Chapter Eleven

39 1 1
                                    

okay, hehehe. Honestly, wala akong maisip na pwedeng gawing ending. Ayoko kasing matapos ang sweet moments. But as we all know, all stories have it's ending, mapa-happy ever after man o hindi. So that's it! I'm on it.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nakahiga si Nash sa kama nya habang tinitingan ang mga pictures nila na kuha sa cellphone niya noong nag-outing sila. Haaaay, ang saya nilang tingnan. Napag pasyahan niyang i-lipat na lang sa laptop niya  at i-print ang mga kuhang litrato tutal eh di rin naman niya yun pwede'ng i-post, bibili na lang siguro sya ng photo album para dun. Old school eh ano? 

Biglang tumunog ang cellphone niya, ng makita niya kung sino ang tumatawag ay agad niya itong sinagot.

"Oh, shar, napatawag ka?" masayang bati niya dito, na mi-miss niya na rin ang boses nito..hehehe, Parang di sila magkasama kanina'ng hapon lang ano? Naunahan lang siya nito sa pagtawag.

"Eh Nash, may mga pictures kasi ako dito, yung kuha sa beach." panimula nito, "I-pi-print ko sana, gusto mo ba ng kopya?" tanong nito sa kanya.

"Tama'ng tama, meron din kasi ako dito. I-send mo na lang sakin, tapos ako na lang ang mag-pi-print," sagot niya dito. May narinig siya'ng kaluskos sa kabilang linya, "Ahh ganun ba..." parang nanghihinayang na sagot nito.

"Bakit? Naka-print ka na ba?" nag-aalala'ng tanong niya dito.

"Di pa naman," sagot nito...."alam ko na!," pumitik pa ito, bakit ko alam, kasi narinig ko malamang.."ako na lang ang bibili ng album, or scrapbook," excited na sabi nito.

"Yan din sana ang plano ko," nakz lang! pati ba naman sa pag-iisip eh pareho lang. Ahahaha.

"Scrapbook na lang gawin natin, ako ng bibili ng mga materials," sabi ni Shar.

"Ba't di na lang tayo sabay bumili bukas, after taping?"...ng hindi ito sumagot ,"dito na lang natin sa bahay gawin tutal malapit lang sa ABS diba?," patuloy niya, hehehe.

"Sige, call ako diyan, magluluto ba si Tita?" habol nitong tanong.

"Ayan ka na naman, pagkain na lang ya'ng iniisip mo," pagmamaktol niya dito, pero sa totoo lang ay masaya'ng masaya siya dahil pumayag ito. Ibig sabihin ay magkakasama na naman sila ng wala'ng istorbo. Talaga lang ha...bakit nga pala nitong mga nakaraang araw eh gusto'ng gusto mo'ng nasosolo si Sharlene...eh kasi...uhmm, bakit nga ba? hahahaha. ALAMZ na!!!

"Ikaw na man bro, parang hindi rin yan lang ang habol mo dito sa amin ah," panunudyo nito.

"Di ah, kaw kaya lage dahilan ng pagpunta ko diyan," huli na ng ma-realize niya ang sinabi niya. "An-no--, nga diba....yu'ng, ano...basket, o--oo, nag, pag may nag basket tayo," ano raw??? pati siya nalito sa sinabi niya.

"Anooo?" 

"wala, basta bukas ha," pinagpawisan siya dun ah. Buti na lang di nito napansin yung unang mga sinabi niya.

"hoy, paminsan-minsan eh gumamit ka naman ng mga salitang pan-tao," pang-aasar na sabi nito. "Sige bukas na lang," 

"hehehe, goodnight bro!" napaka-sweet na sabi niya.

"Goodnight din bro, see you tomorrow! I love you...muaah" akala siguro nito nagbibiro siya dahil ginaya pa nito ang sweetness sa boses niya.

Pero bahala na, kahit paano eh keneleeg naman siya. "I love you more bro, muaah with hugz!!" nag-smack pa siya sa phone.

Narinig niya lang na tatawa-tawa ito sa kabilang linya, "Sige, bye!" ,saka walang paano'y pinutol nito ang linya

"Langya na man Shar! Andun na eh, ang ganda na ng moment," kausap niya sa phone," bilis mo'ng maka-move-on, alam mo...asar ka talaga minsan. Ikaw na! suko na ako," tinaas pa niya ang kamay.

"Ang Manhig lang kasi! makiramdam ka naman paminsan-minsan. Grabe! Effort na effort na ako oh. Labo mo kasi, puro biro lang tingin mo sa lahat ng gingawa ko eh. Ang Manhid mo!" dinuro pa niya ang pobreng phone.

"Reyna ka ng Kamanhiran!," patuloy niya kahit kanina pa ito nawala sa kabilang linya.

"Nak, kung gusto mo eh tawagan mo na lang ulit, saka mo sabihin ya'ng mga pinagsasabi mo," paglingon niya ay nakita niya ang mommy niya na nakatayo na pala sa may pintuan, "hindi ganyang nagmumukha kang ewan kakausap diyan sa cellphone mo," at lumapit sa kanya.

"Kanina ka pa ba diyan my?" nag-aalala'ng tanong niya dito. Di siya makatingin ng diretso sa mommy niya dahil huli'ng huli na siya sa akto.

Niyakap siya nito saka hinalikan sa noo," Eh ano ngayon?"

"Anong mga narinig mo?" nakakhiya talaga, paano kung isumbong siya nito sa mama ni Shar or kay Shar mismo.

"Doon lang naman sa part na panay I love you mo,hanggang sa....alam mo na," nakangisi'ng sabi nito.

"Mommy, hehehe," nang tingnan niya ito ay parang balewala lang naman dito ang narinig. "Atin atin lang yun ha, hehehe," pagmamakaawa niya dito.

"Baki't, ano ba'ng meron dun sa sinabi mo," saka siya kinindatan at tumayo. "Matulog ka na nak, maaga pa tayo bukas, may LUV U taping pa kayo diba?", diniinan pa nito ang pag-kakabigkas sa salitang LUV U.

Natawa na lang siya sa inasal ng mommy niya, "Sige po, night my,"..sinara na nito ang pinto ng tingnan niya ang cellphone niya, ng di makatiis ay nag-text siya kay Sharlene. 

"BRU <3" ang pangalan nito sa contacts niya. Hehehe. 

Shar, tulog ka na? makalipas ang ilang sigundo ay nag-reply ito.

BRU <3: Sana, istorbo ka :[

ME: hehehe, sige, ma2log ka na, g'night <3 <3

BRU <3: g'night din.

ME: wag mo ko masyado isipin ha, baka mapanaginipan mo ko nyan.

BRU <3: kapal mo! eh ikaw tong isip ng isip sa kin eh.

ME: pano mo nalaman? hahaha. Sige, tulog ka na. muah. xD

BRU <3: ewan ko sayo,bangungot siguro, oo. Wag ka na mag-reply. Bye. Night. Muah din? hahaha.

Nang mabasa niya ang huling text ni Shar ay gusto sana niyang mag-reply pero, baka di na sila matapos sa pag papalitan ng text. Siya pa tuloy ang dahilan ng pagkakapuyat nito, nakontento na lang siya sa paulit-ulit na pagbasa sa naging sagutan nila sa text. Para siyang tanga, tatawa-tawa'ng mag-isa. Hanggang sa makatulog siya na yun ang huling iniisip. 

------------------------------Haleeeeeeeer! what do you think?, naka-focus muna ako ngayon sa side ni Nash kasi, feel ko lang, hahahahahaha.-------------------------------------------

"

ClicheWhere stories live. Discover now