Napasinghot si Suna sa sobrang kaba ng kanyang nararamdaman. Akala niya ay kung ano na ng gagawin sa kanya ni Viet. Pinaupo siya nito sa cottage.
Pinagmamasdan niya ito na nakaupo sa paanan niya hawak-hawak ang kanyang paa. Hindi na sakit ang kanyang naramdaman sa mga oras na iyon.
Gosh! Ano ba toh! I can’t explain!
Napapikit siya ng marahan. Matagal siya sa ganong position. Naramdaman pa niyang hinahagod ni Viet ang kanyang mga paa.
Shit! What is this ? so relax….
Pagdilat niya ay halos isang dangkal na lang ang pagitan ng mukha nila sa isa’t isa. Bumilis ang pag pintig ng kanyang puso. Nagkatitigan sila ni isa ay walang gustong magsalita sa kanila, walang lumalabas na kataga mula sa mga bibig nila.
Narinig niya ang mahinang paghugot nito ng hininga. Maya maya ay hindi na niya mapaniwalaan ang sumunod na pangyayari. Yumakap ito sa kanya. Naramadaman pa niya ang isang kamay nito na humahagod sa kanyang likod. Waring naparilasa ang kanyang katawan. Nang akmang itutulak niya ito, mabilis nitong sinakop ang kanyang mga labi.
Pakiramdan niya tumigil ang pag-inog ng mundo sa ginawa nito. May halong pananabik ang paghalik nito na halos mapanginig ang kalamnan niya.
Natilihan siya.
“ ahhhhhhh !!!!”
“ sa wakas naman at nagising ka na sa pagde-daydream mo dyan!”
“ what ?!”
“ what what ka pa hahahaha ! nakakatawa ka tignan ! sino ba ini-imagine mo ?”
Tumawa ito ng malakas.
The hell ! panaginip lang ‘yon?! -____________-“ naman!
Naririnig pa niya ang mga tawa ni Viet. Inaalaska na naman ulit siya nito na lagi naman ginagawa sa kanya. Hindi siya makapaniwala na nag-de-daydream lang pala siya sa mga sandaling iyon.
“ siguro ako iyon nuh? Ini-imagine mo na hinahalikan kita… kasi nakaganito nguso mo ohhh …” tukso nito sa kanya na nakanguso.
Gusto niya itong sampalin. Nakaloko kasi ang tawa nito . Napahiya tuloy siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya, ni isa ay walang salitang lumalabas sa bibig niya.
“ oy! Nagblu-blush na siya ohhh ! ayeiiii masarap ba ako humalik ?” tukso ulit nito na nakahawak mismo sa pisngi.
Nasapo niya agad ang kanyang mga pisngi.
What me blushing? Oh my !!!
Isa na lang talaga Viet at malilintikan ka sa’kin!
“ ano na ? wala ka na masabi? Nahihiya ka ?”
Lumapit ito sa kanya. Isang gadangkal na lang ang pagitan sa mga mukha nila. Napatingin siya sa mga mata nito. Hindi niya mabasa ang mga ito. Hindi niya alam kung ano binabalak nito. Bumaba ang kanyang tingin sa mga labi nito. Parang bumalik ang naiimahe niya kani-kanina lang.
Bago paman din magulo ang isip niya ay itinulak na niya ito palayo sa kanya.
“ anong ginagawa mo!”
“ masyado kang seryuso, tara na nga … dadalhin na kita sa hotel at nang magagamot yang paa mo…”
Hindi na siya nakapagsalita pa nang binuhat ulit siya nito.
Napatingin ulit siya sa mukha nito. Seryuso this guy!
Buhat ni Viet si Suna. Ang totoo ay hindi niya lubos mawari kung bakit nagagawa niya ang mga bagay na iyon lalo na sa babae. Pero sa pagkakataon na iyon hindi niya maintindihan ang sarili. Nung mga oras na tumabi sa kanya si Suna hindi na siya mapakali. Ang matino niyang pag-iisip ay biglang nagloko. Hindi niya napigilan ang kanyang kamay na haplosin ang mukha nito , ang mga mata niya na pagmasdan ito. May kaibang pwersa na nag-udyok sa kanya upang gawin ang mga ganoong bagay.
Natakot siya nung iwan siya agad ni Suna. Siguro ay natakot ito sa ginawa niya. Gusto niyang mag-apologize sa babae kaya sinundan niya ito. Nang may biglang sumigaw, dali niyang tinungo ang ingay kung saan na nagmula. Hindi nga siya nagkamali, Si Suna nga. Nakaapak ng starfish.
Natawa pa siya sa itsura ng babae. Hindi maipinta ang mukha nito. Nawala sa kanyang isipan ang mag-apologize sa sandaling iyon. binuhat niya ito. Ang totoo, nabibigatan talaga siya, mabigat ito kumpara sa mga ibang babae dyan. Siguro ay hindi ito nagdi-diet. Matangkad ito sa height na 5’6 na pang model lang ang peg. Sa unang tingin masasabi mong model ito. Sa anyo at postura. Balinkinitan ang katawan nito, morena at simple lang tignan. Walang ka pinto-pintora ang mukha.
Bigla siyang napangiti nang nananaginip ito kanina. Parang ewan lang. napaisip tuloy siya sa mga oras na iyon na siya ang napaginipan nito at hinahalikan niya ito. Gusto niyang magseryuso pero sa halip ay inalaska na lang niya ito para wala nang masabi.
Papalapit na sila sa hotel. Kahit gabi na ay nagliliwanag pa rin ang mga ornamental lights sa paligid. Nakikita pa niya ang ibang kasamahan na nasa dalampasigan nagkakasiyahan. Malapit na sila sa hotel nang mapansin niyang papasok din sa loob sina Goimon at Ruru na magkaakbay pa. napangiti siya.
Sumunod na rin sila sa loob. Inihiga niya nang dahan-dahan si Suna sa sofa nasa lobby sila. Nakatulog na ito habang karga niya. Napagod siguro. Tumawag siya ng isang crew para gamutin ang paa nito. Agad naman itong tumulong.
Nakaupo siya sa tabi nito. Pinagmamasdan niya ito mula ulo hanggang paa. Nalilito siya.
Ano ba nangyayari sa akin! Tama na yan viet, wag mo na saktan ulit sarili mo. Kung may pagtingin ka sa kanya kalimutan mo na. walang patutunguhan yan.
Tumayo siya at lumabas sa hotel. Nag-isip isip.
Nakapagdesisyon na siyang aalis na siya bukas. Bago pa man din magising ang lahat.
Mas mabuti na ‘toh para makaiwas na rin ..
Biglang may sumagi sa likuran niya. Ang crew.
“ sir , hinahanap po kayo…”
“ ah sige , thank you.”
Sumunod naman siya sa crew sa loob.
“ oh okay ka naba?” tanong nito nang Makita niya itong nakaupo na.
“ yes , ok na ako.”
Tumayo si Suna mula sa pagkakaupo agad naman niya itong inilalayan.
“ gusto mo ihahatid na kita sa kwarto mo?”
Hindi muna ito sumagot. Tumingin ito sa paanan at agad namang tumango.
Nakaakbay ito sa kanya. Hinihintay nila na bumukas ang elevator. Hindi ito nagsasasalita. Naka-awang lang ang bibig nito pero walang katagang lumalabas. Hindi na lang niya ito pinansin. Nang bumukas ang elevator ay agad rin naman silang pumasok.
Tahimik lang sila sa looban. Nakaw-tingin sa kapwa isa.
Ano ba naman ‘toh bat hindi ako makapagsalita! Gago mo viet !
Napatingin ulit siya kay Suna. Umirap lang ito.
Hindi rin nagtagal ay bumukas na ang elevator inilalayan siya nitong makalabas.
“ saan nga pala kwarto mo?”
“ 143”
“ oh ano? 143?”
“ oo bakit?”
“ wa-wala”
Napangiti na lang siya rito.
Narating na nila ang room 143. binuksan ni Suna ang pinto.
Tinulungan naman niya itong makapasok sa loob. Hanggang sa kama nito.
“ thank you viet ha,”
“ your welcome,”
“ sige okay na ako, goodnight!”
“ night,”
Iyon lang at lumabas na siya sa silid nito.
Napakamot siya sa ulo.
Saying naman hindi ako na score bago ako aalis…
Nakahinga ng maluwag si Suna nang iwan na siya ni Viet sa loob ng kanyang silid. Halos namawis ang kanyang kili-kili sa hindi pagkibo sa lalaki.
Gosh! Itulog ko lang ‘toh! Promise bukas wala natong ganitong feeling! Irritating!
BINABASA MO ANG
FML Family ( closed story )
AdventureFML ( Fil Main Lobby ) Family . It's not about Chat , having conversation o HALAY ? well , it's about togetherness , closeness , friendship , Love and most of all Family. Someone tells me na walang kwentang bagay ang Chat na 'yan. Waste of time an...