Chapter 2 [ part I ] Viet story ...

89 1 1
                                    

' nakatunganga ka na lang palage , parang ikaw lang ang naymamay-ari ng lahat ng problema sa mundo . ang iyong mukha ay hindi maipinta…

Nakikinig si Viet ng kanta na nagmumula sa cellphone niya. Nasa veranda siya ng kanilang silid. Malayo ang kanyang iniisip. Napalingon siya sa likuran nang may sumagi sa balikat niya.

“ Viet , bat andito ka ?” ani Opel.

“ Pare, ikaw pala. Wala naman kasi akong gagawin doon,” aniya sa malungkot na boses.

“ anong wala ? kaya naman pala tahimik ang party eh, nandito ka pala,” biro ni opel.

Natawa siya ng mahina. Ngunit agad rin itong napawi at napalitan ng lungkot.

“ Ano bang bumabagabag sa isip mo? You can share it to me , makikinig ako,”

“ wala , okay lang ako…”

“ pare nakalimutan mo na ba ang sinabi ni Goimon kanina? Problema ng isa , problema na din ng lahat…” sabi nito na tinabihan na rin siya.

“ alam ko naman ‘yon pare , pero talaga .. okay lang ako…”

“ okay ? eh di nga maipinta yang facelak mo dyan ohh ?”

Natawa ulit siya. “ ikaw talaga pare,sige na nga… pero wag mo toh ipagsasabi kahit kanino ha.. total kaibigan naman kita , sasabihin ko sa’yo yung bumabagabag sa isip ko,” aniya.

“ sige pare makikinig lang ako,”

“ ang totoo , pasan ko na ata ang problema sa mundo,” panimula niyang kwento.

Bumuntong hininga muna siya. At nagpatuloy.

“ hindi ako katulad niyo pare na may magagandang buhay, alam kong hindi ako nag-iisa marami kami oo alam ko iyon. pero iba pa rin eh , araw gabi ako kumakayod para lang mabuhay. Para lang may maibigay ako sa mga magulang ko sa probinsya , para makatulong rin ako sa pang araw-araw na kabuhayan nila. Lahat pare , tiniis ko. Lahat ng trabaho pinasukan ko, pa sideline2 ako, pa raket2 minsan. Tiniis ko yun para lang mabuhay. Minsan nga nakikita ko na lang sarili ko na sa isang araw hindi ako makakain, imbes na pambili ko yon ng pagkain ko… ipapadala ko na lang sa kanila..”

“ Teka , wala ba silang trabaho dun ? ano trabaho ng mga magulang mo sa probinsya? Alam na nila kalagayan mo?”

“ actually  pare , nagsinungaling ako sa kanila. Sinabe ko kasi sa kanila na isa na akong Dj sa isa sa mga station sa manila. Kaya ‘yon , mahigit 7 years na rin akong namuhay sa kasinungalingan. Para lang maipagmalaki nila ako, para may masabi sila sa akin.. kasi nung andun ako, lage nila sinasabe sa akin na wala akong kwenta. Wala akong pangarap sa buhay, hindi daw ako nakakatulong sa kanila kunbaga palamunin lang daw ako… Lahat naman tayo pare d’ba may pangarap sa buhay. Ako may pangarap ako , hindi para sa sarili ko kundi para sa kanila---,”

Nagsimula nang pumatak ang kanyang mga luha. Pinahid niya yun agad at nagpatuloy…

“ kaya naman ginawa ko nagsinungaling ako sa kanila… nag-iipon ako lage para mapadalhan sila ng pera. Hindi ko na iniisip sarili ko , iniisip ko na lang sila. ‘yong masagana buhay nila, gusto ko na nga umuwi eh, pero iniisip ko na lang … na yong perang pamasahe ko pauwi , eh ipapadala ko na lang sa kanila---,”

Halos maiyak si Opel sa kwento ni viet sa kanya. Hindi siya makapaniwala na sa kabila nang pagiging alaskador nito, may nakaukit palang malungkot na buhay.

Samo’t saring emosyon ang naramdaman ni viet sa pagkakataon na iyon. Ngayon lang siya nakapaglabas ng kanyang totoong nararamdaman. Sa kabila nga ng pagiging masayahin niya araw-araw sino mag-aakala na may problema pala itong pinapasan.

sa lahat ng members sa FML si Opel lang ang naka-gaanan niya ng loob.  Dahil alam niya mismo na ito lang ang nakakaintindi ng lubusan sa kanya.

Agad siyang kinabig ni Opel sa pagkakataon na iyon.

“ tama na pare, problema lang yan.. malalampasan rin yan,”

“ oo naman pare , kaya nga dinadaan ko na lang sa tawa, biro, saya ang lahat. Kasi ayaw kong kaawaan nila ako,”

“ Pare naintindihan kita, kahit siguro ako ganun rin gagawin ko… pero pare , lagi mo tatandaan na hindi lahat ng problema dinadaan lage sa biro. Dahil may iba ring hindi makikitid ang utak at hindi marunong makaintindi sa mga salitang nabibitawan mo…”

“ alam ko iyon pare, kaya nga nahihiya na ako sa inyo ni pareng goimon eh. Masydo na akong pabigat sa inyo lalo na sa lahat. Kaya nakapagdesisyon na akong umalis na…”

Nagulat si Opel sa huling sinabi ito. “ A-ano ? bakit ? hindi ka naman naming pinapa-alis ha, tsaka hindi kami nagrereklamo ni goimon--,”

“ weh ?”

“ I mean is yes nagrereklamo nga kami pero hindi iyon dahilan para umalis ka…”

“ pare kailangan ko ‘tong gawin. Hindi lang naman ito para sa inyo eh , para sa akin ito. Pag umalis ako , mas makapag-isip isip akong mabuti,”

“ pe-pero .. pare naman..” ani opel sa malungkot na boses.

“ kung sakaling bumalik ako pare … welcomed pa rin ba ako?”

Sa di inaasahang napatulo ang luha ni Opel.

“ oo pare , welcomed ka pa rin sa amin with open arms,”

Nagkayakapan ang dal’wa.

Ayaw sanang umalis ni viet ngunit kailangan niya itong gawin. He needs find his self. gusto niyang harapin ang problema na siya lang mismo. Kailangan niyang maging matapang.

Nagbitaw ang dal’wa sa pagkakayakap.

“ tama na pareng Opel , ang panget mo kasi pag umiiyak ka ohh,” biro nito.

Natawa ng malakas si Opel. “ alam mo ikaw, pina-iyak mo talaga ako ng bonggang-bongga. Kakainis ka!” sinapak niya ito sa balikat. “ bumalik ka ha , ma mimiss kita. Lalo na sila. Wala nang alaskador at epal sa FML,” sabay tawa.

Napangiti siya sa sinabi. “ oo naman pare, basta ba pagbalik ko handaan niyo ko ng tatlong letchon eh …”

“ hahahahaha ! sira ka talaga! Oh sige , letchon frog !”

Nagtawanan ang dal’wa…

“ salamat pare ha,” ani Viet na yumakap ulit kay Opel.

“ walang anuman ‘yon… pamilya tayo rito lagi mo yan tatandaan pare,” wika nito. “ oh tama na drama …”

“ tara na ?”

“ party na !!”

Umalis na ang dal’wa sa silid at pumunta sa party.

FML Family ( closed story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon