang pagdarausan ng event nila. Kita niya ang mga nagnining-ning na mga maliliit na ilaw sa paligid. Parang Fairyland ito kung titignan mo talaga sa malayo. Nagkalat ang mga ornamental sa lights sa iba’t ibang puno sa paligid. Romantic talaga tignan ang lugar. Perfect para sa mga magsing-irug.

Na-iimagine tuloy niya ang kanyang sarili na sinasayaw si Ruru…habang tinutugtug ang kantang " just a kiss.”

Pero paano ‘yon matutuloy eh , hindi niya magawang lapitan si Ruru. Nagbabalak na sana siyang imbitahin itong makapartner kaso umepal naman ang mga maraming suitors nito. Dumagdag pa si Kumar , sa nakita niyang ngiti ni Ruru kanina parang si Kumar na ‘yong partner niya. Bumuntong hininga siya.

gusto ko sanang maisayaw ka Ruru, if only I get a chance…

Naputol ang pagmuni-muni ni Goimon nang may sumagi sa likod niya. Paglingon niya ay si Kumar. Maayos na ito , naka Tuxedo rin with gray plaided pants. Ngumiti siya dito.

“ Ano tol , ayos na ba porma natin?” tanong nito sa kanya.

“ oo tol , Piolo Pascual lang ang porma ah…”

“ siyempre naman dapat lang,”

Tumawa sila ng mahina.

“ Kayo ba ni Ruru ?” shit hindi ko talaga mapigilan….

“ What do you mean ?”

“ escort niya for tonight,”  masyado na ba akong obvious ?...

“ nope,”

“ talaga ? hindi mo ba siya niyaya ?” Sigh! Nakahinga ako ng maluwag dun ha …may pag-asa pa ako.

“ niyaya , pero may ibang partner na daw siya eh,”

What ?! sino ang lalaking ‘yon at ikukulong ko siya sa ilong mo... “ ahh ganun ba…”

Saglit na tumahimik sa paligid.

Binasag ni Kumar ang katahimikan. “ So ikaw ? sino ba date mo?”

“ wala, may partner na daw siya eh,” Si Ruru ! kaso wala na akoo -____________-“

“ pareho tayo,” sabay tapik sa balikat niya.

“ yes,” wala na ako -_-“

“ well let’s just enjoy!”

“ oo tol,” na tumapik na rin dito.

  sana nga -_-“ paano ‘yon ? eh di ko partner si Ruru.

Di nagtagal ay nagpaalam na rin si Kumar sa kanya. Bababa na daw ito , dahil 8pm mag start ang party nila. Nagpaiwan muna siya roon. Gusto na muna niyang mapag-isa at magpahangin. Maya-maya’y tinignan niya ang kanyang relos. 7pm na.

Nakalimutan niyang may kukunin pa pala siya sa kanyang kwarto. Dali naman siyang umalis roon at nagtungo….

Tanaw ni Ruru sa bintana ng kwarto niya ang pagdadausan ng event. Nakikita na niya ang ibang kasamahan na maagang dumating suot ang magagarang kasuotan. Saglit siyang tumingin sa relos niya , 7pm na ngunit parang wala siyang gana dumalo.

“ Miss Ruru, okay ka lang ba ?”  tanong ni Soul sa kanya.

Napatingin siya agad rito.

FML Family ( closed story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon