MALAKAS ang pakiramdam ni Nash na di nya magugustohan ang sasabihin ni Sharlene. Matinding katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa bago ito nagkalakas loob na sabihin ang kung anumang bumabagabag sa isipan nito.
"Nash, kung di mo napapansin eh matagal ng may gusto sayo si Alexa", dirediretsong bulalas nito.
"Napansin ko nga", sagot nya dito ngunit sa halip na tumingin ng diretso sa mata nito ay sa noo sya nito nakatutok ang mata.
"yun lang? Wala ka bang ibang sasabihin", di makapaniwalang sabi nito.
"eh di wow. Okay na?", walang ka emo-emosyong sagot niya.
"Diretsuhin mo nga ako, may gusto ka ba kay Alexa?", alam niya ang sagot dito. At matagal na niyang alam na may gusto si Alexa sa kanya. Ngunit sa tinutumbok nito ay nag aalala sya na baka mali ang maisagot niya. Sa di nya malamang kadahilanan ay malakas ang pakiramdam niya na may magbabago sa kanilang dalawa.
"What answer do you want me to say?"
Napakamot ito sa ulo, halatang frustrated din ito sa sitwasyon nila ngayon.
"Madali lang to nash, yes or no lang ang sagot", sa wakas ay sabi nito.
"kapag sinabi ko bang oo eh may magbabago ba?", natahimik ito or mas mabuting sabihin na nagulat. Di sya sigurado kung ano ang tumatakbo sa isip nito.
NAKATUTULA lang si Sharlene sa harap ni Nash dahil sa narinig. Bagaman di man nito kinumperma kung talagang may gusto ito kay Alexa or wala eh malakas pa rin ang impact ng sinabi nito sa kanya.
Nanlulumo sya sa narinig. Halos gilitan na nya ang sarili dahil sa panghihinayang. Na sana ay di na lang sya nag tanong. Na sana nanahimik na lang sya at nakontento kanina. Na sana di na lang nya pinansin si Alexa na nasasaktan sa ginagawang pag trato ni Nash sa kanya. Na sana nag paka selfish na lang sya.
Ngunit paano nya mababalik ang nangyari na. Sira na, at ngayon ay sya ang mas nag durusa.
Di nya alam kung nababasa ba nito ang nararamdaman niya dahil ng mag tangka itong mag salita ay pinigilan nya ito at ginawaran ng pinaka pekeng ngiti nya.
"Okay na. Okay na ako sa sagot mo Nash....as of now. Pero sana sa susunod na tanungin uli kita ay diretso na ang sagot mo haa", di na nya hinintay pa na makasagot ito dahil tinalikuran na nya ito at walang lingon likod na naglakad pa punta sa Comfort room.
"Bro, ngumiti ka. Ang panget mo pa naman pag naka simangot", pahabol nito sa kanya.
Tango lang sinagot nya at tinaas ang kamay na naka thumbs up.
Alam niya sa sarili na di na nya magagawang tanungin ulit ito. Natatakot sya sa maaring isagot nito.
Pero bakit pa nya sinabi yun kung ganun? Marahil ay dahil umaasa pa sya na kahit paano ay iba ang isasagot nito. Na sya ang pipiliin nito. Natigilan sya sa naisip niya......ako ang pipiliin?Bakit nga ba nya gustong sya ang piliin ni Nash. At ba't sya nasasaktan sa isinagot nito kani kanina lang. Mas binilisan nya ang paglalakad patungo sa CR.
Nang makarating sya sa CR ay tutop nya ang dibdib habang habol niya ang kanyang hininga. Di sya pamilyar sa nararamdaman nya at the same time ay natatakot kung ano man ito.
Nagulat sya ng paglingon niya sa salamin at makita ang hitsura nya, di nya namalayang tumutulo na pala ang luha nya. Mabuti na lang at di pa sya nalalagyan ng makeup.At dahil dito ay sa wakas na alala nya na kailangan pa nga pala syang lagyan ng makeup.
"Naku naman..", dali dali syang naghilamos ng mukha at nag punas gamit ang tissue. Nang di sya maka tiis ay inilagay nya ang kamay sa harap ng blower at saka dali daling ipinalit ang mukha niya sa tapat nito upang mas mabilis itong matuyo.
YOU ARE READING
Cliche
Teen FictionSharlene San Pedro and Nash Aguas are both known for their promising talents in acting...etc.. And as we all know, they are said to be best of friends in real life. Find out how they tackle these new challenges, and end up falling for each other whe...